|
|||
|---|---|---|---|
| |
|
|
|
| | Sina Aladin at Florante sa gubat (156-187) Nang maramdaman ni Aladin ang malamig na simoy ng hangin, binuhat niya si Florante. Dinala si Florante sa lugar na kanyang hinintuan noong siya ay unang pumasok sa gubat. Dito niya pinagpala ang kaawa-awang si Florante. Pinakain niya ito. Pagkakain ay nakatulog ang binata. Habang so Florante ay natutulog, kanyang binabantayan sapagkat nanganganmba siya na baka makagat ng mga hayop na gumagala sa loob ng gubat. Marahil dahil sa dalang kahirapan, paminsan-minsan ay nagigising ang kahambal-hambal na si Florante. Ngunit nang mag-uumaga na gayon na lamang ang katuwaan ni Aladin. Nakita niya na pinagbalikan na ng dating lakas si Florante. Inaaliw niya si Florante at gusto niyang malaman ang simula ng paghihirap ni Florante. Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay mula sa kanyang pagkabata. Anak siya nina Prinsesa Floresca, anak ng hari ng Krotona at ni Duke Briseo, tagapayo ng hari ng Albanyan. Ang kanyang ama ay uliran sa kabaitan ngunit namumuno sa katapangan. Mula sa kanyang pagkabata, namulatan na niya ang kanyang mga magulang na pawang mababait. Sinabi rin niya na siya ay nag-iisang anak ng kanyang mga magulang at ang tawag sa kanya ay Florante. Isinalaysay din niya ang dalawang pangyayari na naganap sa kanyang bataan: 1. Siya ay dinagit ng ibong buwitre sa kanilang bahay-bakasyunan ngunit iniligtas siya ngunit iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo. 2. Dinagit ng ibong alkon ang kupidong diyamante sa dibdib ni Florante. | ||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||