tahimik mong nginunguya
ang pagkain mo.
tinatanggal mo ang mga
buhol
sa palumpon ng bihon
na nakatambak sa iyong
plato.
sinasagot ako ng
kalansing ng iyong
tinidor.
nilulunok ko ang
sinusubo mo.
ninanamnam ko ang
kinakain mo.

nang dumighay ka,
alam kong tapos na ang
usapan.


[BACK]

 

Hosted by www.Geocities.ws

1