She moves through life like
an
animal,submitting to it
the way she submits her body to
men--with neither joy nor love.
-Bien Lumbera
sa tuwing hinahalikan
mo ako't
sinisipat ng traydor
mong mga kamay
ang patay kong katawan
hindi mo man lang
nararamdamang
milya-milya na ang layo ko
sa iyo.
di na ako nakapikit,
nakikita na kita
tinitignan habang
naliligaw ka
sa sarili mong
pagnanasa.
pero malayo na ako't
di mo na maaabot.
naroon na sa labas ng
iyong
mga ungol,
ng iyong mga
pangangailangan--
sa labas ng ating mga
pagkukunwari
|