KUWENTONG BAYAN

Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?
Ni Genova E. Matute

            Ganito pala ang dagok ng pagkakamali na kailanma’y hindi iniasahan.
Ang buwan ay kiming-kiming sumilip sa kanya mula sa maitim na ulap,sa naggalaw-galaw na dahon ng punong kahoy sa tapat ng kanyang durungawan-mga kasa-kasama niya sa gabing yaon,sa bigong pagdakip sa kahit saglit na pag-idlip,sa kahit bahagi ng saglit na paglimot.
            Jesus,’ usal niya sa tahimik na gabi,’tulungan mo akong makalimot,kahit saglit.’
Sa pangalan inusal niya,kawing-kawi na gunita ang ibinalik ng gabi;
             Ang mga batang ito.ala nab a kayong paggalang?’ Tinig iyon ng kanyang ina.
aAng pagtawa ni Belle.
            Iyon ho ang sabi sa amin ng titsser sa Religion,Mommy Lena. O,ano,hindi ba Ada.Ngunit saglit lamang.
            Nagtago an buwan sa lalo pang kumapal at duilim na mga ulap.Tila hindi makatitig sa gunita ibinangon ng ipinagtapat sa huling hininga ng isang kaluluwa.Ng ama ni Ada.
         Ada,anak….ihingi mo ako …ng Kanyang patawad.” At ang tinig ay nakiis sa kawalan.
          Paano niya malilimutan yaon? Ang tinig.Ang sumonod na hagulgol ng kanyang ina,’Ang pinagmulan ng…. n gating yaman,anak.’ Ang paunti-unti pagtatapat ng ina,pagkatapos ng libing; ang bigla nilang iniyaman,gayon din ng ama ni belle,ng walang patumanggang pagtotroso nila sa kabundukan sapagkat kahati nila ang isa sa pinakamataas na pinuno ng bayan . ihingi naten siya ng kapatawaran,’
        Gabi-gabi,sa pasiyam na sumusunod ay naroon sa kanila ang mag-amang Belle at Don Millio.Ngunit bakit hindi niya mabuksan ang tungkol ditto?Bakit hindi niya maihinga sa kababata at halos kapatid nang si Belle? Magimbal din kaya ito,gaya nang nangyari sa kanya? Lalong bumigat ang najjkadagan sa kanyang dibdib.
        Ang buwan nakatago sa kahihiyan ay itinaboy ng unang silahis ng araw. Bumalik si Ada sa higaang magdamag na nagmalupit sa kanya. Buo na ang kanyang pasiyang kausapin angpinakamatalik na kaibigan.
         Sa salamin ng mamahaling tokador na ngayo’y kaharap ni ada ay nakipagtitigan sa kanya ang mga palatandaan ng kariwasaang hated ng ipinagtapat ng ama.Sa paligid-ligid ng silid.,mula sa mamahaling kasangkapan hanggang sa makakapal at inangkat ng mga kurtina.Lumabas siya sa silid upang takasan ang mga yaon.Sa salas ay lalo pa siyang kinubkob ng mga palatandaan niyon.Sa ibaba,tanaw mula sa duuurungawan,ang tatlong magagarang awto:sa halamanan,ang ibat-ibang uri ng orkidyang angkat sa iba tibang pook .Mabilis siyang tumakas.patungo kina Belle.
         Hindi niya akalain ang mga sumusunod na pangyayari.Hindi nagulat si Belle sa ipinagtapat ni Ada.
          Matagal ko nang alam iyon.Ada,’ aniya.
Ano?’
          E,dib a naglilider lang pareho ang Daddy at ang Daddy mo noon?. E,pano b atayo nakalipat mula sa Sampaloc Hanggang ditto sa Forbes kundi sa logging?’
          Pero,Belle,akala ko,import-export bussinss….’
