>td> ALAMAT

ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.


ALAMAT NG PINYA
 
Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaikaisang anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, "Umaasa ako na magkaroon ka ng isang libong mata!" Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya, bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas. Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata ay tinatawag na Pinya.


ALAMAT NG SAGING

Lumigaw ang lalaking pogi ng magandang-magandang babae. Ngayon lang nakakita ang babae ng ganitong kadakilang lalake. Sinabi ng dakilang lalake na nakatira siya sa malayung-malayong lugar. Naniwala ang babae na nakatira ang lalake sa ibang mundo. Nagtanong siya, "Ano ka ba?" Ngumiti ng malungkot ang lalake sa kanya. Sabi niya, "Ito na ang huling pagtatagpo natin." Siya ay ang elf-prince at pakakasal  siya sa unang babae na tatanggap sa kanya ng walang tanong. Pagkatapos, sabi niya, "Kailangang lumakad na ako ngayon." Paghawak ang babae sa kamay niya ay nawala ang elf-prince, iniwan niya ang kanyang mga kamay sa lupa. Naghukay ang babae sa lupa at inilagay niya ang mga kamay sa hukay. Pagkatapos, isang araw, noong nag-ukol ng galang siya sa pook, nakakita siya ng halaman. Nakakita siya na halaman na may bungang dilaw at mukhang mga daliri. Ito ang huling alay ng kanyang elf prince. Ang unang nakilalang saging ay nanggaling dito.


ANG ALAMAT NG BUWAN AT NGA BITUIN

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.
           
Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda.

Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.

"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.

"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."

"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.

"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng matanda.

Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.

"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.

"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.

"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."

Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.

Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.

"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"

 

ANG ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP

Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit gumagamit ng apoy ang mga alitaptap?

Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?

Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa mga talulot.

"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"

"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.

"At saan?" ang tanong ng sampaguita.

"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.

"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"

"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."

"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.

"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti."

"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."

"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.

"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng sampaguita.

"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang kulisap.

"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.

"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.

"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin."

"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.

"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."

"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.

"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.

Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.

Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.

"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."

Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."


ALAMAT NG PARU-PARO

Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay. Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla pasensiya na lamang ang kaniyang binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod na tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo   “Anong gusto mo alilain ako at busabusin, ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala pala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog siya sa ilog. Sumigaw ng malakas si Perla “Paro!Paro!, marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang nakita.

Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa knahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla ito na pumunta sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla at nasambit niya ang katagang “Paro! Paro…!

Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na PARUPARO.

 

 

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1