MGA PARABULA

ANG ALIBUGHANG ANAK
( Lucas 15:11-32)

          Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, “Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian.Pagkalipas ng ilan araw,ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain,taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa’ di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyong,at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing iyong.Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy.Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit na ang bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niyaang kanyang ginawa,nasabi niya sa sarili,”Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain—at lumalabispa --- samantalang ako’y namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya,at sasabihin ko,’Ama nagkasala po ako sa Diyos at sainyo.Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” At tumindig siya at pumaroonsa kanyang ama.

           Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang ama atito’y labis na nahabag sa kanya,kaya’t patakbo siyang sinalubong,niyakap,at hinalikan. Sinabi ng anak,”Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.” Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila,”Madali! Dalhin ninyo ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin;kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kung ito,ngunit muling nabuhay;nawala ngunit nasumpungan.” At sila’y nagsaya.
Nasa bukid noon ang anak na panganay.Umuwi siya,at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: “Bakit ? May ano sa atin? “Dumating po ang inyong kapatid!” tugon ng alila.”Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya,sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.”Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang amaat inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito,”Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon,at kailanma’y hindi ko kayo sinuway.Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit ng dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae,ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!” Sumagot ang ama,”Anak ,lagi kitang kapiling. Ang lahat ngari-arian ko’y sa iyo. Nginit dapat tayongmagsaya at magalak,sapagkat namatay na ang kapatid mo,ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan.”:

 MENSAHE:
          
Muli,ipinahiwatig ng Panginoong Hesus parabulang ito ang mayamang biyaya ng Diyossa mga nagkasala.Kung papaano Niyangpinapahalagahan ang bawat nilalangna tumatalikod sa kanyang kasalanan at nagbabalik lob sa Diyos.At gaano kaligaya ang Diyos sa bawat nilalang na muling nagbabalikat natatagpuan.

 

ANG GININTUANG ARAL

           May isang mag-asawang may anak na batang lalaki. Kasamang naninirahan ng pamilyang ito ang ama ng Tatay.Noong una,maligayang nakakatulong ng mag-asawa sa paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng bata ang kangyang Lolo sa paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at madalas na pagkakaroon ng karamdaman ang lakas ng matandang lalaki. At dahil dito,hindi na ito napakinabangan ssa bahay.
“Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay.”
“Nababaliw ka na ba? At paano ka?”
“Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at ito ang aking gagawin!”
Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay.
“Ito lang po ang aking maipagkakaloob,” ang sabi pa nito sa hari.”Ngunit ito na po ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa’y tanggapin niyo.”
Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng pulubi. Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog na naghahagilap ang pulubing iyon sa paghahanap ng maipagkakaloob.
Sa wakes,nakakita rin ito ng pinakamaliit na butyl ng mais.
Inalay nito sa hari ang naturang butyl ng mais. “Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo,” ang sabi pa nito.
Iyon lang at tinanggap iyon ng hari.At bigla ngang naglaho ang liwanag at nawala na rin ang hari.
Nagkatinginan ang dalawang pulubi.
Maya-maya’y may napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako.Animo bumigat iyon.
Nang buksan niya iyon,laking gulat niya sa nakita!
Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang malaking piraso ng ginto na ‘sing laki ng tinapay naipinagkaloob niya sa hati!
Napalunok ang isa pang pulubi nang Makita iyon.
Nang bisitahin din niya ang kanyang sako,hindi na siya nagulat nang Makita niyang may nakalagay na ginto doon.Gintong ‘sing liit ng isang butIl ng mais na ipinagkaloob niya.

MENSAHE:
           Kung ano ang itinanim,siyang aanihin.Kung ano ang ipinagkaloob natin sa Diyos ay siya rin nating tatanggapin.

 

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1