Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours

Browse Articles
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

How to make
good use of trash!

Q&A on the Estrada Fallout
By Allyn V. Baldemor:

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
Isang Panawagang
Patalsikin si Estrada


Reinier C. Dungca

Previous Page

Para saan ang People's Agenda at anu-ano ang nilalaman nito?

Ito ay sukatan kay Arroyo kung gaano niya pakikinggan ang mga hinaing ng taumbayan. Ang ilan sa nilalaman nito ay ang tuluyang pag-usig kay Estrada sa mga kasong kriminal at administratibong inihain laban sa kanya. Anila, ito raw ng sukatan ng hustisyang ipinangako ni Gloria. Kasama na rin dito ang pagtugis sa graft and corruption sa pamamagitan ng pag-usig din sa mga cronies ni Estrada gaya nina Lucio Tan at Danding Cojuangco.

Pinanawagan din nila ang pagtawag pansin sa Amerika upang linisin ang naiwang nuclear wastes dito sa bansa at ang paglilinis sa sistemang panghalalan. Gusto rin nilang isulong ang pagtataas ng suweldo ng P125 across the board at ang pagpapatigil ng pagtatanggal sa trabaho. Layon din nilang pangalagaan ang karapatan ng mga migrante at ang pagpapatigil ng demolisyon sa mga urban areas, bagkus ay magbigay ng trabaho at bahay sa kanila. Nais din nilang isulong ang paggalang sa kababaihan at sa edukasyon.

Ano ang nararapat na maging papel ng civil society sa pamahalaang Arroyo?

Maraming mga taong hindi masyadong maganda ang reputasyon ang nakapalibot kay Arroyo. Nararapat loang na tahsang bantayan ang bawat hakbang ng administrasyon at umalma kung kinakailangan. Hindi na nito kailangang lumahok sa administrasyong Arroyo. Ang parliyamento ng lansangan ay sapat nang paninilbihan.

Dapat ipagpatuloy ang pagbabantay ng civil society sa kahit na anong administrasyon. Tungkulin ng sambayanan na ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya.

Ano ang maaring gawin ng ordinaryong mamamayan upang maisulong ang ganitong layunin?

Ang pakikialam at ang pakikibahagi sa gawaing panlipunan at pulitikal ay dapat isabuhay ng taumbayan. Kung hindi kikilos ang taumbayan, sila rin ang maghihirap sa bandang huli tulad ng nangyari sa nakaraang administrasyon. Dapat ay walang isaisantabi sa hanay ng dapat kilatisin sa pamahalaan at walang palalampasing katiwalian maging sa sarili. Dalawang beses nang nag-People Power. Ang pangatlo ay maaring sobra na at maaring mabaling na ang sisi sa sariling pagpapabaya. Dapat nang matuto ang Pilipino mula sa mga leksiyon ng kasaysayan.

Page   1   2    3   4       back to top

Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site
copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1