Pangalan:
Kim Ong
Palayaw: Kimmy
Edad:
Taon at Kurso: 3rd year BS PSYC
Hobbies:
Ako si
Kim Ong, sumali ako sa SMS nang ako ay tumungtong sa aking
unang taon sa kolehiyo bilang isang mag-aaral ng sikolohiya.
Ako ay sumali sa organisasyong ito upang makipagkilala sa
iba pang mga mag-aaral ng sikolohiya at mahasa na rin ang
aking galling at talento sa pakikipagsalamuha sa iba¡¯t
ibang uri ng tao. Magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa
larangan ng sikolohiya. Ako ay nag-apply bilang isang
miyembro ng Junior Committee noong ako ay nasa ikalawang
taon, dito ay mas nagkaroon ako ng pagkakataon upang lubos
na maintindihan ang layunin ng organisasyon at mabigyan ng
pagkakataon ang sarili ko na makapaglingkod sa kapwa ko
mag-aaral ng sikolohiya. At nang sumunod na taon ay nagpasya
na akong mag-apply bilang isang opisyal ng SMS, at ako ay
nabigyan ng posisyon bilang AVP-Marketing.
Ang aking
ginagawa ay ang maghanap ng pondo upang magamit sa
pagpapatupad ng mga aktibidad na inihanda ng organisasyon at
iba pang mga kawanggawa na maisipang gawin ng SMS. Sa taong
ito ay nakapaghanap na kami ng mga isponsor para sa Green
Card Alliance ng CSO, at sa Bipolar event na ginanap
kamakailan lamang. Sa ngayon, ako ay patuloy pa rin sa
pagtulong sa paghahanap ng pondo para sa organisasyon at sa
mga miyembro nito.
" mabait and
tahimik. :) "
-Jane, AVP Documentations