Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours


Browse our Archives
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

Q&A on the Estrada Fallout
By Allyn V. Baldemor:

Pesanteng UP--
magsasaka sa kampus

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
How to Make Good
Use of Trash


John Andrew Agbay

Basura, basura, basura! Lahat naman tayo ay alam na isa ito sa mga pinakamabigat na problema ng ating bansa. Kasabay ng pagdami ng tao ay ang paglala ng problema sa basura. Sa ngayon ay isa ito sa mga pinakakritikal na problemang pangkapaligiran ng bansa dahil sa mga epekto nito sa ating kapaligiran. Malaki rin ang epekto nito sa ating kalusugan.

Ilan sa mga epekto ng maling pagtatapon ng basura ay: kontaminasyon ng ating pinagkukunan ng tubig dahil sa nagkalat na mga basura na nahahalo rito, pagdami ng insidente ng baha, pagdami ng mga pesteng nagdadala ng kung anu-anong mga sakit, mabahong amoy na dulot ng mga nabubulok na basura na kung saan-saan itinatapon, at iba pa..

Walang pagdududa na ang ginagawang batayan ng kalusugan ng mga tao at katatagan ng isang bansa ay ang malinis na kapaligiran at maayos na koleksyon ng basura (Manila Bulletin, January 2, 2001). Kaya't napakahalaga na matutuhan ng bawa't isa sa atin ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura.

The year 1999 ended with the Philippines owing creditors $52.21 billion. By the end of June 2000, this amount slightly decreased to $52.164 billion.

Sinasabing ang bawat Pilipino, sa pagtuntong sa edad ng katandaan, ay nakapagtapon na ng 200,000 kilo ng basura (Manila Bulletin, January 2, 2001). Sa ating populasyon ngayon na 75 milyon, aabot ito sa 15 trilyon na kilo ng basura, kayang-kayang tabunan ang buong bansa, kung hindi tayo gagawa ng paraan upang magamit muli ang mga basurang ito at hindi itapon na lamang kung saan-saan.

Ganito kalala ang problema sa basura na kung hindi kaagad gagawan ng solusyon ay patuloy na lalala. Kailangan ang mabilisang aksyon mula sa lahat upang malutas ang problema.

Ang papel na ito ay tungkol sa paraan ng composting. Layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang isang simpleng pamilya kung paano gawin ang composting sa kanilang bakuran at upang maipakita rin sa kanila ang kahalagahan nito.

Ang composting ay ang pamamaraan ng kalikasan upang ang mga bagay na nabubulok na bahagi ng basura tulad ng damo, gulay, prutas at iba pa ay maibalik ang sustansya sa lupa (Carl Duisberg Association of the Phils., Inc., Bawas Basura Series 1).

Ginagawa ang composting dahil sa nagiging kapakipakinabang ito dahil sa ang basurang itinapon na ay nagkakaroon pa ng gamit.

Ang compost ay mula sa mga nabubulok na mga materyal na ginagamit na pataba sa mga halaman at sa lupa (Brochure, Ecological Waste Management for School).

Mga Kailangang Gamit

Bukod sa tubig at hangin, ang kailangan lamang na gamit ay ang materyales para sa paggawa ng compost bin o ang lalagyan ng compost. Maaaring gumamit ng (1) chicken wire (kahit na anong sukat nito ay ayos lamang ngunit dapat tandaang mas maraming compost ang malalagay kung mas malaki ang chicken wire), (2) apat na malalapad na kahoy (kahit anong sukat din), tatlong pako na kasya sa mga kahoy at isang bisagra. Maaari ring gumamit ng (3) plastic na basurahan o paso.

Page   1   2          back to top
Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site


copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1