|
Bago ang lahat ako nga pala si Michael Cuenco isang "daburo"(muti-culural Child) sa Japan. 21 taon gulang pinaganak sa bansang pilipinas. Napagdesisyonan ng aking ama na hapon na dito na dito na dapat ako manirahan at tumatanda na sya at baka hindi nya na ako madala dito sa mga darating na panahon. Nilakad nya lahat ng akin papeles at nandito na ako sa loob ng 4 na buwan. Naalala ko ng nasa terninal 2 na ako ng N.A.I.A. na ako lang ata ang nagiisang Pinoy na hindi nananabik sa pagpunta sa bansang Nihon"Japan". Ang bansa na maraming Pilipino na hangad puntahan. Kulang na lang ng paglapag ng eroplano sa japan ay hindi na ako bumaba at hintayin na lang ulit ang eroplano umalis pabalik sa Pilipinas. Para sa akin ang bansang ito ay isang lugaw na kung saan wala akong kakilala, kaibigan at ka pamilya na akin mapupuntahan sa oras ng problema. Pagdating ko sa bansang ito mga kababayan agad ang aking unang hinanap ko pero mailap sa akin ang kapalaran 2 buwan na ako dito bago ako nakakilala ng Pilipino na puno ng kwento na hindi nila itatago sa iyo. Sa ngayon ang plano ko dito ay maghanap ng trabaho at mabuhay ayon lang naman halos ata ng plano ng bawat pilipino na pumupunta dito mag trabaho maiagat ang buhay ng kanilang pamilya na naiwan sa Pinas. Pero sa ngayon mag 3 buwan na ako dito wala parin akong trabaho. Mahirap kumuha ng trabaho dito lalo na pag hindi ka marunong magsalito ng Nihongo"salita ng Hapon". Hindi masyadong nagtitiwala ang mga hapon sa mga taong hindi marunong ng lenguahe nila. Meron akong nakilalang isang seaman na sinubok ang kanyang kapalaran dito sa Japan mag 5 taon na sya dito. Sya si Jojo sa ngayon sya ay naaksidente at sa ngayon walang trabaho, pera at tirahan. Si Jojo ay natutulog ngayon sa simbahan kung saan ako pumupunta tuwing araw ng lingo, natutulog sya kung saan nilalagay ang mga panglinis ng simbahan humihingi ng tulong sa simbahan at sa mga Pilipino na nagsisimba para sa kanyang pagkain at pamasahe pauwi sa Pilipinas marami sa mga kwento ng isang Pilipino ay ganyan. Pero marami ring naman ang nagtagumpay sa buhay nila. Si Angel isang Pinay na nagtatrabaho bilang entertainer dito sa Japan ang tinatawag natin na "japayuki" sa atin bansa marami sa mga pinay na pumupunta dito ay ganyan ang trabaho 10 taon na dito sa Angel isa sa mga T.N.T. Katulad ng libo libong Pilipino dito na walang VISA na nandito sa bansa ng walang pahintulot at walang suportang nakukuhan sa Goryernong hapon. Si Angel ay nagtatrabaho para sa kanyang Pamilya sa Iniwanan sa Pinas. Maganda na ang buhay ng kanyang Pamilya ngayon simula ng tumungo sya dito nakapagtapos na ng koleheyo ang kanyang mga kapatid meron ng sarisariling bahay pero sa likod ng mga ito ayaw nya parin bumalik sa Pinas sa dahilan na paano na kung kulang pa pala ang naipon ng kanyang pamilya paano na makakabalik pa ba sya dito ayan ang kinakatakutan ng mga Pilipinong T.N.T. dito ang hindi na makabalik alam naman natin lahat na sa Pinas kahit kayod kalabaw ka na ay wala parin kahihinatnan ang buhay mo kaya marami sa atin kababayan ang pumupunta sa ibang bansa katulad ko. Maraming kwento ang nababalot sa Buhay ng isang Pilipino na naninirahan dito Hirap, saya, kasawian, kalungkutan, karangyaan at marami pang iba. Sa ngayon nandito lang ako para bigyan ko ng magandang buhay ang aking pamilya. |
|