Panalong Puso
A Comics Script
Reinier C. Dungca
Page 1
Frame 1
Top cap: Malapit ang anak ng senador sa bodyguard na si David.
Cristina: Totoo bang tatakbo uli si papa sa Mayo, David?
David: Oo, Ma'am Cristina. Sigurado nang panalo si Senador Vega.
Illustration: Nasa sala ng isang magandang bahay. May magagandang muwebles, may sala set at mesa. Nakaupo pareho sina David at Cristina. Si Cristina ay nasa kanan, si David naman ang nasa kaliwa ng frame. Modernong damit ngunit simple at disente and damit ni Cristina. Si David ay nakasuot ng polo barong gaya ng isang tipikal na bodyguard.
Frame 2
Bottom cap: Isang lihim na pagtingin ang nararamdaman ni David.
David: Ako na lang ang di pa sigurado
Cristina: Ano 'ka mo?
David: A, e, wala!
Illustration: Ang frame ay pabilog. Ang nakaguhit ay mga ulo lamang ng mga tauhan.
Page 2
Frame 3
David (thought balloon): Kung alam mo lang sana na mahal na mahal kita
Illustration: Si David na nag-iisip ang nasa guhit. Siyempre, suot pa rin ang dating damit.
Frame 4
Top Cap: Matapat na tauhan si David, at isa ring matapat na lihim na tagahanga ni Cristina.
Sen. Vega: Bantayan mong mabuti ang anak ko, David.
David: Maaasahan niyo po, Sir.
Cristina: Papa naman. Good girl naman ako lagi ha!
Illustration: Nasa garahe ng bahay. Ang senador ay nakatayo. Si David ay nasa driver seat. Si Cristina ay nasa passenger seat sa likod. Nakabukas ang bintana ng kotse at doon sila nag-uusap.
Frame 5
Bottom cap: Alagang-alaga si Cristina sa kanya
David: Mag-iingat po kayo, Ma'am.
Cristina: Ikaw din David. Sunduin mo ako ng alas kuwatro, ha?
Illustration: Nakalabas ng kotse ang dalawa. Background dito ang façade ng eskwelahan. May ibang mga estudyante rin. Nakadamit pang-eskwela si Cristina. Si David ay naka-polo barong.
Page 1
2
3
4
back to top
copyright © 2001. Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca;
John Andrew Agbay. University of the Philippines, Diliman, Quezon City All rights reserved
|