::  Misyon/Bisyon
     ::  Saligang Batas
     ::  Logo
     ::  GOSM
     ::  Pinuno
     ::  Lupon
     ::  Org Chart

// logo

   Madami ding pinagdaanan ang logo ng Organisasyon. Nang nagsimula ang organisasyon noong taong 1991-1992, ang logong ginamit ay halaw sa isang Rorschach Inkblot na may simbulo ng Psi sa gitna nito.

  


   Simula noong taong 2004-2005,  Kasabay ng pagbabago ng mga ideolohiya, binago ang logo ng samahan upang ito ay mas maging makabuluhan. Ang kasalukyang logo ay may araw na sumisimbulo ng Pagkapilipino (dahil sa bagong ideolohiya, isinusulong ng samahan ang Sikolohiyang Pilipino) at niyayakap nito ang Psi. Ang dalawang nakahigang linya naman ay nagsisilbing mga tulay ng samahan sa pagbubuo ng mga panlabas na ugnayan at alyansa sa mga iba pang organisasyon. Ang huli, ngunit higit sa lahat, ang tatlong maliliit na bituin na nasa ilalim ng logo ay sumisimbulo sa tatlong Core Values ng samahan: Service, Integrity, at Leadership & Excellence.

 
Hosted by www.Geocities.ws

1