sigurado akong kilala
kita
siguro'y nagtagpong
minsan
ang mga gumagalang mata,
at ito'y naging isang
alaalang
libong-siglo ang
inukit sa gunita.
siguro'y nakatalik ka
nang minsan
sa isang malayong lugar
at panahon.
mga petsa't bayan na di
kasing importante
ng alaala ng iyong ngiti.
nakalaro na marahil
kita ng dama.
|