Grupo_com: OUST ERAP PRIMER
back to home page grupo_com:

the best of Journ 109

SITEMAP | ABOUT US | ABOUT J 109 | LINKS | GUESTBOOK |



back to homepage

Read our works:

This is Jocelyn

DEBT PAPER

OUST ERAP PRIMER

JOCELYN'S AD

This is Rhea

OUST ERAP PRIMER

INSTRUCTIONAL MATERIAL

RHEA'S AD



E-mail

to us your comments and reactions to this piece.


grupo_com �

SIGAW NG BAYAN:
PATALSIKIN SI ERAP!

patalsikin si ERAP!

Mula noong nanungkulan bilang bise-presidente ng Pilipinas si Joseph Ejercito Estrada, hindi na siya tinantanan ng mga kritiko. Lalong lumala ito noong nanumpa siya bilang Presidente ng Pilipinas noong Hunyo 30 ,1998. Kakaiba kasi si Erap kung ihahambing sa ibang natalaga sa mga matataas na posisyon sa gobyerno. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral at nakilala siya ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula. Inihalal siya sa posisyong Presidente ng Pilipinas ng mga noong Mayo 1998 ng isang masang naniwala na ang Erap na napanood nila sa takilya at ang Erap na nagsabing para siya sa mahirap ay siyang Erap na makikinig at tutulong sa taong bayan. Tila nabigo ang paniwalang ito, sapagkat ngayon ang sinisigaw nila ay, "Patalsikin si Erap!".

Ang puno't dulo:

Ayon sa mga taong nakibaka sa kalye, nagsimula ang mga rally mula pa noong mga unang buwan ng pagkaupo ni Erap bilang presidente. Ang pinakaunang nag-udyok ng reaksyon mula sa mga militanteng grupo ay ang pagpayag niyang ilibing ang dating Presidenteng Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. Sumunod dito ang sari-saring kilos protesta tulad noong kagustuhan ni Estradang ipatupad ang Visiting Forces Agreement (VFA). Pinagalit niya ang media noong sinampahan niya ng P101 M libel suit ang Manila Times. Lalong napa-iling ang mga ulo ng tao noong nagdeklara siya ng digmaan sa Mindanao laban sa Abu Sayyaf. Dinagdagan ito noong nagmatigas siyang lagyan ng naval blockage ang Spratly Islands na kinagalit ng Tsina. Sinundan ito ng pagputol ng budget para sa edukasyon. Ngunit mapapansin sa mga raling ito na konti lang ang nakikilahok.

Nagsimulang dumami ang mga ralyista noong ibinulgar ni Governor Luis "Chavit" Singson ng Ilocos Sur ang pagkakasangkot ni Estrada sa jueteng at iba pang ilegal na gawain. Mas dumami pa ito noong naaprobahan ang Impeachment Complaint sa Kongreso at Senado.

Ang nag-udyok sa buong bansa na makibaka sa kalye na tila bagting ng batingaw, ay ang pagkapanalo sa Impeachment Court ng boto ng 11 na senador na di buksan ang pangalawang sobre na naglalaman ng ebidensiya laban kay Erap. Tila nagising ang mga tao mula sa malalim na pagkatulog noong sila'y nagsilabasang kusa sa kanilang mga pamamahay at nagpahayag ng kanilang mga hinaing sa kalye. Nakakamangha ito sapagkat walang isang politikal o relihiyosong lider na naghikayat sa taong bayan upang ito'y gawin.

Ang Detalye sa Paglabas ni Chavit

Si Governor Luis "Chavit" Singson ng Ilocos Sur ay isa sa mga malapit na kaibigan ng dating Pangulong Estrada. Ang kanilang pagkakaibigan ay nag-uugat noong nasa show business pa lang si Erap. Ayon kay Singson, si Erap ay kanyang ka-inuman at ka-sugalan at siya ay isa sa mga miyembro ng "Midnight Cabinet" nito. Sabi ni Chavit, pinatawag siya at si Charlie "Atong" Ang ni Erap noong Agosto 1998 upang ipalago lalo ang ilegal na laro na jueteng. Mula noon ay nagpamigay na ng jueteng payoffs sa mga matataas na opisyal sa gobyerno, kasama dito ang Presidente. Binigyan din niya si Estrada ng P70M galing sa excise tax ng tobako na ineeksport ng Ilocos Sur.

Ang pasyang paglahad ng kanyang nalalaman ay nag-ugat sa away nila ni Atong. Si Atong ay ang tagapayong pangmarketing at promotions ng Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) at isa sa nagpalago sa bagong laro na napaka-similar sa jueteng na Bingo 2 Ball. Ang diperensya ng dalawa ay legal ang Bingo 2 Ball at 20 porsyento o mahigit sa kita nito ay mapupunta sa gobyerno bilang tax. Ayon kay Chavit, nagalit siya kay Ang dahil binigay nito ang franchise ng Bingo 2 Ball sa Ilocos Sur sa mga kamag-anak niyang kaaway niya sa politika. Noong tinanong niya si Ang sabi nito na ay ito ay utos ng Presidente (Estrada). Ito ang kinasama ng loob ni Ang. Sabi ni Singson, hindi na niya kaya ang lahat ng ito dahil matagal na itong nangyayari kaya ibubunyag na niya ang lahat.

Page 1 | 2 | 3 | 4
Go up

Copyright � 2001. Jocelyn Dimaculangan and Rhea Adante. UP Diliman. All rights reserved.
Hosted by www.Geocities.ws

1