::  Misyon/Bisyon
     ::  Saligang Batas
     ::  Logo
     ::  GOSM
     ::  Pinuno
     ::  Lupon
     ::  Org Chart

// pinuno

President | EVP | VP-Acads | VP-Non Acads | VP-Internals | VP-Externals | VP-Marketing | VP-Finance | VP-Documentations

AVP-Acads | AVP-Non Acads | AVP-Membership | AVP-Publicity | AVP-Publications | AVP-Externals | AVP-Marketing | AVP-Finance | AVP-Documentations

Junior Committee

Pangalan: Michelle Elaine S. Villena
Palayaw: Chelly
Edad: 20
Taon at Kurso: 4th year PSM-MMG

 
 

    Ayon sa konstitusyon ng Samahan ng Mag-aaral sa Sikolohiya, ang mga pangunahing gawain ng Pangulo ay ang sumusunod: pagiging pangunahing pinuno ng organisasyon, pinuno o tagapamahala ng lahat ng mga pagpupulong at deliberasyon ng organisasyon, pagiging kinatawan ng samahan sa okasyong ito ay kinakailangan, at ang pinakamahalaga, ang mamuno sa pagpapatupad ng lahat ng polisiya at resolusyon ng Lupong Tagapamahala at mag-ayos ng mga di-pag-uunawaan sa pagitan ng mga miyembro ng Lupon ng mga Pinuno. Bilang isang pangulo ng organisasyon, ako ang namamahala sa lahat ng operasyon ng samahan. Ngunit di lang ang mga teknikal na operasyon ang aking pinamamahalaan. Bilang isang pinuno, ninanais ko ding mahikayat ang aking mga kasamang mga tagapamahala na gawin nang mabuti ang kanilang mga trabaho. Ito rin ang nadiskubre kong masmakabuluhang dahilan kung bakit ko napag-desisyonang maging isang pinuno ng SMS.

    Nang bagong mag-aaral pa lamang ako sa DLSU, sinabi ko na sa aking sariling magiging active ako sa organisasyon. Gusto ko kasing magkaroon ng magandang resume sa aking pag-tapos. Sumali ako sa SMS, ang propesyonal na organisasyon para sa mga katulad kong mag-aaral ng Sikolohiya. Tumulong ako noong una sa Lupong Pang-anib o Membership Committee sa pagpapaalam sa mga miyembro ng mga gawain ng samahan. Pagdating ko ng ikalawang taon, sinubukan kong mag-apply bilang isang pinuno ng samahan at ako ay natanggap bilang Pangalawang Pangulong Tagapagpaganap o Executive Vice President. Malaki ang naging pagbabago nito sa akin. Namulat ako sa masmahalagang dahilan ng pagsali sa mga samahan. Marami akong natutunang mga aral mula sa mga kasama kong pinuno kasama na ang pagsisilbing lubos sa mga kasama kong mag-aaral. Noong taong iyon, binuo namin ang Junior Committee, isang programang nakatuon sa paghuhubog sa mga nagnanais na maging mga pinuno ng samahan. Dito ko napagtanto ang maaari kong ibahagi sa mga miyembro ng samahan pati sa mga iba pang mag-aaral ng sikolohiya, ang pagkakataong maging pinuno.
 

    Bilang pangulo ng samahan, gusto kong mahikayat sa mga miyembro at mga pinuno ang kagustuhang maging mag-aaral na may pantay na pagkahasa sa pag-aaral at sa pagka-pinuno. Ninanais kong maialay sa kanila ang mga magagandang karansasang maghuhubog sa kanilang karakter at magpapalabas sa kanilang mga kakanyahang angkin. Nagagawa ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga responsibilidad sa kanila na naghihikayat ng accountability at nagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa samahan. Maayos na pagpapatnubay at pagiging halimbawa ang iba pang mga paraang magbibigay daan sa mithiin kong ito. Ito ay maaaring napatupad ko na sa ibang mga pinuno ngunit ito ay ninanais ko pang mabigay sa mas marami pang miyembro ng samahan. Ito na siguro ang pinakamakabuluhan at pinakamalaking kontribusyong mabibigay ko sa SMS, ang kabuoang paghubog sa mga miyembro at pinuno ng samahan sa pamamagitan ng mabuting pamamahala at pagbibigay ng motibasyon o pangganyak upang mailabas din nila ang kanilang natatagong kakayahan.


" Chelly is a very effective president. She monitors her officers and sees to it that they are doing their tasks. She sees her officers not only as people under her whom she can give instructions but treats them as friends. "
    -Piper, AVP Membership

" Chelly's very nice, accomodating and bubbly! Hehe. She knows how to keep the spirit of SMS alive. "
    -Jane, AVP Documentations

 

 
Hosted by www.Geocities.ws

1