TABI-TABI PO!
Ang website na ito ay pag-aari ko... ako ay si Pao. Ito ang itinuturing kong "cabinet" ng aking mga luma na tula. Mayroong mga isinulat sa Filipino, at mayroon din namang isinulat sa Ingles. Kung kayo ay natutuwa... sulatan niyo ako sa [email protected]. Ang lahat ng aking mga tula ay nalathala na sa ilalim ng aking pangalan. Kaya kung sila'y inyong binabalak na "hiramin" ay huwag mo nang ituloy. :-) Magkaibigan tayo, diba? Basa ka nalang at subukang mag-enjoy!

MGA TANONG SA SAGOT...
Ang pagtula ay parang pag-ahon sa pagkakalunod, kung kailang malinaw ang iyong utak at yakap mo ng mahigpit ang buhay na kinamumuhian mo.

Ang pagtula ay nasa mga lansangan ng Quiapo kapag gabi, nasa malakas na pagtibok ng puso mo tuwing may maaaninag na malilikot na anino sa iyong likuran.

Ang pagtula ay parang libog, susunugin ang kaluluwa mo hangga't hindi mo ito nailalabas.

A ng tula ay nasa nanlilimahid na mga mukha ng mga nakikitulog sa harap ng Farmer's, nasa mga landi ng mga ilaw ng Cubao pagsapit ng dilim, nasa hepabols, isaw, rambo, at kung anu-ano pang laman-tiyan sa lansangan.

Ang tula ay walang silbi kung walang paninindigan.

Ang tula ay nakamamatay

Ang tula ay mapupulot sa basurahan, kasama ng mga naliligaw na pusa, mga hasang ng isda, mga pinagtalupan ng gulay, mga bangkay ng ligaw na aso...

Ang tula ay hindi maaaring iulam sa kanin.

Ang tula ay salubsob sa kaluluwa.

Ang tula ay nasa mga guhit ng palad. Nasa mailap na kapalarang pilit na inaalam.

Ang tula ay tungkol sa lahat ng meron at wala.

Ang tula ay tula.

ANG MGA TULA

 


NONSTANDARDIZED-APRIL 3, 2003
BEST VIEWED USING 1024X768 SCREEN RESOLUTION
PUBLIC BLOG
Tsikatok.com- THE BEST ONLINE TAMBAYAN

Hosted by www.Geocities.ws

1