nasabi ko na ba sa
iyong
hirap akong sumabay sa
martsa?
hindi rin bagay sa akin
ang mahabang palda.
natatapilok ako sa
matataas na takong
ng hinanda mong
sapatos
hindi ko rin gusto ang
kulay
ng mga itatapon mong
rosas.

pero kung mapapaligaya ka nito,
sige, subukang umindak,
subukang magpaganda,
kumendeng sa saliw ng
"Here Comes The Bride"
makipagbalyahan para sa
palumpon ng bulaklak
na binendisyunan ng
sinasabi mong
pagmamahalan.

 

[HOME]

 

Hosted by www.Geocities.ws

1