SANAYSAY

ANG PAGKILALA NG UTANG NA LOOB
Lina Flor
   
            May kasabihang”ang di marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi darating sa patutunguhan.”
Sa paanong paraan naipakikita ang pagtanaw ng utang na loob at ilan sa atin ang sumusunod sa paraang iyan? Halimbawa, ilan sa atin ang nakakabatid na kapag ikaw ay nagawan ng favor o kagandahang- loob ng iyong kapwa ay nararapat na ipahayag mo sa pamamagitan ng tumpak na pananalita ang iyong damdaming nagpapasalamat? Ang damdaming ito ng pagtanaw ng utang na loob ay tinaguriang appreciation sa wikang Ingles:sa kastila naman,kapag ang isang tao’y marunong kumilala niyon ay sinasabing siya’y agradecido.Sa wikang Tagalog ay napakarami ng katumbas ng appreciation sa ingles at agrdecido sa kastila. Diya’y kabilang ang matanawin,may utang -na- loob,magantihan,mapagpahalaga,mapagkilala,atb.,alinsunod sa gamit na kinakailangan.Dahil sa karamihan ng kaukulang salita sadamdaming iyan ay sukat nang makilala na katutubo sa ating mga Pilipino ang pagkamatanawin sa alin pa mang utang na loob na sa ati’y ipinagmamagandang-asal n gating kapwa.
          Gayon pa manay hindi natin maipagkakaila na bihira sa atin ang marunong magpahayag ng damdaming ito. Ang kulang sa karamihan sa atin ay di damdamin ng pagkilala ng utang na loob,kundi ang di- karunungan kung paano ipahayag ito.
          Halimbawa,ilan sa atin ang nakakabatid at nakatupad ng wastong ugaling magpahayag n gating pasasalamat sa sinumang nagpadala sa atin ng alaala sa mga pagkakataon gaya ng kapistahan,kaaraan,at iba pa,sa pamamagitan ng isang maikling sulat?
         Ito’y isang gawi na marami sa atin ang hindi nakakatupad.Karamihan sa atin, sukat na ang matangap ang alaala,maibigan natin ito at ipahayag an gating paglilingkod sa ating mag kasambahay na siyang kaharap sa sandaling matanggap natin ang regalo, ay hindi na natin maisip man lamang na ipahatid an gating pagkalugod sa nakaalala upang kanyang mabatibd na iyon ay ating naibigan at tayo’y nagpapasalamat sa kanya.Tumanggap tayo ng mga regalo buhat sa malalayong pook na ipinasadya pa ng nagpadala sa atin,ngunit hindi natin matugon ang alaala sa pamamagitan ng kahit na isang maikling sulat ng ganito halimbawa:
        Mahal kong kaibigan:tinanggap ko ang iyong padala at itoy nagdulot sa akin ng lubos na kasiyahan at nakaragdag ng kaligayahan sa aking kaarawan.Maraming salamat sa iyo.’
        O kaya’y kung namatayan tayo at maraming nakaalalang magpadala ng bulaklak at korona na hindi na nakuhang makipaglibing. Ilan sa atin ang marunong sumulat sa nakaalalang iyon ( matapos ang ilan araw na pagyaman sa yumao ) at magpasalamat?
        Kahit na sa maliit na bagay ( o, dapat ko pa ngang sabihin ay lalo na sa maliit na bagay) na tulad halimbawa ng pakikiabot ng isang bagay na malayo sa atin.
         Anak, iabot mo rito iyang gunting sa aking panahian…,’
         Tutungo naman ang bata sa iyong sinabi at kukunin ang inyong iniutos,Ilang magulang ang marunong magsabi ng “salamat” pagkatapos?
