::  Misyon/Bisyon
     ::  Saligang Batas
     ::  Logo
     ::  GOSM
     ::  Pinuno
     ::  Lupon
     ::  Org Chart

// lupon

   Makulay ang buhay sa loob ng Samahan. May mga lupon ang bawat kagawaran ng samahan na nagbibigay sa mga kasapi ng pagkakataong maranasan ang aktibong partisipasyon sa komunidad,
di lamang ng sa Sikolohiya, ngunit pati na rin sa buong pamantasan at sa labas. Ang pagsali rin sa mga lupon ay isang magandang pagkakataon upang masanay ninyo ang inyong mga kakayahan at talento, sa human relations man ito tulad ng lupong pang-anib, sa aplikasyon ng Sikolohiya ng kulay at pagdidisenyo tulad ng sa lupong publisidad at ng sa lupong webpage, hanggang sa pamamahala
tulad ng sa lupong pag-aaral at lupong di pag-aaral. Mayroon ding natatanging lupon ang samahan tulad ng sa AMT kung saan may pagkakataon kayong gumawa ng sarili ninyong panukat at iskala na pupwedeng gamitin ng organisasyon, at sa R&D kung kayo ay mahilig sa pananaliksik at paghahanap ng bagong kaalaman.
Lupong Pag-aaral

   Ang lupong pag-aaral ng SMS ang isa sa mga pinaka importanteng sangay ng organisasyon. Layon naming tulungan ang mga estudyante sa pamamagitan ng mga reviewer, educational talks, awareness campaigns at iba pa. Liban dito, tinutulungan din namin ang mga propesor sa kanilang mga aktibidades. Ang pagsali sa lupong pang-akademiko ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral ng Sikolohiya na maipaganap at ibahagi sa mga kapwa mag-aaral ang kanilang mga konseptong natutunan.

Lupong 'Di Pag-aaral

   Ang lupong Gawaing ‘Di Pag-aaral ang tumutulong sa Pangalawang Pangulo at sa Katuwang nito na magpasatupad ng mga gawain ng organisasyon na hindi kaugnay sa pag-aaral ng Sikolohiya. Kabilang dito ay ang mga gawaing pagkawang-gawa (outreach)­, General Assemblies, Committee Formation, Concerts, Parties, LEAP Classes, Waiter for a Day, at iba pang mga panlipunang gawain tulad ng pagpapaunlad ng relasyon sa pagitan ng bawa’t kasapi. Inaasahan rin na ang mga kabahagi ng lupon ay magbibigay ng kanila mga ideya, komento at iba pang mga suhestiyon hinggil sa mga gawaing di-akademiko ng samahan.

Panloob na Operasyon:

   Ang Internal na Operasyon ay kumakatawan sa tatlong importanteng lupon: Ang Membership o ang Pang-anib, ang Publisidad at ang Publikasyon. Ang tatlong lupon na ito ay nagtratrabaho bilang isa para sa pag-papabuti ng operasyon ng samahan sa loob ng paaralan at naka-sentro ang buong lupon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng samahan. Kung mayroong mga aktibidades na gaganapin, ang buong Internal na Operasyon ang namamahala upang maipa-abot sa mga kasapi ng samahan ang mga detalye ukol sa aktibidades. Ang Internal na Opersayon ay siyang daan o medium ng mga estudyante sa organisasyon.

  • Lupong Pang-Anib
  • Lupong Publisidad
  • Lupong Publikasyon
Lupong Panlabas na Operasyon

   Ang Externals ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng matibay at mas maayos na koneksyon o samahan sa mga panlabas na organisasyon kung saan kasapi ang SMS dito. Ilan sa mga kinikilalang organisasyon na may malaking naitutulong sa SMS upang makilala di lamang sa loob ng DLSU kung hindi maging sa labas nito ay ang TATSULOK, kung saankasapi ang UP, PNU, at PUP; at ang PSSP na kung saan kasapi ang Tatsulok. Ang Externals ay pinamamahalaan nina Jr at Coach, na naatasang makipagkomunikasyon sa mga panlabas na organisasyon. Ang Externals sa kasalukuyan ay may ginagawang proyekto, isang adhikaing nagnanais na makatulong sa ating mga kapus-palad na mga kababayan na hindi nabiyayaang makapag-aral sa isang maayos na paaralan, ang Mobile Library.

Lupong Marketing
 
Lupong Dyunior
 
Hosted by www.Geocities.ws

1