|
|||
|---|---|---|---|
| |
|
|
|
| | Ang mga habilin ni Antenor kay Florante Ang pagharap ni Florante ka haring Linseo (242-273) Dalawang buwan matapos matanggap ni Florante ang unang liham sa kanyang ama, tumanggap na naman siya ng pangalawang liham, kasabay ng sulat ang sasakyan na kanyang lululahan. Ngunit bago umalis, Si Florante ay nagpaalam kay Antenor. Pinaalalahanan siya ni Antenor na mag-iingat sa ganting inihanda ni Adolfo. Sinabihan din si Florante na huwag siyang padadala sa mga ngiting ipinakikita ni Adolfo at bagkus ay lalong mag-ingat dito. Sa kanyang paglisan, inihatid siya ng kanyang guro at mga kamag-aral. Gayon na lamang ang kalungkutan na naghari sa kanilang magkakaibigan, lalo na kay Menandro na matalik niyang kaibigan. Nang Makita ni Antenor na halos di magkahiwalay sina Florante at Menandro, pinayagan na niya si Menandro na sumama kay Florante sa paglalakbay. Dahil sa bilis ng sasakyan, di nagtagal ang dalawa ay tumuntong sa dalampasigan ng Albayang Reyno. Pag-ahon nila sa sasakyan, nagtungo sila agad sa kinta na siyang bahay-bakasyunan ng kanyang ama. Gayon na lamang ang tuwa ni Duke Briseo nang sila ay magkita. Matapos ang kumustahan, naghari na naman ang kalungkutan dahil naalala nila ang yumaong ina, kaya nang dumating ang embahador ng Krotona, sila ay magkayap na. Lumapit ang embahador kay Duke Briseo at inabot ang sulat nag galing sa hari ng Krotona. Nang tunghayan ni Duke Briseo ang sulat, nabatid niya ang Krotona ay kubkob ng kaaway at ang hari ay humigingi ng ayuda. Kaya di nag-aksaya ng panahon ang mag-ama, noon din ay nagpunta sila sa palasyo real at ipinagbihay-alam ka y Haring Linseo ang nilalaman ng liham. Nakita ni Haring Linseo si Florante. Ang hari ay namangha sapagkat nasa katauhan ni Florante ang tao na nakita niya sas kanyang panaginip. Nabanggit niya ang panaginip na it okay duke Briseo. Ang hari ay lalong humanga nang malaman niya na si Florante ay anak ni Duke Briseo. Kaya ang nasabi ni Haring Linseo, �Magandang panahon itong pagdating mo, ikaw ang heneral ng ipadadala ko sa Krotonang kubkob ng mga Moro. Kaya patunayan mo na ikaw nga ang binata na nanangarap ko na magkakalat sa buong mundo ng kagitingan ko at kapangyarihan Ang pagkahirang ko sa iyo ay karapad-dapat sapagkat ang hari ng Krotona ay lolo mo. Matuwid lamang na siya ay tulungan mo at isa pa�y may dugo kang bughaw, marapat lamang na ikaw ay makilala sa sarili mong sikap.� Matapos marinig ni Duke Briseo ang sinabi ng hari, siya ay sumang ayon kaagad. Ipinagkaloob niya ang kaisa-isang anak. Si Florante naman bilang nagsunod sa utos ng hari ay siya ay yumukod bilang pagsang-ayon. | ||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||