    Baka naman ang iba sa mambabasa ay matatawa sa sinabi kong iot,gaya ng isang kong kakilala na akalain ba ninyong napatawa nang malakas nang minsang pasasalamat ko ang aking kabiyak.Ipinakiabot ka sa aking asawa ang sissidlan ng asin na nasa gawing hapag na kanyang kinaupuan na malayo sa akin at nang malambot na’y nagsabi ako ng “ Salamat”….Gayon  na lamang ang tawa n gaming panauhing kapalagayang-lob.Ang akala’y nagbibiro ako,na,ang aking pasasalamat ay isang panunuya dahil sa hindi ugali na magpasalamat ay isang panunuya dahil sa hindi ugali na magpasalamatan ang magasawa ( o magkapatid o magmagulang ) lalo na sa maliit na bagay na gaya niyon!
      At nang itanong ko sa kanya kung bakit siya natawa,sinabing “Tila labis naman ang gayon!’
       Hindi maaaring maging labis kailaman ang magpakilala ng utang na loob sa kaniniman kahit na sa kaliit-liitang bagay. Hindi ang malaking bagay lamang ang dapat pahalagahan at kailangan ipahayag. Isang kopnsuwelo ng ngmamagandang-loob ang marinig ang pahayag ng pasasalamat.At hindi ang ibang tao lamang ang dapat pasalamatan: maging ang pinakamaliit sa atin ay nararapat ding pagpapahayag ng pasasalamat.
      Kung sa maliit na bagay ay hindi natin sasanayin an gating mga anak sa wastong pagpapahayayag ng pasasalamat,lalaki silang tahasang salat sa damdaming pagpapahalaga.Magiging tunay nga silang walang utang na loob! Isa sa mga unang salitang dapat natin ituro sa mga bata kahit nagsisimukla pa lamang sila sa pagsasalita,ay ang “Salamat” At kabilang sa mga unang damdaming dapat natin ibinhi sa kanilang murang isipan ang pagpapasalamat sa biyayang tinatanggap gaya ng nasa panalangion:’ Nagpapasalamat ako, Diyos ko,sa ipinagkaloob Mo sa amin sa arw-araw…’
     Ilan sa atin ang nagdarasal ng panalangin ukol sa pasasalamat? Marami sa atin ang kapg may malaking adhikain ay agad nagpapanata.simba nang samba at dasal nang dasal…’ Diyos ko,para Mo na p9ongawa! Ngunit oras na matamo an gating hinihiling.Ilan ang nakakaalalang manikluhod naman at magsabi:’Salamat ,Diyos ko, salamat.
       Hindi pa rin nalalayo an gating salitaan sa unang paksa:sadyang magkakaugnay ang mga bagay na ito kung abg pag-uugnay ang pagtanaw ng utang na loob.At ang isa pang kaugnay nito ay ukol naman sa ating bayan.
       Napag-usapan naming minsan ang kakulangan ng iba pang biyayang tinamasa natin ditto sa ating bayan na dulot ng kalikasan.Naibalita sa amin ng isang kaibigan na kagagaling pa lamang sa paglalayag ang kalagim-lagim ng mga tao sa ibang bansang kanyang narrating.Sa tsina,Halimbawa,ay nangangamatay sa gutom ang mga tao sa lansangan.Sa ginaw at kawalan ng damit na makapal ay marami rin ang nangamatay.Upang makahigop lamang ng mainitb na tsaa (nakung minsa’y siya na lamang nagsisilbing pagkain).ay binibili ang tubig nakumukolo,dahil saw ala ni ipinanggatong ang iba upang makapagsalang sa kanyang sariling lutuan.Sa Inglater naman,Halimbawa ay rasyon pa rin hanging ngayon ang mga pangunahing kailangan ng tao. Maging sa pinakamayamang bansang Amirika ay tipi dang pagbili ng mga kagamitan sa kanila na ring bayan niyayari at ginagawa,dahil sa ipinag-uutos ng mga bagong batas na kailangan hatian ang mga kulang –palad na bansang maliit at ang mga nangawasak dahil sa digmaan.
