|
|||
|---|---|---|---|
| |
|
|
|
| | Nagugunita ni Francisco Balagtas ang masasaya at malulungkot na sandali niya at ni Selya. Kinatatakutan ni Francisco na baka makalimot si Selya sa kanilang pag-iibigan sapagkat noong mga panahong yaon siya ay nakakulong, samantalang si Selya naman ay Malaya. Kailanman ay di niya malilimot ang masasayang araw nila ni Selya na naging daan ng kanilang pagmamahalan. At ngayon siya ay namimighati sa bilangguan ang tangi lamang nakaaaliw sa kanyang puso ay ang pag-ibig ni Selya sa kanya. Naaalala rin ni Francisco ang mga lugar na kanilang pinagtataguan, gaya sa Ilog Beata, puno ng mangga at Ilog Makati. Sinasariwa niya ang matamis nilang suyuan. Iya ay nagsisisi, kung bakit hindi pa niya naitanan si Selya noong panahong yaon. Sana�y di naagaw ni Mariano Capule. At siya ay napapaiyak kung nagugunita niya ay yari sa kaniyang buhay, lagi niyang hinahanap si Selya na nagdulot sa kaniya ng libong kaligayan sana raw ay hindi na sila nagkahiwalay. At dahil sa kaniyang kasawian naisip niyang sulatin ang Florante at Laura na si Selya ang kaniyang naging inspirasyon. Dito ay inilarawan niya ang tinamong kasawian kay Selya. | ||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||