Teka nga, kun hindi man nila ginawa iyon,piho naming may gagawang iba.hindi ba? Ang sabihin mo, Ada,kung hindi iyon,aba pihong naronn parin tayo sa Sampaloc hanggang ngayon….nakabakya.O nakatapos ma’y grade six,sa piiiublic school,Baka tindera tayo ngayn sa talipapa at….”
     Tinakasan ni ada ang iba pang kausap.
      Ito na ang kanyang simula ng alang tigil niyang pagtakas?
     Sumunod ang mahahabang buwan ng pag-iwas niya sa kaibigan.
     Nagsunod-sunod ang mga coup d’etat na naghasik ng ligalig at takot sa taumbayan. Sumama si Ada sa NGO,samahan di-bahagi ng pamahalaan,na nangangalaga at pumayapa sa mga nahitakutang mamamayan.
      Pinilit ni Belle na makipagkita kay Ada.
      Ang gulo-gulo na rin sa atin,’Ada,
      Ang gulo-gulo na rito sa atin,Ada,”ani Belle.’’Binabalak naming ni Daddy na mag-immigrate sa States- alam mo naming kami na lamang dalawa . Kayo rin sana ni Mommy Lerna,.O ano?’
      Tinitigan ni ada si Belle nang walang kurap.Habang inilalayo ng huli ang paningin marahan at di- nakaktiyak ang kanyang tinig.
      Nakausap ko na si mommy lerna.Sabi,ikaw ang kausapin ko.
       Patuloy ang tuwid na pagtitig ni Ada kay belle.Walang kurap
       May lgging din ba roon?’ ani Ada,sabay tayo,sabay panaog.
Sinundan ng paglapat ng pinto patungo sa daan.
        Bumontot sa mga coup ang tagtuyot,Pagkatapos ay ang mga bagyo at pagbaha.Kasama si Ada ng mga  NGO sa ibat-ibang pook ng panganib,ng kasawian,ng pamimighati.
        Si Ada ay nasa malaking baha na tumangay sa maraming tahanan at ari-arian at pumugto ng maraming buhay, matapos ang malakas na bagyo,nang magpasabi ang kanyang ina.
       Dumating si Belle buhat sa Amerika at hinanap ka.
        Naghanap si Ada ng Papel na hindi nabasa ng bagyo ng inihasik n gating mga magulang..”
        Matagal pa bago siya nakauwi sa kanila.Wala na si Bellw- nakabalik na sa amerika.
       Pagkatapos,isang mahabang liham ang tinangap niya mula kay Belle sa New York.Nagsimula ang liham sa hinanakit:’ Bakit Ada,ang kasalanan ban g ama ( kung kasalanan nga iyon ) ay kasalanan din ng anak?’ At nagtapos sa pagbabalita tungkol sa pagkikita nila roon ni Acio.
      Napagusapan tuloy nilang mag-ina si Acio,ang kababata at kapitbahay nila sa Sampaloc.
     Sa Nueva York ba Nagtratrabaho angayon si Acio?’ tanong ng ina.
Hindi ho,Mommy.pinapunta lang doon ng pinapasukang recruitment agency rito,’
    Ganoon ba? Teka nga pala,Ada….parang may nasabi sa aking minsan si Belle…tungkol daw sa inyo ni Acio….?
    Naku,wala ho iyon mommy.” Putol ng dalaga.” Nagkataon magkatulad lng kami ng ugali ng isang iyon….kaya inakala ni Belle….” Sasabihin sana sa ina ang totoo- na si belle ang nagkakagusto kay Acio,kaya lang,mahirap poa rin iyon, sa Sampaloc pa rin nakatira…Naawa si Belle kay Acio.
      Ngunit si Ada ay hindi naaawa kay Acio. Hinangaan niya ito. Iginalang niya.sapagkat nagsikap mabuhay sa marangal na paraan.At kung may isinasaloob man ito ay hindi makuhang magsabi- naaaalangan sa kanyang kalagayan.Kaya lalo niyang hinangaan.Lalo niyang iginalang.
