PAMANANG KALINANGAN

*Alamat -isang akdang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay

*Bugtong - inilalarawan ang mga bagay na pinahuhulaan. Ito’y nangangailangan ng mabilisang pag-iisip.

Tula -ito ay mga akdang panitikan na may sukat at tugma. Ang sukat ay bilang ng pantig ng bawat taludtod, samantala ang tugma ay pagkaka-sintunugan ng mga huling salita sa bawat saknong.

*Pabula - ito ay isang uri ng maikling kuwento na ginagampanan ng hayop o bagay na bibibigyang buhay upang maghatid ng aral.

*Parabula -isang uri ng maikling kuwento na kadalasay ibinabatay sa mga tunay na nangyayari sa ating buhay. Ito’y naghahatid ng aral at ang gumaganapay tao.

*Awiting Bayan - ito ay naglalarawan ng katutubong ugali at  tradisyon na kasasalaminan ng mga naging buhay nila noon. Ang   mga nilikha nilang awit ay nasusulat nang patula na inaawit sa ibat-ibang pagkakataon.

*Kuwentong Bayan -ito’y mga samu’t-saring kwento na hubad sa katotohanan nguni’t patuloy na ikinukwento dahil sa pasalin-salin na sa bibig ng karamihan.

*Balagtasan
- Ang balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme)

*Epiko - Ang epiko ay isang kuwento ng pagpapahalaga at kahulugan ng isang sibilisasyon. Ito ay isang mahabang salaysay na kadalasang nasa pormang patula.Ito ay may mga bayaning kumakatawan ng mga pagpapahalaga ng sibilisasyon, mga bayani na sumasagupa sa malalaking labanan na kumakatawan sa mga isyu ng sibilisasyon. Mahalaga ang aksyon ng mga bayani dahil naapektuhan nito ang mga tao at dahil inihahantad nito ang kahulugan ng buhay at kamatayan.

*Dula-dulaan - isang uri ng kathang pampanitikan. Sinulat ito sa tula o sa tuluyan. Ito ay naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga salita at kilos ng mga tauhan sa tanghalan.

*Sanaysay - isang katha na naglalahad ng mga kuro-kuro, karanasan at damdamin ng isang tao hinggil sa isang paksa.

*Salaysay - Isang uri ng katha na walang katangiang nangingibabaw,timbang na timbang ang mga bahagi,hindi nagmamalabis bagamat masaklaw, maliwanag ang pagsasalaysay.

*Mito - ito ay isang panitikang katha na ang buod a yukol sa mga tradisyon o lumang kuwentong nilikha ng may akda,ukol sa pinagmulan ng isang tao,lugar o pook ayon sa kanilang mga paniniwala ugali at pamumuhay na maaaring di-kapanipaniwala

*Salawikain - mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng  mabuting payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala tungkol sa mga batas ng kaugalian at karaninwang patalinhaga.


 

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1