Grupo_com: OUST ERAP PRIMER
back to home page grupo_com:

the best of Journ 109

SITEMAP | ABOUT US | ABOUT J 109 | LINKS | GUESTBOOK |


back to homepage

Read our works:

This is Jocelyn

DEBT PAPER

OUST ERAP PRIMER

JOCELYN'S AD

This is Rhea

OUST ERAP PRIMER

INSTRUCTIONAL MATERIAL

RHEA'S AD



E-mail

to us your comments and reactions to this piece.


grupo_com �

HATOL NG BAYAN: GUILTY! � guilty si ERAP!

Anong mga grupo at sektor ng lipunan ang nananawagan para sa Resignation ni Estrada?
Para sa mga kabataan na kasama sa ERAP Resign Youth Movement (ERYM), hindi na sila naniwala sa proseso ng impeachment. Ngayon, na pilit ng pinagtatakpan ang katotohanan, nakasalalay na ang kapangyarihan sa mamamayan para paalisin siya. Ang ERYM ay itinatag noong Oktobre 18, sa kaiinitan ng isyu tungkol sa jueteng.
Tulad ng mga mag-aaral na kasama sa ERYM, naniniwala rin ang ACT - TEACH na kailangan na talagang umalis si Estrada. Ang ACT ay ang Alliance of Concerned Teachers, isang alliance ng public school teachers samantalang ang TEACH ay ang Teachers and Employees Against Corruption and Hypocrisy.
Rallyists demanding Erap's ouster

Para sa BAYAN -BAYAN MUNA , ang pagpapaalis kay Estrada ay ang panimula lamang dahil kailangan pa rin nilang iharap ang kanilang mga hinaing sa bagong administrasyon. Ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at ang BAYAN MUNA, ang party list nila, ay naitatag noon pang 1980s.
Isa sa mga grupo na naitatag noong panahon ng Martial Law ay binuhay muli para sa People Power II. Muling itinatag ang Kongreso ng Mamamayang Pilipino II ( KOMPIL II) para humanap ng paraan para matapos na ang kasalukuyang krisis sa liderato.
Ang mga malalaking oposisyon parties ang nagsanib sa ilalim ng United Opposition na pinangungunahan ni Bise - Presidente Gloria Macapagal - Arroyo, ang inaasahang papalit kay Pangulong Estrada.
Bagamat isang progresibong organisasyon, ang SANLAKAS ay nakiisa sa panawagan ng nakakarami na pababain si Estrada. Ang SANLAKAS ay humihingi na mag-resign ang lahat ng opisyal ng gobyerno, kabilang na ang Bise-Presidente. Gusto rin nilang magkaroon ng caretaker government na pangungunahan ni Chief Justice Hilario Davide. Sang-ayon din sila na magkaroon ng snap elections. Ngunit para hindi mahati ang bayan, nakiisa sila sa panawagan ng ibang mga organisasyon.
Corazon Aquino
Nang pumutok ang juetengate scandal, sinabi ng Simbahang Katoliko, sa pangunguna ni Archbishop Jaime Cardinal Sin, na wala nang kakayahang mamuno ang Presidente sa bansa. Kasama si dating Presidente Corazon Aquino, nanawagan ang Arsobispo na buhayin muli ang diwa ng EDSA.

Sa ika-apat na araw ng EDSA II, maraming mga miyembro ng Gabinete ang bumaliktad at sumama sa ipinaglalaban ng mga anti-ERAP. Kabilang na rito sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Alfredo Lim, Department of Tourism Secretary Gemma Cruz-Araneta, Department of Education, Culture and Sports (DECS) Andrew Gonzales at Presidential Assistant for Flagship Projects Robert Aventajado. Maging ang mga militar ay binawi ang kanilang suporta para sa Pangulo. Pinamunuan sila nina Department of National Defense Orlando Mercado at Philippine National Police Chief Panfilo Lacson.

Sino naman ang sumusuporta sa Pangulo?
Ang PMAP o ang People's Movement Against Poverty ay ang nag-organisa ng rally sa Mendiola na siyang sumusuporta sa Pangulong Estrada. Hindi rin daw sila aalis habang mayroong mga taong gustong pababain ang Pangulong Estrada na tinuturing nilang kanilang pag-asa.

Sa huli, ang taong bayan pa rin ang huhusga kung sino ang kanilang pipiliing maging pinuno, organisado man sila o hindi. Ang mga naunang mobilisasyon na nangyari sa gabi ng Enero 16, ay hindi inorganisa ng kahit na anong grupo. Kusang loob na lumabas ang mga mamamayan upang ipakita ang kanilang kasuklaman sa ginawang pagbubusabos ng 11 na Senador sa katotohanan para lamang mapagtakpan ang ginawang katiwalian ni Estrada.

Noong una ay paniwalang-paniwala ako sa proseso ng impeachment. Naniwala ako na kayang lagpasan ng ating mga Senador ang kanilang mga partido at bumoto ng ayon sa ebidensiyang iniharap sa kanila. Buong akala ko na mananaig pa rin ang interes ng bayan sa ibabaw ng personal na interes at interes ng partido. Nagkamali ako.

Wala na ngayon ang laban sa loob ng impeachment court. Panahon na para manindigan ang taong bayan at ipakita natin na binabawi na natin sa kanya ang pagtitiwala ng taong bayan. Hindi na pwedeng patagalin pa ang pamumuno ng isang Presidenteng hindi na karapat-dapat manatili sa Malaca�ang. Tumungo sa EDSA upang isigaw:

"ANG LABAN AY SA KALYE NA! HATOL NG BAYAN: GUILTY SI ERAP!

Resign NOW!

Page 1 | 2 | 3
Go up

Copyright � 2001. Jocelyn Dimaculangan and Rhea Adante. UP Diliman. All rights reserved.
Hosted by www.Geocities.ws

1