      Sumunod ang lindol na yumanig at gumimbal sa bayan. Pinakamalakas na lindol na pinagbuwisan ng katakut-takot na buhay, lalo na ng mga kabataang mag-aaral na nasukol sa gumuhong gusali ng kanilang paaralan.
      Doon nagtagal si Ada. Doon niya nalimutan ang sariling ligalig. Sa maghapo’t magdamag na pagdudukal sa mga guho, mailigtas lamang ang isang buhay o masagip ang nag-aagaw-buhay o maiahon ang durug-durog na labi nga isang minamahal. Sa araw-gabing pag-alo niya sa mga biglang inulila ng ngitngit na ito ng kalikasan.
       Ilang lingo nang hindi umuuwi sa kanila si Ada nang pasundan siya ng ina sa pinsang si Pif.
       “Baka kung napa’no na iyon doon, Pif, “ mangiyak-ngiyak na sabi ng ina.
       “Ako na ho ang bahala, Tiya Lena. Ipanatag ni’yo ang inyong loob”
      Sa isang tukod-bubong, s alibis ng gumuhong paaralan, natunton ni Pi fang pinsan. Inaalagaan niya roon ang mag-asawang matanda na inulila ng mga apong nasukol na lahat sa gumuhong paaraln.
      Bago sila nakauwi, may dumating doong hindi nila inaasahan- si Acio. Maruming-marumi at nanlalalim ang mga mata.
      “Saan ka ba galling, Acio? At bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Pif.
      “Sa Baguio,” tanging sagot.
      Alam na agad ni Ada.
      “Sa NGO, sa mga biktima ng lindol doon, di ba, Acio?” tanong ni Ada.
      Isang tango lamang ang nagging sagot.
      “Nagbitiw ka nab a sa trabaho mo sa recruitment agency?” tanong pa ni Pif.
      Umiling ang tinanong.
      Sabay-sabay silang umuwi, sa malaking katuwaan ng ina ng dalaga.
      Sunod-sunod ang mga tanong nila tungkol sa Baguio. Pinipilit nilang tungkabin ang mga pangyayari mula kay Acio, na bahagya nang umimik.
      “Acio, pa’no ka napunta sa Baguio”? tanong ng matanda.
      “Dooon ka ba inabot ng lindol  o ano?” usisa ni Pif.
      “Medyo ba mapayapa na sila roon ngayon?” ibig malaman ni Ada.
      Tumango ng bahagya ang binata.
      “Pa’no mo nalamang nasa Cabanatuan kami ni Ada?” usig uli ni Pif.
      “Teka nga pala. Nagkita raw kayo ni Belle sa Nueva York.”
      “Nasa Baguio rin siya,” sabi ni Acio.
      “Si Belle?” gulat na tanong ni Pif.
      “Ano? Nasa Baguiio si Belle?” tanong ng matanda.
      Tumango si Acio.
      “Mommy,” sabi ni Ada, “may otel nga pala sina Don Milio sa Baguio.” Bumaling ito da binata. “Acio, nasira ba ang otel nila sa Baguio?”
      Tumangong muli ang tinanong.
      Nagpatuloy ang usapan ni Pif at ng kanyang Tiya Lena habang pinangangasiwaan ni Ada ang mga katulong sa paghahain ng kanilang pananghalian. Katu-katulong din si Acio.
      “Magpahinga ka na muna, Acio,” sabi ng dalaga sa kababata. “Malaki na ang inihulog ng iyong katawan.”
      “Ikaw rin,” tanging nasabi ni Acio.
      Nanukso tuloy si Pif. Hindi raw baling mangayayat ang babae- moda ang mga payat na dalaga. Ngunit ang binata ay dapat manatiling macho.
      Nag-aalalang pumangalawa ang kanyang ale.
      “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.”
     Sa masayang pagkakainan ay kung bakit pabalik-balik ang usapan sa mga huling pangyayari.
