Grupo_com: OUST ERAP PRIMER
back to home page grupo_com:

the best of Journ 109

SITEMAP | ABOUT US | ABOUT J 109 | LINKS | GUESTBOOK |



back to homepage

Read our works:

This is Jocelyn

DEBT PAPER

OUST ERAP PRIMER

JOCELYN'S AD

This is Rhea

OUST ERAP PRIMER

INSTRUCTIONAL MATERIAL

RHEA'S AD



E-mail

to us your comments and reactions to this piece.


grupo_com �

SIGAW NG BAYAN:
PATALSIKIN SI ERAP!

patalsikin si ERAP!

Mission Accomplished! Ang Resulta ng Aklasan

Di rin tumagal at nagsilipatan ang mga maimpluwensyang tao na sumuporta kay Erap sa oposisyon. Inalis din ng Armed Forces of the Philippines at Secretary of National Defense, Orlando Mercado ang kanilang suporta kay Erap noong gabi ng Enero 19, 2001. Pakonti ng pakonti ang mga nagraling pro-Erap sa Mendiola hanggang sa napalibutan sila ng mga anti-Erap at kinailangan ng pulis ng sasakyan upang maipalabas silang di nasasaktan. Napaalis si Erap sa posisyon at tila nanalo ang oposisyon. Nanumpa ang constitutional successor niyang si Gloria Macapagal-Arroyo, bilang presidente noong Enero 20, 2001, sa harap ng mag ralyista sa Edsa.

Ano na ngayon?

Tila hindi na natuto ang mga Pilipino sa mga pangyayari noong People's Power 1986 at hinayaan nilang humantong tayo sa pag-iingay sa kalye upang ibasura na naman ang isang presidente. Ngunit kinailangan itong gawin- kapwa ng anti- at pro- Erap upang mas lalong makita ang hati ng sambayanang Pilipino. At siguro, upang mas marinig natin ang ating mga sarili at mga katabi.

Ano ba ang implikasyon nito sa uri ng idealismo at prinsipyo ng mga Pilipino? Tayo ba ay nakulong sa isang kultura ng mga trapo? At papaano naman si Estrada? Kasalanan ba niya ito lahat? Hindi ba't tayo rin ang nagpaangat sa kanya sa pwesto?

Sa simula pa lang ng adminstrasyong Estrada, nagsitungo na ang mga militanteng grupo sa kalye upang mag-aklas. Parami sila ng parami. At sa ika-30 buwan ng panunungkulan ni Erap, nagkaisa ang halos lahat ng taong bayan na tumungo na rin sa kalye.

Isa-isang pinatong-patong at inilabas ng mga tao ang mga masamang gawain ng dating pangulong Estrada. Kahit sa ngayon ay walang kongkretong katiyakan ang taong-bayan na totoo ang mga pagbibintang. Ngunit di lang nakita kundi nadama rin ng mga Pilipino ang masamang epekto na dulot ng administrasyon ni Erap. Ito ay ang kahirapan, kawalan ng seguridad sa trabaho, pagbaba ng uri ng edukasyon, at hiyang dulot sa mga binalitang ginawa niya. At ito ay salang mas matimbang pa kaysa mga artikulo ng impeachment complaint na isinampa laban kay Estrada sa korte sa mga puso ng mga Pilipino.

Kailangan nating aminin na ang taong bayan ay may pagkakamali rin. Inilagay natin sa krusyal na posisyon sa gobyerno ang mga taong hindi natin unusisa kung maayos sila at karapat-dapat. Nabulag tayo sa mga pangako nilang nakapako at sa mga material na bagay na kanilang naibigay sa atin. Nagkamali tayo sa pagpapaupo kay Estrada sa pwesto. Gusto na ng taong bayan na iwasto ang pagkakamaling ito at palayasin na ang mga trapo.

At ito ba'y upang ibalik sa posisyon ang mga dating trapo na sumisipsip sa masang nagrali sa kalye laban sa gahum ng mga trapo? Magpapagamit ba tayong muli sa mga trapong ito upang sila'y mabigyan muli ng gahum?

Kung sa gayon, ang pagpapatalsik kay Estrada ay ang unang hakbang lang ng pagreporma ng tao sa pamahalaan. Dapat tayo maging mas masugid sa pagbabantay sa mga bagong namumuno ngayon. Sawa na ang taong bayan sa trapo. Gising na ang mga Pilipino.

Hindi pa tapos ang laban!!!

Page 1 | 2 | 3 | 4

Go up

Copyright � 2001. Jocelyn Dimaculangan and Rhea Adante. UP Diliman. All rights reserved.
Hosted by www.Geocities.ws

1