Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours

Browse Articles
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

How to make
good use of trash!

Q&A on the Estrada Fallout
By Allyn V. Baldemor:

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
Utang!

Reinier C. Dungca

Walang taong hindi nabubuhay sa utang. Uso na ito ngayon.

Ito marahil ang katwiran ng pamahalaan sa tuwing inuusisa sila tungkol sa pagkaka-utang ng Pilipinas sa dayuhan.

Ngunit ang masakit, ang pagkakautang na ito ay nakaatang sa balikat ng lahat ng Pilipino. Ang utang ng bansa ay utang ng lahat, ng matatanda, mga kabataan at pati na rin mga bata.

Normal na gawain ang pangungutang sa ibang bansa. Ngunit masamang indikasyon ang hindi pagkakabayad ng utang. Sa kalagayan ng Piliinas ngayon, hindi nakapagtataka na kailangang mangutang nang mangutang para lang matustusan ang mga pangangailangan ng bansa.

Dahil sa mahinang ekonomiya at mahinang kalagayan ng piso, isang solusyong nakikita ng pamahalaan ang pag-utang upang magkaroon ng sapat na dolyar na ginagamit sa pakikipagkalakalan at pati na rin upang maipagpatuloy ang mga proyektong kanyang pinasisimulan.

Gaya ng isinasaad ng terminong foreign debt o dayuhang pagkaka-utang, ito ay perang inuutang sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng mga bangko, mga pampubliko at pribadong ahensya at iba pang financial institutions.

Ito ay para matustusan ng pamahalaan ang kanyang mga pangangailangan gaya ng basic social services tulad ng edukasyon at kalusugan. Ang ibang inuutang naman ay ginagamit sa mga proyekto ng pamahalaan na hindi maponduhan ng budget ng bansa. Ang mga ito ay isinasagawa sa tulong ng dayuhang mamamahunan.

Kung iniisip niyo na sa ganoon lang ginagamit ang inuutang, siguro iniisip niyo kung bakit dumami nang dumami ang utang natin sa ibang bansa.

Kasi, matagal na tayong may utang sa ibang bansa. Dumadagdag pa nga ito sa katunayan. Ang dumadagdag dito ay galing sa mga bagong inuutang at ikalawa, sa interes o patubo ng mga utang na hindi natin nababayaran.

Pero bakit ganoon naman kadami ang utang ng Pilipinas?

Nag-umpisang lahat ito noong kapanahunan ng yumaong si Ferdinand Marcos. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, nangutang nang nangutang ang Pilipinas sa ibang bansa upang ponduhan ang mga proyekto ng kanyang administrasyon. Pero ang masakit pa diyan, hindi naman napapakinabangan ang mga proyektong ito na may kasamang anomalya sa pakikipagnegosyo ng pamahalaan.

Gaya na lamang ng Bataan Nuclear Power Plant o BNPP. Hayun, nakatiwangwang lang sa Bataan, pero hindi naman pinakikinabangan pagkatapos ng humigit kumulang na dalawampung taong pagkakatayo. Paano kasi, depektibo ang pagkakagawa nito sa kabila ng milyun-milyong dolyar na ipinondo para dito.

Diyan nanggaling ang utang ng Pilipinas na umano'y kagagawan ng mga Marcoses. Sa panahon ng panunungkulan ni Marcos, nagkautang ang Pilipinas ng $26.252 B, o sa piso ay mga P 1.3126 T. Kung kukuwentahin, ang halagang ito ay nakapagpa-aral sana ng apat na taong kurso (kasama na rito ang lahat ng gastusin ng isang mag-aaral) ang mahigit 5.46 na milyong estudyante noong panahong iyon.

Page 1    2    3       back to top

Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site
copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1