Page 4
Frame1
Illustration: Makikita ang itim na telepono sa mesa at may mga titik sa itaas na "KRING."
Frame2
Amie: Hello. Good morning.
Jose: Good morning din Amie. Kamusta na ang pag-uusap ninyo ni Jun?
Illustration: Ulo ni Amie na hawak ang telepono ang makikita. Sa likuran niya ay makikitang nakaupo na muli si Jun sa sopang inuupuan nila kanina habang nakatingin kay Amie. Kita rin ang kalahati ng lamisita kasama ang basong ininuman ni Jun na wala nang laman.
Frame 3
Amie: Ok. Marami na kaming napag-usapang mga kahilingan.
Jose. Maganda. Sabihin mo sa akin lahat bukas upang mapag-usapan ng grupo namin.
Illustration: Sa kaliwa ng frame, makikita si Jose na nakasuot ng itim na t-shirt, short at sinelas. Katamtaman ang katawan niya at di gaanong katangkaran. Nakatayo siya at sa kaniyang likuran ay ang kanilang hagdanan. Nasa kanan naman ng frame si Amie. Kalahati ng katawan ang kita sa kanya at sa likuran niya ay nakatingin pa rin si Jun.
Frame 4
Jose: Siya nga pala, nagtapat na ba si Jun?
Amie: Di pa nga eh, ang torpe naman.
Illustration: Larawan lamang ni Jose ang makikita na halatang excited sa sinasabi ni Amie.
Frame 5
Jose: Ikaw na kasi magtapat, hahaha. Sige, hanggang bukas.
Amie: Ok. Bye.
Illustration: Nakangiting larawan ni Amie, di pa rin inaalis ni Jun ang pagkatitig kay Amie na halatang manghang-mangha sa ganda nito.