     At nasabi pa nga ng kaibiganng naming iyon nang umuwi siya rito at Makita ang bpamumuhay natin ay naipagmalaki niya na itong  Pilipinas ay mapalad  sa lalong mapalad.
      Napabuntong – hininga an gating patnugot at nasabi; Ngunit ilan sa atin ang makakatalos nito at ialn ang nagpapahalaga,matalos man?”
      Kaya nga’t naitatanong naming kung bakit ang iba riyan,ngayonng nakaraan na ang digmaan at waring na ang dating uri ng pamumuhay,ay hindi na nagugunita an gating pinagdaanan hirap.Dapat sana’y lagi siyang magpasalamat sa pagkakaahon sa hirap na iyon at maging matanawin sa bansang naglawit ng tulong. Bakitkaya ang katwiranng iba’y Sisi at bakit tayo ay labis nsa nagpapasalamat? Talagang katungkulan naman nilang tumilong sa atin pagkat tumulong naman tayo sa kanila sa pakikidigma. Saka, kung hindi naman dahil sa kanila’y hindi sasapit sa atin ang digmaan na iyon. Dahil sa kanila kaya tayo nagbata ng hirap. Talagang alangang hindi tayo tulungan ngayon!’ Ang maitanong ko nama’y’ Kailangan bang mabawasan ang pagpahalaga ng isang bagay na naidudulot sa atin dahil lamng sa tayo ma’y nakagawa ng mabuti sa nagdulot ng iyan?’
        Ang kamalian ng marami ay ang pag-aakalang ano mang bagay na matumbasan ng ibang bansa ay maari nang ibilang saw ala. Amanos! Ang hindi nababatid ng iba ay ito: Kahit na matumbasan ang bagy na iyon dahil sa pagkadulot niyon sa oras ng pangangailangan ay hindi maaring lumipas kailanman ang damdaming pagtanaw ng utang na loob.
       Halimbawa nagkasakit ang iyong anak at natapatan na salat na salat ka sa kawaltang pambili ng gamut.Ikawq ay dumulog sa iyong kaibigan at ikaw ay kanyang pinautang. Ibinili mo ng gamut ang pera at ang iyong anak ay nailigtas.Nakaraan ang ilang araw ang pera at ang iyong anak ay nailigtas. Nakaraan ang ilang artaw at ikaw ay nagkakuwalta na at siya’y nabayaran. Hindi mo maaring sabihing wala ka nang utang na tinatanaw sapagkat nakabayad ka na. Ang pagkakatulong sa iyo sa oras ng pangangailangan mo ang
Siya mong dapat tanawing utang na loob habang-buhay.
        Ito’y sapat kong nagugunita nagyon. At naalala kong muli nang magtanaw an gaming kakilala sa munting bagay na ginawa sa akin ng aking asawa na aking pinasalamatan.Magkalayung-magkalyo ang agwat,sasabihin ninyo,at walang kaugnay. Nginit hindi. Natitiyak kong lahat ng bagay na may kinalaman sa wastong pagpahalaga ng kagandahang-loob ay magkakaugnay-ugnay. Ana hindi marunong kumilala ng maliit na kagandahan-loob ay hindi rin matututong tumanaw ng bagay ng malaki. At ang  taong tumatanaw ng kagandahang-loob sa nagbigayng regaling mahal ang halaga sa tindahan,at iba ang tingin sa 9iasng dukhang alaala lamang na hindi pinaggugulan ng salapi… sa madaling sabi,ang taong kung magpahalaga ay salapi ang ginagawang batayan ay hindi marunong tumimbang sa mga bagay na lubos na dakila sa buhay.
       Hindi sapat ang makaramdam tayo ng kasiyahan-loob at makapagpasalamat sa nagawa sa tin: kailangan ipahayag iyon. At ito’y uulitin komdahil sa aking batid na para sa nakaalala, ang kasiyahan ng pagbibigay ay natutumbasan ng kaalamang ang pagkakaalala niya’y pinahalagahan. At paano niya malalaman kung hindi ipahahayagan ng pinagbigyan?


