| Tea Ceremony Japan transportation People of japan Japanese Temple Japan Cellphone Japan Geography Philippines in Japan Kabuki Japanese house Are you a Filipino in Japan |
| Philippine Festival Pampanga Pinetensya Manila Cebu Davao Baguio Philippines geography Philippine Food Philippine national anthem |
![]() |
| Pilipino in Japan II publish August 10 2002 |
| Click the logo below to support my page |
| PILIPINO IN JAPAN II Buhay sa japan ano nga ba ang buhay ng isang pilipino sa japan ako biglang isang pilipino na nasa bansang hapon marami ng hirap na nadaranasan sa buhay sa pagmaltrato ng mga hapon sa mga taong hindi nila katulad sa ngayon ako ay meron ng trabaho sa isang malaking supplier ng mga gulay dito sa japan mahirap ang trabaho ako lang ang nag iisang pilipino na nagtatrabaho doon pero maraming mga taga ibang bansa tulad ng china, korea, thailand at marami pang iba halos lahat ng nag tatrabaho na hapon dito ay mga lola at lolo na nasa idad na 40-70 dito lang ako nakaranas ng trabaho na kailagan mong magtrabaho na katulad ng isang robot bawal ang magsalita bawal ang sumipol bawal ang kumanta. trabaho lang ang pwede mong gawin at wala ng iba. Sa aking pinagtatrabahuhan ngayon na Kumpanya halos lahat ng mga taga ibang bansa na nagtatrabaho dito ay tapos ng Enhenyero, o tapos ng Universidad sa kanilang kanilang bansa tapos dito sa bansang hapon ang trabaho na kung saan lang sila natangap ay sa isang kumpanya ng gulay kung saan ang trabaho namin ay mag repack maglinis ng mga gulay. Ano nga ba ang nararanasan ng mga pilipino na nasa bansang hapon sa mga taong meron ng pamilya sa Pilipinas na iniwanan para bigyan magandang buhay sila. At ano naman ang buhay ng mga dalagang at binatang pilipino dito sa japan na meron na iwanan ang kanyang mga magulang kapatid para makatulong sa pamilya para sa pagunlad ng kanyang pamilya. hindi ko kayang sagutin ang pangawala kong tanong pero buhay ng meron asawa at anak na naiwan sa pilipinas ay isa na ata sa isa sa mga pinakamahirap na desisyon na aking ginawa marami na akong pamilya nakita na ang kanilang ama o ang kanilang ina ay nasa ibang bansa at kung ano ang nangyari sa buhay ng kanilang mga anak at buhay ng kanilang asawa na naiwan? Paano nga ba ang buhay ng isang tao na meron asawa na naiwan sa Pilipinas? Ako ngayon ay nasa proseso ng paghahanap ng kaginhawahan sa akin utak at puso kung maganda ba ang kalagayan ng aking pamilya malusog ba ang aking anak hindi ba sya nag kakasakit hindi ba nahihirapan ang akin asawa na alagaan sya lalo na wala ako. maraming mga tanong na hindi ko masagot pero isa lang ang akin alam at kailagan tandaan sila ay nag hihintay sa akin sila ay umaasa na balang araw gaganda ang aming buhay at hindi ko na kailagan mangibang bansa para mabuhay kami ng maginhawa. Salamat sa mga sumusuporta ng aking pahina kung kayo ay meron gustong ibahagi sa aking pahina sulat lang kayo sa inyong lingkod. |