TAHANAN
KABANATA
PAGSUSULIT
TUNGKOL SA MAY GAWA
ARALIN 1
Aralin 10:
Ang paglaki ni Florante (188-241)
Nang si Florante ay maliit pa lamang, ang lagi niyang pasyalan ay ang guban at at kaparangan.
Nakita niya ang kagandahan ng kalikasan at ito ay labis niyang hinangaan. Ang naging umaga
paggising agad siyang tutungo sa parang at ditto ay sinasagap nia ang bango ng mga bulaklak.
Ngunit ang ganitong buhay ay di naibigan ng kanyang ama. Ayaw ng ama na siya ay lumali lamang
sa tuwa at kaligayanan. Bagaman laban sa loob ng kanyang ina, siya ay napahiwalay.
Ipinagkatiwala siya kay Antenor, isa sa pinakamatalinong guro sa Atenas.
Nakilala ni Florante si Adolfo, isang kababata ata kababayan, anak ni Konde Sileno.
Nadatnan ni Florante nasi Adolfo ay kinikilala na huwaran sa kabaitan at katalinuhan.
Ngunit sa una pa lamang na pagkikita ng dalawa ay nagging malayo ang loob sa isat isa.
Natarok kaagad ni Florante ang kalooban ni Adolfo at gayon din naman si Adolfo kay Florante.
Dahil dito, sila ay laging nagpapakiramdaman. Pagkalipas ng ilang panahon, nalampasan ni Florante
si Adolfo sa katalinuhan. Dito nagsimula ang pagkainggit ni Adolfo kay Florante. Ang pangyayaring
ito ang siyang nagging dahilan ng pagkukunwari ni Adolfo. Unti-unti na niyang ipinakita ang tunay
niyang ugali. Nakilala rin ng lahat ng mag-aaral na ang kabutihan na ipinamalas ni Adolfo noong una
ay pagbabalatkayo lamang. Sa trahedyang nilabasan nina Adolfo at Florante sa paaralan, nakilala
ang lihim na galit ni adolfo kay Florante. Sa trahedyang ito, hindi ginanap ni Adolfo ang papel na
dapat niyang gampanan at sa halip ay pinagtangkaang patayin si Florante. Mabuti na lamang kapiling ni
Florante si Menandro. Maliksing naharang ni Menandro ang patalim na hawak ni Adolfo na itatakarak kay Florante.
Marahil kung di nahadlangan ni Menandro si Adolfo, maaaring napatay si Florante. Napahiya si Adolfo
kaya siya ay umuwi na sa Albanya. Pagkaraan ng isang taon, si Florante ay tumanggap ng sulat sa kanyang ama.
Ang sulat ay nagbabalita ng pagkamatay ng kanyang ina. Gayon na lamang ang kalungkutang naghari sa kalooban ni Florante.
ARALIN 2
ARALIN 3
ARALIN 4
ARALIN 5
ARALIN 6
ARALIN 7
ARALIN 8
ARALIN 9
ARALIN 10
ARALIN 11
ARALIN 12
ARALIN 13
ARALIN 14
TAUHAN