::  Kasaysayan
     ::  Misyon/Bisyon
     ::  Core Values
     ::  Saligang Batas
     ::  Logo
     ::  GOSM
     ::  Pinuno
     ::  Lupon
     ::  Org Chart

// pinuno

President | EVP | VP-Acads | VP-Non Acads | VP-Internals | VP-Externals | VP-Marketing | VP-Finance | VP-Documentations

AVP-Acads | AVP-Non Acads | AVP-Membership | AVP-Publicity | AVP-Publications | AVP-Externals | AVP-Marketing | AVP-Finance | AVP-Documentations

Junior Committee

Pangalan: Raissa Roena Gonzales Ocampo
Palayaw: Raissa
Edad: 19
Taon at Kurso: 3rd year AB PSM
Hobbies: The mall, cinemas, television, music, photography, and my blog. While doing everything else with my friends and family

Ako si Raissa. Bangag ako, pero mahal ako ng tao. Haha.

Sige na seryoso na.

   Ako si Raissa Roena G. Ocampo, Pangalawang Pangulo para sa Gawaing ‘Di Pag-aaral ng samahan. Bago ako magtapos sa aking ikalawang taon ng kolehiyo, ay nagapply ako para sa posisyong Pangalawang Pangulo para sa Panloob na Operasyon, pero biglang ito ang napunta sa aking posisyon. Haha. Pero sa kabila nito, nagpapapasalamat ako dahil gustong-gusto ko talaga ang trabahong ibinigay sa akin, kahit na sabihin na nating medyo mabigat at demanding ito. Siguro, masasabi ko na masaya sa posisyon ko dahil ang mga gawain na ipinapatupad ng aking lupon ay masaya, at siyempre, masaya at masarap katrabaho ang mga tao dito. 

   Ako ay nagdesisyon na maging isang aktibong miyembro ng samahan sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng lupong tagapamahala. Dulot ito ng kagustuhan kong maglingkod ng taus-puso sa kapwa ko mga mag-aaral ng Sikolohiya. Kung kilala ninyo ako, sigurado akong alam niyo kung gaanong katindi ang aking passion sa Sikolohiya, sa paglilingkod, at sa pakikihalubilo at pakikitungo sa tao. Para sa akin, ang mga ito ang nagpapasaya at nakatutulong sa akin upang maging isang mas mabuti, masipag, at responsableng tao. 

   Ano ba talaga ang ginagawa ko bilang Pangalawang Pangulo para sa Gawaing ‘Di Pag-aaral? Ako ang nagsisilbing tagapamahala sa mga gawain na hindi nauukol sa pang-akademiko, halimbawa ay ang pag-aayos ng mga outreach (tulad ng Gawad Kalinga), General Assemblies, Concerts at parties, alternative classes, mga gimik at marami pang iba. Sideline ko rin na tumulong sa ibang pinuno kung kailangan, at ang kumuha ng mga litrato ng mga aktibidades ng samahan. Masaya talaga sa posisyon ko, basta dapat masipag, handang matuto, at handang sumabak sa kung anu-anong kabalbalan. 

   Ang samahan ay unti-unting umuunlad at nagbabago sa mabuting paraan, at sa aking palagay ay ito’y dahil pinapahalagahan ng bawa’t isa na ibigay ang lahat sa abot ng kanilang makakaya.

   Kaya naman sa SMS, ang buhay (kahit sablay)…laging makulay.

" ay POOCHA!! ..ang daldal ni raissa! walang hindi pwedeng mapagusapan pag kasama mo to! ok pa kasama! never a dull moment. take care ok cutie?=) "
-Glenn, EVP


" outspoken. :) hehehe. Madaling makausap and marami talagang kwento. Madalas pang hyper. :) "
-Jane, AVP - Documentations

 

 
Hosted by www.Geocities.ws

1