::  Misyon/Bisyon
     ::  Saligang Batas
     ::  Logo
     ::  GOSM
     ::  Pinuno
     ::  Lupon
     ::  Org Chart

// GOSM

     Ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohiya ay patuloy na nagnanais na mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing maghihilom at magyayabong sa mga kakanyahang angkin ng mga mag-aaral. Mahalaga din sa SMS ang kabuoang pagiging dalubhasa ng mga miyembro nito kaya naman mayroong naayong pagkakahati-hati sa mga uri ng gawain na kanyang ipinapamahagi. Tulad ng mga prinsipyo ni San Juan Bautista De La Salle, isang holistic approach ang kinakailangan para tunay na mahubog ang mga mag-aaral na maging responsableng mag-aaral na pinapahalagahan ang edukasyon, mamamayang isinasanggalang ang nasyonalismo at Krsitiyanong marunong magmahal sa kapwa. Sa GOSM (Goals, Objectives, Strategies and Measures) ng SMS matatagpuan ang mga plano ng samahan sa taong 2005-2006, upang makamit ang kanyang mga mithiin para sa mga mag-aaral ng Sikolohiya.
 

 
Hosted by www.Geocities.ws

1