::  Misyon/Bisyon
     ::  Saligang Batas
     ::  Logo
     ::  GOSM
     ::  Pinuno
     ::  Lupon
     ::  Org Chart

// pinuno

President | EVP | VP-Acads | VP-Non Acads | VP-Internals | VP-Externals | VP-Marketing | VP-Finance | VP-Documentations

AVP-Acads | AVP-Non Acads | AVP-Membership | AVP-Publicity | AVP-Publications | AVP-Externals | AVP-Marketing | AVP-Finance | AVP-Documentations

Junior Committee

Pangalan: Angelo Paolo Luna Trias
Palayaw: Gelo
Edad: 20
Taon at Kurso: 3rd year AB PSM
Hobbies: Kahit ano basta trip at masaya.

 

    Sa nakaraang dalawang taon ko sa unibersidad, hindi ako naging aktibo sa kahit anumang organisasyon sa DLSU. Kaya naisip ko na konti na lang ang natitirang terms ko sa kolehiyo at hindi ko na mababalikan ang mga mangyayari at oportunidad na kasama nito. Dahil dito nakapagpasya ako ng tanggapin at hugupin ang mga oportunidad na nariyan sa harap ko. Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko gawin ang kaya kong gawin, at sagutin ang mga hamon sa akin. Kung kaya't naisip kong sumali sa org at tumakbo bilang isang "officer". Alam kong meron akong maihahandog sa ikinabubuti ng samahan ng mga mag-aaral sa Sikolohiya.

    Ngayon, ako ang "assistant vice president for Publicity". Ang trabaho ko ay mag -"publicize" ng mga nais maiparating ng samahan sa publiko. Ang aking tungkulin at responsibilidad ay umabot sa publiko at gumawa ng tulay na nagkokonekta sa kanila at sa SMS sa pamamagitan ng mga materyales tulad ng mga poster, web poster, damit at iba pa. Paggamit ng isip ang pinaka-importatnte sa posisyon na ito. Kinakailangan na magisip nga magisip ng madalas para makagawa ng konsepto na mas maganda at maayos. Ang gusto ko sa posisyon na ito ay ang bawat pryekto ay sariwa at kakaiba. Lagi natutulak ang aking kakayahan na gumawa ng bago at mas maayos na proyekto dahil gusto ko mas maayos at maganda ito sa nagawa ko na.

    Sinisikap ko na gawin  ang aking nararapat gawin at kung ano ang hinihiling sa akin. Sinasagot ko ang aking mga responsibilidad at tsaka sinusubukan ko gumawa pa. Ang SMS  ay isang maliit pa na organisasyon pero ito ay patuloy na nagdedebelop. Kailangan na ipagpatuloy ang pagikot ng gulong para sa darating na mga araw, ang mga bisyon at hangarin ng organisasyon ay mapasaikapatupran.

" He looks maangas, but he's shy. DAW! hehe :D I'm impressed coz he works really fast and efficiently, and he's full of wit, it shows in his work. :) "
    -Raissa, VP Activities Non-Academics

 

 
Hosted by www.Geocities.ws

1