|
|||
|---|---|---|---|
| |
|
|
|
| | Ang Kalungkutan ni Aladin Napakinggan ni Florante at Aladin ang sinasaabi ni Flerida kay Laura na iniligtas ni Flerida sa tiyak na kamatayan ang kanyang minamahal na si Aladin sa kamay ng sultan na suaban. Upang maligtas ang kasintahan ay pumayag si Flerida na pakasal sa sultan na siya ring ama ni Aladin. Kaya gayon na lamang ang tuwa ng sultan nang ito ay malaman at noon din ay pinawalan ang anak na pinarurusahan, ngunit nagging madalian ang paglisan kaya hindi niya ito nakapanayam. Ang paniniwala ni Sultan Ali-Adab ay totohanan ang sinabi ni Flerida kaya buong palasyo ay abala sa paghahanda sa kasal nila ngunit nang gabing kadiliman si Flerida ay nagtanan at nagtungo sa gubat upang paghanapin ang kanyang minmahal na si Aladin. Pagdating niya sa gubat ay kanyang natagpuan ang binibining si Laura na kanyang kausap. Si Laura ay hahalayin ni Adolfo, ngunit pagkakita niya rito pinana niya si Adolfo. At ditto naputol ang pagsasalaysay ni Flerida sapagkat biglang sumulpot sa harap nila sina Florante at Aladin. Sa pagkikita nina Florante at Laura, Aladin at Flerida, ang mapanglaw na gubat ay nagging paraisong ganap. At si Laura ay nagsimulang magsalaysay ng nangyari sa Albanya samantalang si Florante ay nakikibaka sa ibang bayan. Ayon kay Laura, nilason ni Adolfo ang isipan ng taong-bayan. Pinaniwala ni Adolfo ang mga taong-bayan na ginugutom ng hari ang mga mamamayan ng Albanya. Dahil ditto nilusob kaagad ng mga taong-bayan ang palasyo Real, pinugutan ng ulo si Duke Briseo at ang katawan nito ay pinagputol-putol, pinatay si Haring Linseo pati na ang kanyang mga konseho. Umakyat sa trono si Adolfo. Binalaan ni Adolfo si Laura na kung hindi ito nakakasal sa kanya ay papatayin niya ito. Ngunit humingi ng taning si Laura. Kapagdaka ay nagpadala ng lihan si Laura kay Florante ngunit naunahan siya ni Adolfo. Nakapagdala si Adolfo ng liham na huwad ang pirma ni Laura. Ang sulat ay nagsasaad na pinauuwi si Florante na mag-isa sa lalong madalin panahon. Kapagdaka�y tumalima si Florante. Pagdating sa pintuan ng Albanya, si Florante ay pinaliligiran ng mga kawal at siya ay dinala sa bilangguan. Nagkataon naman na si Menandro ang nakatanggap ng liham ni Laura, kaya di siya nag-aksaya ng panahon. Noon din ay umuwi si Menandro sa Albanya kasama ang mga kawal niya. Nang malaman ito ni Adolfo, itinakas niya si Laura sa gubat. Nang handa na si Adolfo na halayin si Laura, siyang pagdating naman ni Flerida at pinana si Adolfo upang maligtas si Laura, Samantalang nag-uusap sin Florante, Laura, Aladin at Flerida ay dumating si Menandro kasama ang kanyang hukbo. Gayon na lamang ang katuwaan ni Menandro dahil sa pagtugis niya kay Adolfo si Florante ang kanyang natagpuan. Ipinagdiwang ng buong hukbo na buhat ng Etolya ang pag-aakyat sa trono ni Haring Florante at Prinsesa Laura sa kaharian ng Albanya. Sumang-ayon naman sina Aladin at Flerida na bumalik na sa Persiya. Gayon na lamang ang pasasalamat ng mga taong-bayan sa Diyos, sa natamong katahimikan. Ipinagbunyi rin ng mga taga-Persya sina Sultan Aladin at Prinsesa Flerida. | ||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||
| | |||