TAHANAN
KABANATA
PAGSUSULIT
TUNGKOL SA MAY GAWA
ARALIN 1
Aralin 13:
Ang tagumpay ni Florante (305-328)
Nakita ng hukbo ni Osmalik ang kanyang pagkamatay. Sila ay kinilabutan. Dahil sa takot, sila ay nagtakbuhan.
Sinamantala ni Menandro ang gayong pagkakataon kaya nabawi nina Florante at Menandro ang Krotona.
Dahil sa kanilang tagumpay, gayon na lamang ang katuwaan ng mamamayan para sa kanila. Ang pinto ng kalangitan ay nabuksan.
Sinalubong sila ng hari ng Krotona at mga taong-bayan. Bilang pasasalamat ang baro ni Florante ay hinahalikan.
Lalong natuwa ang taong-bayan nang malaman na ang tagapagligtas nila ay apo ng Hari ng Krotona. Matapos ang kamayan,
sila ay umakyak sa Palasyo Real. Ang mga kawal naman ay nagsipahinga. Ang mga taong bayan ay nagdiwang nang halos ay wala nang tulugan.
Ang magmuno naman ay nagkamustahan. Namagitan ang kalungkutan sa magmuno nang sumagi sa isip nila ang pagkamatay ng ina ni Florante.
Dito napatunayan ni Florante na sa mundo ay walang lubos na kaligayahan. Kapag may lungkot may ligaya.
Tumagal si Florante nang may limang buwan sa Krotona. Bumalik siya sa Albanya sapagkat gusto niyang Makita si Laura.
Nanag malapit na siya sa Albanya, siya ay kinabahan dahil nakita niya sa moog ng siyudad ang bandila ng mga kaaway.
Pinahimpil niya ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon ay natanaw niya ang isang babae na nakagapos at may takip ang mata.
Sa kanyang palagay ay pupugutan ng ulo kaya dali dali niyang nilusob. Nang aalisin niya ang piring sa mata ay nakilala niya na ito�y si Laura.
Si Laura ay pupugutan ng ulo ng Emir dahil tinanggihan niya ang inihahain nitong pag-ibig. Gayon na lamang ang nagharing katuwaan nang
sina Florante at Laura ay magkita. Lalong natuwa si Florante nang marinig sa labi ni Laura na siya ay minamahal nito.
Nalaman ni Florante na ang hari at ang kanyang ama ay nasa bilangguan. Inutusan niya ang mga kawal na lusubin ang bilangguan.
Hinango ang hari, ang kanyang gama at mga kaginoohan at kasama na rito si Adolfo. Gayon na lamang ang pagkakainggit ni Adolfo kay
Florante nang mabalitaan ang kanyang mga tagumpay sa pakikidigma at nang malaman na minamahal siya ni Laura. Si Laura ay matagal
nang pinaglulunggatian ni Adolfo sapagkat gusto niyang mapangasawa ito upang mapasakanyan ang trono ng Albanya.
ARALIN 2
ARALIN 3
ARALIN 4
ARALIN 5
ARALIN 6
ARALIN 7
ARALIN 8
ARALIN 9
ARALIN 10
ARALIN 11
ARALIN 12
ARALIN 13
ARALIN 14
TAUHAN