TAHANAN
KABANATA
PAGSUSULIT
TUNGKOL SA MAY GAWA
ARALIN 1
Aralin 7: Sa Harap ng Dalawang Leon
(Saknong 105-135)
Sa ikalawang pagkakataon ay narinig na naman ni Aladin ang panaghoy ni Florante.
Nagdurugo ang pus ni Florante dahil sa matinding panibugho, ang paniwala niya ay
pinagtaksilan siya ni Laura. Hindi nagtagal ay may dumating na dalawang leon na
sa unang malas ay handa siyang patayin. Ngunit kaagad natigilan nang makita ang
kaawa-awang anyo ni Florante. Ang paniwala ni Florante ay di na sya makaliligtas
sa kuko ng dalawang leon, kaya namaalam na sya sa baying Albanya na akala niya ay
pinabayaan na siya, kay Laura na ang paniwala niya ay nagtaksil sa kanya at kay Adolfo na
naging malupit sa kanya. Umaasa siya na huwag makuha ng kaway ang kalooban ng baying Albanya.
Umaasa rin siya na matutong magtanggol sa sarili ang tao tulad ng ginawa niya. Parang nagtatampo
siya sa baying Albanya dahil sa ginusto pa nito na ang dalwang leon ang makakuha ng kanyang dugo
kaysa sa tumulo ito at maubos sa pagtatanggol sa Albanya. Simula pa sa pagkabata, wala na siyang
hinangad kundi ipagtanggol ang kapakanan at kalayaan ng baying Albanya. Makailang ulit na pasukin
ng kaaway ang Albanya ngunit ang mga kamay niya ang nagtatanggol. Hindi na nakatiis si Aladin kaya
tinunton na niya ang pinangglngan ng tinig. Ngunit papalubog na ang araw ng siya ay sumapit sa kinagagapusan
ni Florante. Magandang pagkakataon ang kanyng pagdating sapagkat handa na ng patayin si Florante ng dalaawang leon,
Nanumablik ang kabangisan ng dalawang leon.
ARALIN 2
ARALIN 3
ARALIN 4
ARALIN 5
ARALIN 6
ARALIN 7
ARALIN 8
ARALIN 9
ARALIN 10
ARALIN 11
ARALIN 12
ARALIN 13
ARALIN 14
TAUHAN
�Kate Lorenz G. Magcuyao All Rights Reserve, 2014 >