Ako ay
humirap sa kahilingan na matanggap bilang isang pinuno ng
SMS. Para matanggap ay mayroong mga hakbang alinsunod sa mga
patakaran ng pagtanggap ng mga aplikante ng organisasyon.
Ang proseso na aking napagdaanan ay katulad rin ng
napagdaanan ng mga ilan pang nag-apply para sa mga posisyon.
Mayroong mga gawain na ipinagawa sa bawat aplikante para
subukin ang tatag at tiyaga sa paglalabas ng mga talento na
maaaring maibuga sa bawat pagsubok. Bukod dito ay mayroon
ding panayam sa bawat aplikante na kung saan mo maipapakita
ang iyong sarili para lubusan ka nilang makilala bilang
isang aplikante at kung karapat dapat kang matanggap. Hindi
pa diyan nagtatapos ang pagsubok, mayroong mga ilang
aplikante na inilagay sa gusto nilang mga posisyon at may
mga ilan na dapat pang salain. Naglaan ng isang araw para
pag-isipan ng mabuti kung saang mga posisyong maaaring
ilagay ang mga natitirang mga aplikante base sa kanilang
angking talino at sa kanilang tamang pag-uugali bilang isang
pinuno at ako ay inilagay sa AVP-Publications.
Bilang isang
pinuno ng lupon ng publikasyon at paglalathala ay
kinakailangan ang tiyaga, pasensiya at dedikasyon sa
pagsusulat ng mga artikulo para sa opisyal na balitang-liham
ng organisasyon. Para mas maging epektibong pinuno ng lupon
ay kinakailangan din niya ng lakas ng loob para atasan ang
kanyang mga miyembro sa kanyang lupon na tumulong sa kanya
sa pagsusulat ng mga artikulo hinggil sa mga aktibidades ng
organisasyon o mayroong kaugnayan sa organisasyon. Ang
balitang-pahayagan ang magsisilbing daan para maikalap sa
mga mag-aaral ng Sikolohiya at maging sa mga miyembro ng SMS
ang mga maipagmamalaking mga aktibidad/aktibidades. Sa
pagsusulat ng mga artikulo ay maaaring makatulong sa
pagbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral ng Sikolohiya para
mas lalo pa silang ganahan pumunta sa mga pagtitipon at
mahikayat din na maging aktibo ang bawat miyembro sa bawat
aktibidad ng organisasyon.
" Si ishbelle,
kung walang SMS, i wouldn't have known her and the BS psych
people! We always enjoy telling each other stories, and mehn!
Lalim ng tagalog niyan! No wonder the articles in the
Clasiko newsletter are great. :) "
-Raissa, VP Activities Non-Academics
" Kala ko nung
una mataray.. hehe.. pero mabait pala and palaloko "
-Jane, AVP Documentations