      “Tiya Lena,” balik-alaala ni Pif, “sabi ho ng matatanda sa Cabanatuan, ang sunud-sunod na nangyayaring ito sa ating bayan ay parusa ng Diyos. Kasi nga naman ay laganap na ang kasamaan. Maaaring totoo, hindi kaya?”
      Walang sinumang sumagot.
      “Isipin na nga lang natin,” patuloy ni Pif, “sunud-sunod ang coup, pagkatapos ay tagtuyot; sinundan ng mga bagyo, ng mga baha… at ngayon, lindol na pagkalakas-lakas, hindi kaya, parusa ito sa …”
      “Si Pif,” marahang putol ni Tiya Lena, “magpatuloy tayong umasa sa Kanyang walang-hanggang awa.”
      Ilang sandali ng katahimikan ang sumunod bago nagsalita si Ada.
      “Siyanga pala, Acio, balitaan mo naman kami tungkol kay Belle.”
      “Kumusta raw si Don Milio?” sabad ng ina.
      Nagkatinginan ang tatlong kausap nang hindi sumagot agad ang tinanong.
      “Si Don Milio, Acio?” ulit ng ina.
      “Nasa Nueva York ho, paralitiko.”
      Biglang iniba ni Pi fang salitaan hanggang sa kung saan-saan na tuloy napasuotl ang usapan nila.
      Nang gabing iyon, marahan umiyak si Ada sa ina.
      “Mommy, kaawa-awa naman sila.”
      “Oo, anak, ipagdasal natin. Saka, sulatan mo kaya si Belle?”
      Bago nagawa iyon ng dalaga, nakabalik na si Acio sa Baguio. Wala na roon si Belle. Binalak ni Ada na sa Amerika na sulatan ang kaibigan.
      Kinausap siya nang masinsinan ng ina.Sapat na raw marahil ang mga pagliligkod niya sa kapwa upang mabawasan ang pagkakasala ng yumaong ama. Panahon na raw upang pangalagaan naman niya ang sariling kalusugan.
      “Pero, Mommy,” pangangatwiran ni Ada, “hindi ho ba bago pa nasabi iyon ni Daddy, tumutulong na kami ni Acio sa mga NGO? Hindi ho ba social work ang kinuha ko sa kolehiyo? Saka, Mommy, lalo pa ngayong sunud-sunod ang mga nangyayari…”
      “Oo na nga, anak, pero, magpahinga ka na muna.”
      Nangako naman si Ada na susundin ang payo ng ina.
     Ngunit nagsisimula pa lamang siya sa pagtupad sa pangakong iyon ay kumalat na ang balita tungkol sa bagong panganib: ang pag-usok ng tuktok ng Bulkang Pinatubo.
      Noon ay palabas ng bansa si Pif upang sundan ang negosyo niya ng damit. Dumalaw muna siya sa mag-ina.
      “Tiya Lena,” aniya, “kapag naman natuloy ang pagputok ng bulking iyan, maniniwala na ako sa sinabi ng matatanda sa Cabanatuan, na talagang pinarurusahan na tayo ng Diyos sa marami nating kasalanan.”
      “Huwag naman sana, Pif,” tanging nasabi ng matanda.
      Sabi naman niya sa pinsan, “ Kung pelikula lamang ito, o nobela kaya, o komiks, masasabi kong masyado naming masalimuot ang pagkakabalangkas ng sumulat, hindi ba? Sunud-sunod na kalamidad, e.”
      “Hindi kaya mayro’n lang Siyang mensaheng ibig iparating sa atin?” tanong-sagot ni Ada.
      “Pif,” anang kanyang ale, “hindi ba may nagsabing kung minsan, ang totoo ay higit pang di-kapani-paniwala kaysa likha-likha lamang?”
      Ang tunay niyang pakay sa pagdalaw na ito ang hinarap ni Pif.
      “Insan,” aniya kay Ada, “sumama ka sa akin. Kokontakin ko lang ang ilang tao roon, at siya…. Makakapamasyal na tayo, kahit gaano katagal o gusto.”
