Panalong Puso
A Comics Script
Reinier C. Dungca
Previous Page
Frame 6
David (thought balloon): Alam kong ilusyon lang ang maging tayo. Pero di ako nawawalan ng pag-asa.
Illustration: Si David ay nasa loob ng kotse at nagmamaneho habang nag-iisip.
Frame 7
Top cap: Ngunit ni minsan ay hindi nito ipinabatid ang nararamdaman, lalo na sa among senador.
David: Sir, naihatid ko na po si Ma'am Cristina.
Sen. Vega: Ihatid mo ako sa Makati. May meeting ako roon.
Illustration: Nasa labas ng opisina o building ang dalawa. Nasa background ang kotse. Nakabarong si Sen. Vega. Siya ay nasa kanan. Si David naman ay nasa kaliwa.
Page 3
Frame 8
Top cap: Sa laging pagsasama ng dalawa, lalo silang naglapit.
Cristina: Ano ba ang gusto mo sa babae, David?
David: Yung matalino, mabait at siyempre, yung mamahalin ako.
Illustration: Nasa isang fastfood sila. May pagkain sila sa mesa. Maaaring hamburger, softdrinks at iba pa. Nasa bandang kaliwa si david at nasa kanan si Cristina. Ang damit nila ay casual. Sila ay nagkukuwentuhan.
Frame 9
David: E ikaw, Ma'am?
Cristina: Yung tapat at siyempre gentleman.
Frame 10
Cristina: Bakit di ka manligaw?
Illustration: Close-up ni Cristina. Mukha lang ang nakaguhit.
Frame 11
David: Kasi malayo ang agwat namin e. Mayaman siya, ako tauhan lang. Langit at lupa kami.
Illustration: Si David ay nakaharap. Si Cristina ay nakatalikod. Rear view lang.
Frame 12
Cristina: Di naman mahalaga yun. Ang importante, mahal mo siya.
Illustration: Close-up ni Cristina.
Frame 13
Top cap: Ngunit hindi man iparinig, maaaring ang ibang tao ang makapansin nito.
Sen. Vega: Hija, masyado yata kayong malapit sa isa't-isa ni David.
Corazon: Papa, magkaibigan lang kami.
Illustration: Nasa dinner table sila ni Sen. Vega. Kumakain ng hapunan.
Page 1 2
3 4
back to top
copyright © 2001. Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca;
John Andrew Agbay. University of the Philippines, Diliman, Quezon City All rights reserved
|