Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours

Browse Articles
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

How to make
good use of trash!

Q&A on the Estrada Fallout
By Allyn V. Baldemor:

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
Isang Panawagang
Patalsikin si Estrada


Reinier C. Dungca

Ano ang EDSA People Power II?

Ang EDSA People Power II ang nagsilbing paraan upang tuluyang lisanin ni Estrada ang Malacañang sa pamamagitan ng nagkakaisang lakas ng panawagan ng mamamayan. Ito ay nakapadron sa People Power noong 1986 na kung saan napatalsik ang diktaduryang Marcos.

Sa pag-iipun-ipon ng humigit-kumulang na isang milyong katao sa EDSA mula ika-16 hanggang ika-20 ng enero 20001, gaya noong 1986, kasabay pa ng mga panawagan sa iba't-ibang bahagi ng bansa, naging matagumpay ang mga Pilipinong nais magpatalsik kay Estrada.

Gaano katagal nang tumatakbo ang panawagang patalsikin si Estrada bago tuluyang maganap ang People Power II?

Mula nang idawit ni Gov. Luis "Chavit" Singson si Estrada sa pagtanggap ng suhol mula sa jueteng noong Oktubre 2000, naging maigting na ang mga panawagang patalsikin sa puwesto si Estrada. Nasundan pa ito ng pagbubuo ng mga alyansa at pagbubuo ng oposisyon laban kay Estrada. Simula noon, umigting ang mga kilos-protesta para sa pagpapababa kay Estrada kasunod pa ng pagbubulgar ng marami pang anomalya sa pamunuan ni Estrada na siya namang pinagmulan ng krisis-pulitikal na nakasira pati na sa ekonomiya.

Ngunit hindi lang noon unang narinig ang panawagang pababain sa puwesto si Estrada. May mga grupo tulad ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, na sa simula't simula pa lang ng panunugkulan ni Estrada ay nanawagan na sa maagang pagpapatalsik kay Estrada.

Ano ang mga dahilan na nagbigay-daan upang umusbong ang mga ganitong panawagan?

Samu't saring isyu mula pa noong unang lumuklok si Estrada ang nag-udyok sa kampanya upang patalsikin siya.

Una na rito ay ang balak na pagpapalibing ni Estrada kay Marcos sa Libingan ng Mga Bayani. Sumunod dito ay ang kanyang pagsusulong ng Concord o pag-amyenda sa Saligang Batas na papabor sa mga dayuhan. Ang kanyang pananakot sa Inquirer at Manila Times noong 1999 ay nagpaigting din sa panawagang ito. Ang pagsuporta ni Estrada sa Visiting Forces Agreement o VFA ay isang malaking isyung kontra-Pilipino.


Page   1   2    3   4       back to top

Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site
copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1