|
|||
|---|---|---|---|
| |
|
|
|
| | Ang panayam Ang kalungkutan ni Florante (274-304) Tinanggap ni Florante ang utos ni Haring Linseo. Inanyayahan sila ng hari na maupo. Sila ay nagpanayam. Sana�y isasalaysay ni Florante ang kanyang karanasan sa Atenas ngunit siyang paglabas ni Laura. Nakiumpok si Lara sa kanila. Sa sandaling nakita ni Florante si Laura, nabihag kaagad ang kanyang puso. Noong di pa niya nakikita si Laura, ang ina laman niya ang pinag-ukulan ng pagsinta, ngunit ngayo�y nag-iba na ang nararamdaman niya. Samantalang tinititigan niya si Laura, ibat-ibang bagay ang nagugunita niya. Itinatanong niya sa kanyang sarili: 1. Ang kagandahang katulad ng langit ang maaari kayang magtaksil? 2. Karaniwan na kaya na ang magaganda ay matutuksong lagi sa pagtataksil? 3. Kung sakaling magtaksil ang isanag magandang binibini, dapat kaya niyang alalahanin una sa lahat ang dangal na kanyang taglay, na pagka ito ang nawala, ang lahat ay mababalewala? 4. Kung sakaling maisip niya ang paalaalang ito, matitigilan kaya at maaari kayang magbago ang kanyang isipan? Bago tumulak si Florante sa kaharian ng Krotona, tatlong araw siyang ipinaghanda ng Haring Linseo sa palasyo. Sa loob ng panahong iyon ay di niya makadaupang-palad si Laura, kaya gayon na lamang ang paghihinagpis niya. Nang lalakad na lamang ang kanyang hukbo, pinalad ang binate na makusap si Laura at maipahayag dito ang kanyang pagsinta. Kahit na di siya sinagot ng oo, siya ay nasiyahan na sapagkat sa kanyang pag-alis ay umiyak si Laura. Nangangahulugan na may pag-ibig sa kanya si Laura. Ito ang nagging inspirasyon niya sa pakikibaka sa Krotona. Dumating sila sa Krotona, kubkob ito ng kaaway. Babagsak na ang kuta sa kamay ng mga kaaway dahil sa mga makinang pansira ng kaaway. Kaya magandang pagkakataon ang pagdating ni Florante at ng kanyang hukbo. Nang Makita ni Heneral Osmalik si Florante, hinamon niya ang binate at naglaban sila nang may limang oras. Napatay ni Florante si Heneral Osmalik. | ||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||