MGA TULA

Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Ni Dr. Jose Rizal

Isang paruparo na may katandaa’t
Sa lakad ng mundo ay sanay na sanay.
Palibhasa’y hindi nasilab sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata
Na may liwanag pang kahali-halina,
Dapat mong layuan,iya’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kanya.

Ako na ring ito, sa pagiging sabik!
Pinangasahan kong sa kanya’y lumapit.
Ang aking napala’y- palad ko pang tikis!
Masunog pa ang aking pakpak na limit.

At kung akoy ito’y mahambing sa iba
Na di nagkaisip na layuan siya,
Disin ako ngayo’y katulad na nilang
Nawalan ng buhay at isang patay na.”

Ang pinangaralang anak ay natakot
At ipinangako ang kanyang pagsunod;
Ngunit sandali lang! Sa sariling loob
Ibinulong-bulong ang ganitong kutob:

Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
Ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
Ang sa mundo’y sadyang ilaw na pang –aliw.

Anong pakaganda ng kaliwanagan!
Isang bagay na di dapat na layuan!
Itong matatanda’y totoo nga naming
Sukdulan ng lahat ng mga kar’wagan!

“Akala’y isa nang elepante ganid
Ang alin mang langaw na lubhang maliit,
At kung ang paningin nila ang manaig
Magiging higante ang unanong paslit.

“Kung ako’y lumapit na nananagano
ay ano bang sama ang mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
Ay sa hindi hangal naman na totoo.

“Iyang mga iba’y bibigyan- matuwid
Sa kanilang gawa ang aking  paglapit.
Sa pananakali’y di magsisigasig
Sa nagniningningan ilaw na marikit.”

Nang ito’y masabi,halos sasang – iglap
yao na naglalaro sa nagliliwanag,
sa ilaw na yao’y nagpaliwas-liwas
ang baliw at munting paruparong anak.

Nang unang sandali’y walang nararamdaman
Kundi munting init na wari’y pambuhay,
Ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay
Upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro
ay lapit na lapit na di naghihinto.
Sa isang pagliwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

At siya’y hindi na muling nakalipad
Hanging sa mamatay ang kahabag-habag.
Ang ganyang parusa’y siyang nararapat,
sa hindi marunong sumunod na anak.

Sa Kabataang Pilipino
Ni Dr. Jose Rizal

Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.

Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
na mga silahis ng agham at sining
mga Kabataan, hayo na't lagutin
ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan ang putong na lubhang makinang
sa gitna ng dilim ay matitigan
maalam na kamay, may dakilang alay
sa nagdurusa mong bayang minamahal.

Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais
kagyat na lumipad sa tuktok ng langit
paghanapin mo ang malambing na tinig
doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.

Ikaw na ang himig ay lalong mairog
Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot
at mabisang lunas sa dusa't himuntok
ng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan
matigas na bato'y mabibigyang-buhay
mapagbabago mo alaalang taglay
sa iyo'y nagiging walang kamatayan.

Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles
sa wika inamo ni Pebong kay rikit
sa isang kaputol na lonang maliit
ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

Humayo ka ngayon, papagningasin mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala'y ikalat sa mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.

Araw na dakila ng ligaya't galak
magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo'y lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting palad.

Pages  1  2   Next

 

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1