Grupo_com: OUST ERAP PRIMER
back to home page grupo_com:

the best of Journ 109

SITEMAP | ABOUT US | ABOUT J 109 | LINKS | GUESTBOOK |



back to homepage

Read our works:

This is Jocelyn

DEBT PAPER

OUST ERAP PRIMER

JOCELYN'S AD

This is Rhea

OUST ERAP PRIMER

INSTRUCTIONAL MATERIAL

RHEA'S AD



E-mail

to us your comments and reactions to this piece.


grupo_com �

HATOL NG BAYAN: GUILTY! � guilty si ERAP!

Nagsalita na ang taong bayan - GUILTY SI ERAP!

Noong Disyembre 7, 2000, naganap ang kauna-unahang impeachment trial sa bansa at maging sa buong Asya kung kaya ganoon na lamang ang atensiyon na binibigay sa kasong ito. Ang pagiging bukas, makatarungan, tapat at makabuluhan ng prosesong ito ay ang inasahan na maging sagot sa krisis na bumabalot sa ating bansa. Mahalagang maintindihan at maliwanagan ang mga mamamayan tungkol sa makasaysayang hakbangin na ito.

Layunin ng primer na ito na ipaliwanag ang mga legal na isyu, proseso, at mga kaganapan na nauukol sa impeachment trial ng ika-13th na Presidente ng Republika ng Pilipinas - Si Joseph Ejercito Estrada.

Ano ang "juetengate" scandal?
Tumutukoy ito sa isakandalo na sinimulan ni Governor Luis Chavit Singson nang akusahan niya si Presidente Estrada bilang "lord of all gambling lords." Ito ay pinangalan sa "Watergate" scandal na pinagdaanan ni former US President Richard Nixon noong 1974. Nagtapos ito sa kanyang pag-reresign bilang Pangulo ng Estados Unidos.

Ano ang Impeachment?
Ang Impeachment ay isang legal na proseso na nakasaad sa ating 1987 Constitution (Article XI Section 2) na nagbibigay daan para mapaalis sa puwesto ang matataas na opisyal ng gobyerno na napatunayang gumawa ng mga mabibigat na krimen.

Ano ang proseso ng Impeachment?
May apat na hakbang para sa impeachment ng isang opisyal ng gobyerno:

  1. Paghahaing ng Impeachment Complaint. Mag-uumpisa ang proseso sa pagbibigay ng kopya ng reklamo (impeachment complaint) at ang abiso (summons) sa nasasakdal.
  2. Pagbobotohan kung dapat ipasa ang impeachment complaint sa Senado. Kung ang resolusyon ay sinang-ayunan ng isang - katlo (1/3) ng lahat ng Kagawad ng Kapulungan, pwede na itong isunod agad sa Senado. Sa pagkakataong ito, itinuturing na na-impeach na ang opisyal.
  3. Paglilitis sa Korte. Ang Senado lamang ang may kapangyarihan na duminig at maghukom sa anumang impeachment case. Kailangang 2/3 ng mga Senador ang bumoto na ma-convict ang opisyal. Lilitisin ang kaso ayon sa mga tuntuning isinaayos ng Senado, titimbangin nila ang ebidensiya at pakikinggan ang mga saksi. Bibigyan ang mga Taga-usig (Prosecution) at ang Tagapapagtanggol (Defense) ng pagkakataon para patunayan o pabulaanan ang mga paratang laban sa kanya.
  4. Paghuhusga at paghatol: Botohan ng Senado Matapos maihain ang lahat ng ebidensiya ng bawat panig, magbobotohan ang Senado kung dapat nga bang i-convict o ipawalang sala (i-acquit) ang Pangulo batay sa mga kasong laman ng reklamo.


Senate President Aquilino Pimentel and Chief Justice Hilario Davide, Jr.

Page 1 | 2 | 3
Go up

Copyright � 2001. Jocelyn Dimaculangan and Rhea Adante. UP Diliman. All rights reserved.
Hosted by www.Geocities.ws

1