      Natutuwang sumabad ang matanda.
      “Aba, oo nga, anak. Nang mapahinga ka naman nang husto. Habang naririto ka ay hindi ka matitigil. Alam ko.”
      Hanggang gumabi, kahit na pinagtulungan ng mag-ale ang pag-amuki sa dalaga, ay wala ring nangyari.
      “Sa susunod mo nang pag-alis, Pif, sasama ako,” pagbibihay-loob ni Ada.
      Lumalapag pa lamang sa Los Angeles ang eroplanong sinakyan ng binata nang pumutok ang Bulkang Pinatubo.
      Ang napakakapal na abo at putik na ibinubuga ng bulking nagkimkim ng galit sa loob ng anim na raang taon ay pilit na umaabot sa langit. Ang dagundong at ngitngit, ang sulak ng apoy, ang kumukulong poot nito ay gumulantang, una sa mga katutubo na habang panaho’y tahimik na namuhay sa linting lilim nito, at pagkatapos, pati na sa mga taong bukid, sa mga taga-kalunsuran na noong nagdaang panaho’y tumanaw-tanaw lamang sa marikit at payapanh dibdib nito.
      Sa Zambales unang dumalo ang NGO na sinapian ni Ada. Ngunit lalong kinailangan ang tulong sa Tarlac. At lalung-lalo pa sa Pampanga. Hindi na nakuhang umuwi ni Ada.
      Hintakot na kumable ang matanda sa pamangkin. Hindi na tinapos ni Pi fang iba pang lakarin sa Amerika: dali-daling nagbalik sa sariling bayan. Marami rin siyang naibalita sa ale sa kanyang pagdating: Nagkausap sila ni Belle sa New York. Si Don Milio, bukod sa pagkamatay ng kalahating katawan, ay sinapian pa ng iba’t ibang sakit at ngayo’y nasa isang pagamutan doon, sa pangangalaga ng kamag-anak na bayaran.
      “Ang nakakaawa, Tiya Lena, ay si Belle. Anino na lamang ng dati niyang ganda.”
      “Ha? Aba, bakit?”
      “Sinasaktan ng naka-live-in niyang Kano na drug addict. Iniwan siya matapos huthutan.”
      “Diyos ko!”
      “Ang ipinagtataka ko, Tiya, ay ang paulit-ulit niyang pagtatanong bago ako umalis doon.”
      “Anong pagtatanong?”
      “Tungkol sa mga NGO, lalo na ang kinabibilangan ni Acio… ni Ada.”
      “Ganoon ba?”
      “Oho, Tiya. Halatang-halata ko ang malaki niyang pagtingin kay Acio-panay ang tanong niya tungkol doon. Sa tingin ko nama’y kay ‘Insan malapit iyon. Hindi ba, Tiya Lena?”
      “Ewan ko nga ba, Pif, ewan ko nga ba.”
      Nangako siya sa ale na hindi titigil hanggang hindi natatagpuan ang pinsan. Susundan niya ito sa tatlong lalawigang sinasalasa ng paulit-ulit na pagputok ng bulkan.
      Isang lingo rin ang nagdaan bago niya ito natunton sa isa sa mga kubol-likasan sa Botolan.
      “Apo Namalyari… Apo Namalyari….”ang narinig niyang sabya-sabay na tinig mula sa kubol.
      May babaing lumabas sa kubol. Hindi niya halos nakilala si Ada. Payat at maputla.
      “Pif,” ang bati sa kanya. “Nagdarasal sila sa diyos ng bulkan.”
      Dalawang lalaking bitbit ang tabling kinahihigan ng tatlong batang Ita ang humahangos na dumating. Mabilis na sinundan ni Ada sa loob ng kubol. Nilapitan ang mga batangh inihiga ng mga lalaki sa banig na nakalatag sa lupa. Binalot ng kumot ang bawat isa, pinatungan sa noon g basahang basa. Patakbong tinawag ang manggagamot na nasa dulong kubol-likasan.
