MITO

ANG PINAGMULAN NG BUNDOK KANLAON

Ang Bundok ng Kanlaon ay isang kilalang bundok na maganda na matatagpuan sa Negros sa Kabisayaan. Kung saan nanggaling ang bundok na ito ay siya nating malalaman ssa alamat na ito.
Noong araw,ang Negros ay pinamumunuan ng mabait at matalinong si Hasring Ramilon.ak siyang prinsesa na ang pangalan ay Kang. Bantog ang kariktan ni Prinsesa Kang hanggan sa malayong pulo.
May kasintahan si Kang na anak ng isang raha sa karatig pulo.Bantog  naman ito sa kagandahang lalaki at sa kanyang kabayanihan. Laon ang kanyang pangalan.
Sang-ayon si Haring Ramilon sa pag-iibigan ng dalawa.kaya itinakda na ang kanilang kasal.Ngunit nang sisimulan na ang kasal, dumating ang isang kawal na duguan at ibinalitang lumulusob si Datu Subanon ng Palawan at ang mga kawal nito. May gusto si Datu Subanon sa prinsesa at tangka niyang agawin ito.
Agad tinipon ni Datu Laon ang mga kawal. Ngunit hindi pa sila nakakapaghanda ay lumasob na ang mga kaaway. Halos naubos na ang mga kawal ng Hari sa anim na oras na pakikipaglaban. Nang masukol na ang mga kawal ng magkasintahan,minarapat nila ang tumakas. Nagpakamatay sila nang magkayakap sa gitna ng bukid.
Sa gitna ng kalungkutan,inilibing ng mga tao nang magkasama ang magkasintahan sa pook na kanilang kinamatayan. Pagkaraan ng ilang araw,napansin ng mga tao na tumataas ang lugar na pinaglibingan nila Kang at Laon. Tumaas nang tumaas ito hanggang sa maging bundok. Bilang alaala sa magkasintahan,tinawag nilang Kang-Laon ang bundok na ito t nang tumagal ay naging Kanlaon.

 

ANG PINAGMULAN NG BINANGONAN

Ang Binangonan ay isang pook sa tabi ng Lawa Laguna o Laguna de Bay. Ang lupang ito ay pinamumunuan ng isang matapang na lakay na napabantog dahil sa kanyang angking katapangan at sa kanyang anak na dalaga na napakaganda.
Siya ay kinikilala ng kanyang nasasakupan
Mina ang pangalan ng kanyang anak na dalaga. Dahil sa mapagkawanggawa at mapagmalasakit sa mga nasasakupan ng kanyang ama,siya ay malugod na tinatsngkilik st dinadakila ng mga tao.
Minsan isang araw,biglang nagdilim ang kalangitan, bumuhos ang malakas na ulan. Ang lawa ng Laguna ay lumaki. Ang tubig-ulan at ang napakalakas na hangin ang siyang nagpalakas ng alon kung kaya ang lahat ng mga sasakyan pandagat ay napatabing lahat.
Pagkatap[os ng ilan oras,tumigil ang ulan at ang hangin.Mayroon isang di-pangkaraniwang bangka ang natagpuan malapit sas tulay. Bigla itong ipinaalam ng mga tao sas Lakay at mabilis naman niyang ipinag0utos na siyassatin ang naturang bangka.Nakakita sila sa lob ng isang lalaki at mahinang-mahina ito na nangangailangan ng daglian tulong. Binuhat nila ito papunta sa nakamasid na Lakay. Ginamot nila ang lalaki at madali naming pinanumbalikan ng lakas.
Nang puwede nang makausap ang binata,tinanong ito kung anong nangyari ssa kanya. Gani ang kanyang pangalan na galling sa kabilang lupain. Ipinadpad lamang siya ng malakas na bagyong nagdaan kung kaya napunta siya malapit sa may tulay. Patungo sana siyang Maynila nang abutan sila ng bagyo, maliban sa kanya ay wala nang nakaligtas sa mga kasama niya.
Kinausap niya ang Lakay na kung puwede siyang manirahan na lamang sa lugar nila dahi; nga sa nag-iisa na lang ito sa buhay.
Sa pagkakakumbinsi ni Mina sa ama ay pumayag na ito sa pakiusap ng binata. Kapalit naman noon ay nanilbihan si Gani sa pamilya ng Lakay. Nagustuhan naman ang kanyang ginagawa dahil sa taglay niyang kadipagan at mabuting ugali.
Nakaugalian na ni Mina na mamasyal sa tabing-lawa at lagging sinasamahan ni Gani. Bawat araw na nagdadaan ay lalo silang napapalapit sa isat-isa hanggang sa masumpungan na lamang nilang nagmamahalan na sila.
Ayaw ni Gani na ilihim ang relasyon nila ni Mina sa ama nito kaya ipinaalam nila ito, mayroon siyang binabalak sa kanyang anak para sa kinabukasan nito. Pinakiusapan niya si Gani na kalimutan na lang ang pag-ibig nito kay Mina at lisanin na ang kanilang pook.
Sa halip na sundin ang payo ng Lakay ay sinabi niyang mas nanaisin pa niyang mamamatay kaysa lumayo sa kanyang sinisintang Mina
Nagalit si Lakay sa tinuran ni Gani at iniutos na pugutan siya ng ulo dahil iyon ang hatol sa paglalapastangan sa kanilang lahi.
Nakarating ang balita kayMina at madaling nagtungo sa pinangyarihan,ngunit huli na ang lahat.
Wala na ang ulo ng kanyang kasintahan,daglian naming gumuho ang mundo ng dalaga. Nanangis ito ng Makita ang hiwalay na ang ulo at katawan ni Gani. Dahan-dahan itong lumapit sa katipan at idinugtong ang putol na ulo at katawan,hibang itong oinaghahalilan ang labi ni Gani.
Nang dahil sa pangyayari ay bigla nitong winakasan ang kanyang buhay sa pamamagitian ng pagsaksak sa kanyang sarili at kaagad itong namatay.
Magmula noon ay nilisan ng Lakay ang palasyo kasama nitong ang kanyang kawal.Subalit tuwing hating gabi ay may nagpapakitang dalawang anino na bumabangon sa dako ng kinaroroonan ng namatay na magkasintahan. Nagpapaalala ito sa hindi makatarungang pag-unawa ng isang ama.
Dahil sa pagkakabalita sa mga aninong bumabangon tuwing hatinggabi,ang nasabing pook ay pinangalanang “Binangonan” na ang ibig sabihin ay Binabangunan ng dalawang anino ng kaluluwa ng uhaw sa pag-unawa.

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1