MGA TULA

Ang Kulay ng Pilipino
Amado V. Hernandez

Isinalaysay ng matandang kwento
ang tao’y kung pa’no simulang nilikha,
ang pagkakaiba ng kulay ng tao
isang kamaliang hindi sinasadya.

Kung ang tao’y lalang ng isang ama
at iisang bagay ang ginawang sangkap,
ay tunay nga naming nakapagtataka,
ano’t sari-sari ang kulay ng balat

Nangyari’y ganito; Diyos ay pumili
Ng lupa’t minasang sa sarili’y hawig.
At nang masiyahan sa hugis at yari
Kanyang isinalang sa hurnong mainit.

Ngunit hindi pa man nadadarang halos
ay kanyang hinangong nag-aalanganin,
naging bantilawan sa halip masunog;
ito ang kastila at Kano-putian.

Nang magsalang uli,upang di mahilaw,
hurno’y pinagbaga sa dagdag na gatong
At ang niluluto’y laong tinayantang,
kaya’t nang hangui’y para naming karbon.

Yamot na ang Diyos na siya’y natulad
Sa bagong kinasal na tangang magluto.
Sa ikatlong salang ay nagpakaingat;
Nang hangui’y anong inam ng hinango.

Kulay din ng lupang sadyang kayumanggi.
ang anyo at tindig ay katangi-tangi;
kung lalaki’y walang tatangging babae.
Kung babae nama’y makalaglag –pari.

Ikaw,Pilipino,ay dapat magsaya
At ipagmalaki ang balat mo’t kulay;
Ang itim at puti’y kamalian pala,
Iyang kayumanggi ang lalong mainam.

Ang totoo’y  wala sa kulay ng balat
Ni hugis ng ilong ang uri ng tao;
Bunga’y sa lamukot naroon ang sarap,
Tao’y kilatisin sa puso at ulo.

Ang Punongkahoy
Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook.
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod.
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis.
Maghapo’t magdmag na nagtutumangis;
Sa mga sangka ko ay nangakasabit:
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan.
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal:
At saka ang buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy:
Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tignan ninyo ang aking nararating .
Natuyo,namatay sa sariling aliw,
Nagging kurus ako ng pagsuyong laing,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na Lukas,
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkahiga,
Ni ibon ni tao’y na matuwa

At iyong isiping nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay;
Nayon ang sanga ko’y kurus sa libingann,
Dahon ko’y ginawang korona sa patay.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagdakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga,wala

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat:
Umawit,tumula,kumatha’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isiniwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
Na may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
Dugo’y yaman,dunong,katiisat,pagod
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit?Alin ito na sakdal nang laki.
Na hinahandugan ng buong pagkasi?
Na sa lalong mahal nakapangyari
At ginugulan ng buhay na iwi.

Ay’itoy ang inang Bayan tinubuan;
Siya’y inat tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
 Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasalibangan

Sa aba ng mawalay sa Bayan!
Gunitayma’y lagging sakbibi ng lumbay
Walang alaala’t inasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan

Pati ng magdusa’t sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan.
At lalong maghirap.O! himalang bagayy,
Lalong pagirog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang baying ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawaan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibigin ang inang bayan!

Kayong nalagasan ng buhnga’t bulaklak
Kahoy n’yaring buhay na nilanta’t sukat,
Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Muling manawira’t sa baya’y lumiyag.

Ipaghanog-handog ang buong pag- ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol, buhay ay [mapatid]
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

 

Pages  1  2   Next

 

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1