     Gabi na nang magkausap na muli ang magpinsan.
      Nagalala sa iyo nang gayon na lamang ang tiya.Umuwi ka kahit saglit,”insane.’
      Sabihin mo swa mommy na umuwi ako sa unang pagkakataon. Pif. Sasabihin mong okeybrito.
      Kinabukasan,natambad sa paningin ni Pif kung bakit hindi maiwn ni Aida ang pook na iyon.
      Mailap ang mga kolut sa mga unat. Kulot daw ang tawaga ang tawag ng mga kapatagan sa mga katutubong ita; Unat ang tawag ng huli ng mga taga-kapatagan.Sa kubol na iyon,Si Ada lamang ang tila pinagtitiwalaan ng mga batang kulot.Matagal-tagal din bago naaakit ni Ada na lumapit para mapainom ng gamut si Dulag. Nang mangyari iyon ay lumapit na rin si Butog,at Maningning napainom na rin ng gamot.
     Si macliing ay hangos na dumating Isinauli kay Ada ang labis dawn a rasyonng naibigay sa kanya,.
      Ganyan bumalik sa Maynila ang pinsan,naibalita nito ang tungkol kina Belle at Don milio.Naibalita naman ni Ada na nakita niya si acio sa Bacolor.
      Magdadalawang buwan nap ala roon si  Acio.’’ Balita ni Ada.
Sa ilog doon,paulit-ulit na rumaragasa ang makapal na lahar – abo,putik,bato,layak na ibinubuga ng bulkan at naiipon sa mga panabi niyon, Pagulan nang malakas ,tinatangay iyon sa mga ilog.”
     Ngunit anuman pagpupugay ang Gawain ng pamahalaan,ng ibat-ibang Ngo, ng mga pangkat-simbahan at sibilyan,na ibsan ang matinding paghihirap,paghihikalos at pagdurusa ng mga taumbayan sa tatlong llawigan,nagpatuloy rin ang sakit gaya ng iti, tigdas,pilmonya, at iba pa, at ang pagkalagas ng maraming buhay lalo na ng mga batang paslit.sa paulit-ulit na pagraaagasa ng makapal na lahars a mga ilog,bukid,n at lunsod sa tuwing uulan ng malakas,paulit-ulit din ang paglikas ng mga tao,ang pagbabalik ng ilan sa makalunos-damdaming pagpilit na mailigtas ang nalalabing ari-arian,pati na ang mga alagang hayop.
    Sa gayon kalagayan,natukso si Ada na kalimutan na ang naipangakong pag-uwi sa ina. Ngunit, nagalaala na din siya sa matanda, kaya’t dumalawe siya ng dalawang araw,pagkatapos ay madaling nagbalik sa sentrong likasan.
      Nasa isang kubol siya ng may mga sakit na katutubo sa nayon ng yamot nang umulan nang walang puknat.ang makapal na lahar na umagos sa malayo na rin nmang ilog ay papalapit na sa mga kubol-likasan sa yamot.Parapi nang parapi ang mga nagkakasakit at nangangamatay,lalo na sa mga bata,at paunti na rin nang paunti ang dumaratin na mga gamot at rasyon ng pagkain.
       Bigla naisip ni Ada si acio.
Sana, narito siya…mabilis siyang maglapat ng pang unang lunas at madali rin siyang makaakit sa mailap na Kulot.’tagatakbo ng NGO ang hingal na hiongal na dumadating sa kanilang likasan.Galing ito sa Bacolor.
      Grabe ang bumabahang lahar doon-mahigit sa sampung talampakan ang kapal.Tinangay ang kalagayan lamang na daan-daang sako ng buhangin sa tabing –ilog. Wanasak ang tulay roon-may mga kasama tayong nadaganan.’
