supot-supot kung bumili
ng saya,
pantawid-gabi,
pambungad-umaga.
tahimik na
pupuslit sa
apat na sulok ng
kuwarto't
...bubuksan
...tahimik
...maingat [at baka kumalat]

pantawid-gutom lamang.
sa kaunting saglit,
ay pisngi na ng langit.

bukas ulit! ang bisang
magpakalma
ng bitukang sing lalim
ng bulsa.


[BACK]

 

Hosted by www.Geocities.ws

1