Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours

Browse Articles
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

How to make
good use of trash!

Q&A on the Estrada Fallout
By Allyn V. Baldemor:

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
Isang Panawagang
Patalsikin si Estrada


Reinier C. Dungca

Previous Page

Ano ang United front?

Ang United front ay ang impormal at pansamantalang kabuuan ng mga grupong may layuning patalsikin si Estrada. Ilang grupong kabilang dito ay ang Council on Philippine Affairs ni Congressman Peping Cojuangco, Kangkong Brigade ni Ben Abalos at Joey lina, BAYAN, Bayan Muna, Akbayan, Kompil II, ang Simbahang Katoliko, mga partidong pulitikal tulad ng Lakas, non-Catholic religious groups at mga mainstream Protestant Churches.

Ang ilan sa mga grupong ito ay mga alyansa na iba't-ibang batayang sektor ng lipunan, gaya ng Bayan na may 18 kaalyansa tulad ng Kilusang Mayo Uno para sa mga manggagawa, COURAGE o Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees, Gabriela, Migrante International, Pamalakaya para sa mga mangingisda, Promotion of Church People's Response, Ecumenical Movement for Justice and Peace at iba pa. Maaring maraming grupo, bago man o dati pa, ang nagsanib kahit iba't-iba ang kanilang sector na kinabibilangan at mga ideolohiya at prinsipyong ipinaglalaban. Ngunit ang kanilang layunin ay ang agarang pagpapatalsik kay Estrada.

May ibang grupo ba na may ibang panawagan maliban sa pagpapatalsik kay Estrada?

Ang tanging naiibang panawagan sa mga grupong nabanggit ay ang Sanlakas. Nais ng Sanlakas na mapatalsik lahat ng nakaupo sa puwesto gaya ni Gloria Macapagal-Arroyo at ang mga senador. Anila, ito daw ang tanging paraan upang tuluyang luminis ang sistemang pulitikal sa bansa.

Ang salitang pagpapatalsik o oust ay mayroong malawak ay maraming kahulugan. Sa pananaw ng mga grupong ito, ano kanilang ibig ipahiwatig sa salitang "Oust Estrada'?

Simple lang ang nais ng mga grupong ito: ang matanggal sa puwesto si Estrada sa lalong madaling panahon. May iba't ibang paraan upang maisakatuparan ito. Ang mga ito, anila, ay ang legal na proseso o ang impeachment, ang madaliang pagbibitiw ni Estrada at ang puwersahang pagtanggal kay Estrada sa puwesto na hindi na kailangang dumanak ng dugo, na tulad na nga ng nangyari sa EDSA.

Mula sa impeachment, paano humantong ang panawagang patalsikin si Estrada sa EDSA People Power II? Sino ang nanguna sa ganitong mga hakbangin?

Nang gabing tumangging buksan ng mga Senador ang ikalawang envelope mula sa Equitable PCI bank sa botng 11-10, mabilis na kumalat ang panawagang magtipon para kondenahin ang ganitong mga pangyayari. Nag-alab ang damdamin ng maraming Pilipino sa paniniwalang panahon na upang patalsikin na sa puwesto si Estrada.

Walang iisang grupo o tao ang nag-organisa ng pagbubuo ng People Power II. Sadyang ang taong bayan na naghahangad ng katotohanan at hustisya ang kusang-loob na makilahok sa EDSA.

Mula Enero 16 hanggang 20, araw-gabing naglamay ang mga tao sa EDSA at nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada. At noong ika-20 ng Enero 2001, nanumpa na si Gloria Macapagal-Arroyo bilang ika-14 na pangulo ng bansa matapos ideklara ng Korte Suprema na bakante na ang puwesto ng Pangulo.

Page   1   2    3   4       back to top

Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site
copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1