PAKIKIPAGKAIBIGAN

Ang mga Pinoy ay lahing mapagkaibigan kahit sa mga dayuhan.  Sila ay handang matuto tungkol sa ibang kultura at lahi.  Ang kanilang kakayahan na matutunan ang ibang pananalita ay katunayan na kaya nilang mamuhay sa ibang bansa at sa naiibang kultura.   Ang natural na kakayahang ito ang dahilan kung kaya't milyung-milyong Pilipino ang matatagpuan sa iba't-ibang bansa.

Ang mga Pinoy ay madaling makipagkaibigan sa mga baguhan o dayuhan.  Nais nilang maramdaman ng dayuhan na sila ay bahagi ng lokal na grupo.  Palagi silang nagtatanong tungkol sa pinanggalingan at katauhan ng baguhan na kung minsan ay napapagkamalan na pakikialam.  Ngunit ito ay paraan lamang upang kanilang makilala ng mabuti ang baguhan at makagaanan ng loob.

Ang madalas na naitatanong sa isang baguhan ay, "Taga saan ka?"  Ito ay nakakatulong sa pagpapalagayang loob lalo na kung siya ay galing sa isang lugar na kilala.  Kung ang baguhan ay galing sa parehong lugar, ito ay pagmumulan ng mas malalim na usapan sa kanilang pagitan.  Kung hindi naman, idadagdag na lamang ito ng isang Pinoy  sa kanyang bagong kaalaman.  Kung minsan, ang bagong kaalaman na ito ang magbibigay sa kanya ng pagkakataon na magkaroon ng kakilala sa isang lugar na hindi pa niya nararating. 

Ang pagtatanong tungkol sa katauhan ng isang baguhan ay isang pagkakataon para sa isang Pinoy na mahasa ang kanyang nalalaman tungkol sa dayuhang pananalita.    Halimbawa, ang mga dayuhang gumagamit ng Ingles ay maaaring magulat na ang isang Pinoy ay sumasagot sa Ingles kahit na sila ay kausapin sa Tagalog o anumang lokal na pananalita.  Ito ay dahilan sa nais ng Pinoy na patunayan sa dayuhan na mayroon siyang kakayahan na gamitin ang mga dayuhang pananalita.   Maraming Pinoy ang nagnanais na makagamit ng salitang dayuhan kagaya ng Ingles.


FILIPINO TIME
Isang Sanaysay ni Felipe Padilla deLeon

            Isa sa napakapangit na kinagawian nating mga Pilipino ay ang pagiging lagi nang huli sa takdang oras na pinagkasunduan. Karaniwan nang ang isang palatuntunan ay hindi nasisimulan sa oras na dapat ipangsimula
dahil sa wala pa ang panauhing pandangal o kaya'y ang punongabala ng palatuntunan; gayon din, kulang pa rin ang mga tauhang magsisiganap, o kung hindi naman kaya'y wala pa rin ang madlang siyang dapat sumaksi sa palatuntunan kung kaya't naaantala tuloy ang lahat.

           Sa mga tanghalang pangmusika, tulad ng opera, konsiyerto, resital at iba pang kauri ng mga ito, aya isang karaniwan nang pangyayari ang pagiging lagi nang huli ng madlang manonood. Gayon din sa papupulong ng iba't-ibang samahan, kapatiran o kapisanan, kahit na nga ang mga ito'y binubuo pa ng mga taong wika nga'y may sinasabi o pinag-aralan, ay napangawitan na ng marami sa atin ang dumating nang huli sa pinagusapang oras. Ito ang sanhi kung bakit nagging palasak na ang bukambibig na "Filipino time," o Oras Filipino, na ang ibig sabihin ay sira, walang katiyakan pagka't lagi nang atrasado.Tunay na nakatatawang-nakakaawa para sa isang bansang katulad ng sa atin na naghahangad na magkaroon ng isang marangal at mataas na kalagayan sa lipunan ng mga bansang bihasa t malalaya kung maringgan natin ang ating mga kababayan ng gaya ng mga sumusunod na pananality: Hoy, mamayang ika-pito ng gabi, "American time;" "Partner, baka mahuli ka sa takdang oras, hindi Filipino time ang usapan natin;" o kaya'y "Ayoko ng Filipino time, usapang maginoo ito, ha?" at marami pang katulad nito na ang ibig sabihin ay dahop na dahop sa pagkamaginoo at hindo dapat pagkatiwalaan ang isang Pilipino dahil sa siya'y marunong tumupad sa oras na napag-usapan.

           Sa ganitiong pangyayari, na ang oras ng mga Pilipino o "filipion time" ay sira at walang kaganapan, ay maaari rin naming sabihin na ang mga Pilipino pala ay sira na katulad ng ating orasan ay ano naman kaya ang hinaharap ng isang BANSA na ang mga mamamayan ay palagi nang sira at walang katiyakan sa pagtupad napagkasunduan.