     Si Ada at apat pang taga-NGO ay sumama sa nagbalita, Sinagasa ng kanilang sasakyan ang nag-aalipuyong ulan. Gabi na nang dumarating sila sa Bacolor. Sa maminsan-minsang pagguhit ng kidlat sa karamihan ay natanaw nila ang nakatiwarik na ikatlong bahagi ng gumugulong tulay.
     Mag lalaking tinatanglawan ng mga babaing humihikbi nang marahan ang nagpipilit na maghanap ng mga nalalabing buhay sa nakatiwarik na guhong tulay.
      Malalim na ang gabi nang malahon nila ang isang katawang lupaypay at sa malas ay wala nang buhay. Ngunit binigyan din ng pang-unang linas ni Ada at ng mga Kasamahan,iniakyat sa kanilang sasakyan at ipinadala sa pinakamalapit na sentrong pagamutan.
      Isang babaing hapung-hapo na ang pinalitan ni Ada sa pagtatanglaw sa mga lalaking tumatanggap palupig sa kawalang pag-asa
      Wala pa ba ang makinaryang mag-aangat nito?’
       Wala.Sisirin na lang kaya.
       Hindi maari-matigas na ang lahar.
       Sa tabi ni Ada ay nakitanglaw ang isang babaing lugay ang mahabang buhok.
       Diyan…diyan a lugar na iyan ko siyang huling nakita.” Umiiyak na sabi ng babae,’matapos niya’y kong masagip… at ang aking anak…
       Lumingon ang isang lalaki sa babaing nagsalita.
       Nakita ko…taga –NGO…galling Maynila Iyong kumibo dili”
        Kinubkub ng kilabot si Ada.Tinakasan ng sama ng lakas ang buo niyang katawan.
        “Jesus,nariyan ka pa ba? “ang huli niyang naihikbi.
Sa sentrong pagamutan sa Bacolor namulatan ni Ada ang ina at ang pinsan.
        Anak,kailangan mo raw ang pahinga,sabi ng doctor.’’
         Mahabang pahinga,Insan,”ani Pif.
         Nagpalipat-=lipat sa dalawang ang paningin ng dalaga.
         Nakuha ba ang….katawan niya?’’
         Umiling pa si Pif.
          Isipin mo na lang anak…dalawa ang nailigtas niya.Dalawa ang kapalit ng buhay ni Acio.”
        Mahal ko siya,Mommy,bulong ni Ada sa ina,”mahal na mahal ko siya.”
Saglit na lumabas si Pif.Mga yabag ng dalawang tao ang lumapit sa higaan ng dalaga.
May bisita ka,’insan.”sabi ni Pif.” Galing sa Tarlac-isang buwan na sa NGO roon.”
    Bisita?”
    Ako,Ada”ginagap ng bagong dating ang mga kamay ni Ada.
   Belle.”
  Magpalakas ka,Ada .Ako muna ang papalit sa inyo ni …Acio.”
  Bumulong si Belle sa kaibigan.
  Sa taas ng lagnat mo.Itoinatanong mo kung naririto pa si Jesus.Narito,Ada,naririto.Sa bawat pagdurusa pala ay naroon ang krus…kaya naroon si jess,iyan ang natuklasan ko…sa aking pagbabalik,”
   Mahigpai ang pagkipkip ni belle sa pahayagang dala niya.
  Belle….O, Belle…
Sana maalagaan kita,Ada,pero….aalis akobukas…kailangan ako sa timog.’
Anong…bukas?aanong…timog?
A,wala!wala! basta magpagaling ka muna nang husto…magpalakas ka.”
Lalong hinigpitan ni Belle ang pagkipkip sa pahayagang dala.Lalo niyang pinag-ingatan upang hndi Makita ng kaibigan ang nandidilat na balita:5,000 Nalunod  sa Ormoc,Isang dahilan: ang pagtrotroso sa kabundukan.

 

back to top

home | services | gallery | about us | contact us

Copyright 2007
All Rights Reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1