Pangalan: Jenny
Espinosa
Palayaw: Jenny
Edad:
Taon at Kurso: 3rd year BS PSYC
Hobbies:
Bilang tao, natural sa
akin ang pagiging matulungin, iyan ay isang positibo kong
katangian. Isa pa ay madali akong kausapin o lapitan ukol sa
mga bagay bagay. Sabi nga nila ay pala-kaibigan at hindi
nahihiya na lumapit sa mga tao. Alam kong ang mga katangian
nito ay hindi sapat lamang gamitin sa pagiging isang hamak
na estudyante lamang kaya naman ninais kong maging isang
student-leader dahil baka sakaling mas bagay ang mga nasabi
kong katangian kung nangyari iyon. At isa pa, nais ko ring
matupad ang isa sa mga pangarap ko: ang maging officer ng
SMS dahil nais ko makapagbigay ng dedikasyon at kontribusyon
hindi lamang sa buong komunidad ng DLSU kundi na rin sa
buong komunidad ng Sikolohiyang Pilipino.
Hindi naging
madali ang aking pagsali sa pagiging isa sa mga pinuno ng
samahan. Ako’y naging Junior Committee kung saan ako’y
kasapi ng Logistics na tumulong sa pangangasiwa ng mga
kakailanganing kagamitan sa mga aktibidades ng samahan at
tumulong din ako lalung – lalo na sa Psych week kung saan
kabilang ako sa mga nangasiwa ng palaro at sa mga models
para sa Psych night. Ngayon, bilang Bise Presidente ng
Internal na Operasyon, ang pangunahin kong ginagampanana ay
ang pangangasiwa sa tatlo kong AVPs : Membership,
Publikasyon at Publisidad. Kung mayroon silang kailangan,
agad kong inaabot ang aking kamay at kung may kailangan ang
nakatataas sa kanila, agad ko rin naman silang nilalapitan.
Kung baga, ako ang daanan nila patungo sa aming Presidente.
Sa pamamagitan ng pagpapaganda, pagbabago at pagbibigay ng
aking buong talento, mas maraming miyembro ang ma-e-engganyo
at sasali sa samahan at patuloy na uusbong na parang
paru-paro ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohiya.
" Jenny makes
sure that her AVP's work efficiently. She updates them of
upcoming activities and reminds them of their specific tasks
like on what to do, what to bring, etc. Jenny does not order
her AVP's around or acts bossy instead she gives
instructions in a nice way. And the nice thing about Jenny
is that she helps her AVP's as well. "
-Piper, AVP Membership
" Jenny madalas ding hyper. Enthusiastic. "
-Jane, AVP Documentations