 

ANG PAGDIRIWANG SA ARAW NG PASKO
Germiliano Pineda

    Kaluwalhatian sa langit at Kapayapaaan sa Lupa. Iyan ang tunay na diwa ng Pasko: Pag-ibig sa kpwa! Tunay… sapagkat ang Pasko’y siyang dakilang Kaarawan ng pagsilang ng kamahal-mahalang si kristo Hesus- ang banal na Anak ng Diyos ng tanging Manunubos at Tagapagkupkop ng sangkatahuan. Ngunit ano nga ba ang tuimpak na kapalaran ng pagdiriwang ng araw na iyan?...
    Tuwing sasapit ang Pasko sa taun-taon ay napapaharap ang karamihan sa atin sa isang suliranin: kung ano ang tumpak na maihahandog sa ating mga kaibigan o sa sinumang nais maihandog sa ating mga kaibigan o sa sinumang nais pagkalooban ng papasko at kung paano ipinagdiriwang ang Pasko. Lalong mabigat ang suliranin para sa mga nag-aalala kung paano nila mapararaan ang Pasko nang maligaya,sapagkat una-unan’y talagang wala silang maibibigay na handog sa mga nais pagbigyan. At kung mayroon mang makayanan ay nanganagmba naming baka maging alangan dahil sa kaliitan ng halaga.
   Kadalasan,ang nangyayari’y napipilitang mangutang ang diiilan upang sila’y makalasap ngnisang masayang Pasko at makapaghandog ng mga bagay na ikalulugod tanggapin ng pinaguukulan.Kung hindi naman mangutang ay maaaring maubos ang lahat ng inimpok sa loob ng taong nagdaan dahil lamang sa pagnanais na maipagdiwang ang Pasko- sa matuwid na minsan lamang isang taon kung dumating ito. Ang walang- kapararakang paggugol na halos nabibingit sa pagmamarangya kahit lampas sa sariling kakayahan ay higit na nasasaksihan sa panahon ng  Pasko at  dito’y nakikita ang isang maling pagkaunawa sa natutumpak na paraan ng pagdiriwang ng araw na iyan.
  Ang Pasko,gaya ng pagkaalam ng lahat,ay ipinagdiriwang natin uoang gunitain ang araw ng pagsilang ng Dakilang Manunubos na nagligtas sa sangkatauhan sa pagkakasala. At ang pagbibigayan ng mga handog o papasko ay inihawig sa pagdadala ng Tatlong Haring Mago ng kani-kanilang mga handog sa kasisilang na Anak ng Diyos.
   Ang pagdiriwang sa Pasko ay tunay na isanag pandaigdig na kaugalian at dddito’y kasama ang pagbibigay ng mga handog alaala,o pagbati ng mga magkakaibigan,magkakamag-anak, magkakakilala o ng kahit di- magkakilala. Sa araw na iyan ay inaasahang walang namamamahay sa puso ng bawat   isa kunnnnnnnndi ang       kalinisan ng kalooban at pagmamahalan sa kapwa upang lumaganap ang katiwasayan sa buong daigdigAng iwa ng Pasko- na siyang sumasagisag sa pagsilang ng Dakilang Mananakop-ay nag-aatas na ang mga tao, bilang bahagi ng sangkatauhan,ay kailangang magmahalan na parang magkakap[atid,limutin ang ano mang alitan o di- pagkakasundo,at patuloy na makipamuhay sa kapwa sa isang paraang magiging karapat-dapat sa pagpapakasakit na pinasan ni hesus.
   Dahil ditto,ang marangya at magugol na pagdiriang ng PAsko ay hindi siyang naaangkop na gawin.Nararapat nga tayong magsaya.,ngunit sa isang paraan hindi lumalabag sa isang tagubilin ng Diyos: ang huwag maging palalo. Sa pamamagitan ng pagmamagara ng bihis, pagbili ng maraming pagkai at ng ibang karangyaan, at paghahandog ng mga bagy na napakatataas ang halaga upang masabi lamang na may- kaya anga naghahandog, ay isang pagpapalalo,bagay na hindi naaaalinsunod sa tunay na diwa ng Pasko.
    Si hesus ay isinilang sa isang sabsaban lamang at nang aaraw na yaon ay wala Siyang nagging panauhin liban sa mga dukha rin. Hindi niya hinangad na maging maingay , malinaw, at maningning ang pagdiriwang sa araw na iyon,Ngunit sa pagdaaan ng mga taon at sa paglaganap nnnnnnnnnng tinatawag na kabihasnan,ang pagdiriwang ng pasko ay nagging kakaiba,lubhang kakaiba. At ito ang dahilan kung bakit tuwing sasapit ang pasko ay napapaharap    nga tayo sa sulkiranin na kung paano ito ipinagdiriwang at kung ano ang maihahandog natin sa mga kaibigan at kamag-ank.
    Sa pagdiriang ng Pasko ay wala tayong naraarapat isaisip kundi ang sriling halimbawa ni Hesus_ang Kanyang buhay na salat sa pagmamarangya,sa [pagmamakisig. Ang tunay na diwa ng Psko ay hindi humihinging tayo’y magsikap upang mapabilis nang napakagara at maglagay sa ating hapag ng mga pagkaing minsan lamang isang taon matitikman. Hindi nag-aatas ang Pasko na tayo’ymagkautang-utang upang makapaghandog lamang sa mga minamahal ng mga bagay na ating maipagmasmalaki o di ikakahiyang ipagkaloob. Sa araw ng Pasko ay lalo’t higit na hindi dapat ipamukha o bigyan –diin ang pangingibabaw ng issa  sa isa. Sa pamamagitan ng pagpapaligsahan ng kakayahan sa pagdiriwang.
  Ang pasko ay isang araw na banal. Sa araw na ito ang puso ng bawat tao ay dapat maging kasinlinis ng puso ng Kamahal-mahalan Hesus. Ang pagmamahal sa kapwa ay siyang tanging damdaming nararapat mangibabaw sa lahat ng mga gawa at pagiisip ng bawat isa. Hindi ang halaga ng mga bagy-bagay ang siyang katapatan ng naghahandog, Ang isng pagbati ay higit na mahalaga kung tapat sa puso, kaysa isang mamahaling handog na pakitang tao lamang ang pagkakpagkaloob.
    Sa araw ng PAsko ay hindi nararapat maging suliranin ang pagdiriwang . Kahit walang magarang kasuotan at masasarap na pagkain, ang Pasko ay buong katumpakang maipagdiriwang sa pamamagitanng pagpaparaaan ng mahahalagang sandali sa isang mataimtim na pagninilay-nilay ng buhay n gating taga pagkupkop. Kahit hindi tayo’y makapagbigay ng handog sa mg kaibigang itinatyangi,ang diwa ng Pasko ay hindi mawawala sa ating puso kung ang namamahay roon ay ang mabuting hangarin sa kapwa
   At huwag din naman tayong maghinanakit kung sa araw ng pasko ay wala tayong tanggapin mga handog o pagbati.bagamat tayo’y nagkaloob ng alaala Sapagkat tayo’y higit ang biyayang ukol s anagkaloob kaysa tumanggap. WSa pagkaloob ay parang ibinibigay natinm ang isang bahagi n gating puso o damdamin,nginit s a halip n makaramdam tayo ng kawalan o kaukulan pagkatapos niyon ay lalo lamang tayong makakaramdam ng kasiyahan pagkatapos niyon ay lalo lamang tayong ating ginawa ay nakatulong tayio sa pagdulot ng kligayahan sa iba.
   Minsan lamang sa isang taon kung dumaaan ang Pasko at para sa inba’y minsan din isang taon na kanilang nararamdaman ang damdaming makapagbibgay – kasiyahan. Ang damdaming iyan ay sapat ipahiwatig hindi sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng gayo’t ganitong bagay. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagiging matulungin,ng pagdamay sa kapwa,ng pag-aaliw sa dinadalwa na lungkot. Walng higitnna matutumopak na poagdiriwang ng PAsko kaysa pagtataglay ng damdaming mapagbigay at mapanaklolo sa habang panahon-sapagkat  iyan ang sagisag ng Pasko ni Hesus. Ang buong buhay n gating  dakilang Mananakop ay nagging isang mahabang kuwintas ng pagkakait sa sarili,pagpapakasakit,pagtanggi sa kaginhawaan ,at ang sukdulang pagkakaloob ng sariling buhay upang tayo’y matubos sa pagkakloob ng sariling buhay upang tayo’y matubos sa pagkakasala. Sa pagdiriwang ng Kanyang kaarawan ay nararapat nati isagunita ang inawit ng mga angel nang isinilang  Siya- si Hesus:” Kaluwalhatian sa Langit at Kapayapaan sa Lupa!”  Kung ang bawat isa sa ay atin kikilos nang naaalinsunod sa mga banal na katagang iyan, ang pagdiriwang ng Pasko ay hindi magiging isang  suliranin. Sa araw-arw ay mangingibabaw sa ating puso ang diwa ng Pasko. At tayo’y magiging karapat-dapat sa pagpapala ng Dakilang Anak na Diyos na isinilang noon araw na yaon.

 

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1