Grupo_com: OUST ERAP PRIMER
back to home page grupo_com:

the best of Journ 109

SITEMAP | ABOUT US | ABOUT J 109 | LINKS | GUESTBOOK |



back to homepage

Read our works:

This is Jocelyn

DEBT PAPER

OUST ERAP PRIMER

JOCELYN'S AD

This is Rhea

OUST ERAP PRIMER

INSTRUCTIONAL MATERIAL

RHEA'S AD



E-mail

to us your comments and reactions to this piece.


grupo_com �

HATOL NG BAYAN: GUILTY! � guilty si ERAP!

Philippine Presidents almost impeached May Presidente na bang na-impeach sa Pilipinas?
Wala pang Presidente ang na-impeach sa Pilipinas kaya halos ginaya natin ang impeachment rules na ginamit sa paglilitis ni former US President Bill Clinton. Si dating Pangulong Elpidio Quirino ang unang kinasuhan ng impeachment charges noong 1949 dahil sa kasong graft and corruption. Noong 1963, inakusahan si Diosadado Macapagal (ama ni Bise-Presidente Gloria Arroyo) na pinagtakpan niya ang kaso ni Harry Stonehill na sinasabing nang-suhol sa maraming opisyal. Bago maganap ang EDSA Revolution, kinasuhan si Ferdinand Marcos ng impeachment charges dahil sa bintang ng corruption, pagkakaroon ng mga crony, at mga paglabag sa karapatang pantao. Ngunit hindi umabot ang mga kaso nila sa Senado dahil hindi ito ipinasa ng House of Representatives.

Tumagal ang pamunuan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos ng labing-apat na taon bago pa man naglakas - loob ang mga mamamayan na magka-isa at itaguyod ang People Power. Pero sa pagkakataong ito, sa dalawa at kalahating taon na itinagal ni Estrada, hindi na makatiis ang mga mamamayan na paalisin sa puwesto ang isang Pangulo na kitang - kita ang pagmamalabis at pagsasawalang bahala sa kanyang sinumpaang tungkulin sa taong bayan.

Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, mukhang hindi na matatapos pa ang impeachment trial dahil wala na ang tiwala at kumpiyansa ng taong bayan sa proseso ng impeachment.

Ito ay bunsod ng pangyayari sa ika-23 na araw ng impeachment (ika-16 ng Enero) kung kailan bumoto ang mga 21 na Senador kung papayagan nilang buksan ang ikalawang envelope na itinuturing na haligi ng kasong binuo ang ng mga taga-usig. Ang ikalawang envelope na ito ay naglalaman ng patunay na nakaw na yaman nag laman ng Jose Velarde account na nasa Equitable - PCI Bank. At ayon sa surprise witness na si Equitable - PCI Bank Vice-President Clarissa Ocampo na si Pangulong Joseph Estrada at si Jose Velarde ay iisa.

Ano ang nangyari sa botohan ng Senado tungkol sa ikalawang envelope?
Nang gabing iyon, nag-debate ang mga taga-usig at ang panel ng depensa tungkol sa pagbubukas ng nasabing envelope. Ayon sa mga taga-usig, ang envelope ay naglalaman ng impormasyon na magdidiin sa Pangulo hinggil sa akusasyong graft and corruption. Pagkaraan ng ilang oras ng debate, naghain ng mosyon para pagbotohan ng mga Senador kung bubuksan nga ang ikalawang envelope. 11 ang bumoto na hindi pabuksan ang envelope habang 10 naman ang gustong makita ang laman nito.

seal of the Senate

Ano ang reaksyon ng taong bayan?
Nagliyab ang damdamin ng taong bayan sa ganitong paghaharang sa katotohanan. Ilang oras matapos ang botohan, naglabasan ang mga tao sa kalsada para ikondena ang ginawang pagtatakip ng 11 na senador sa katotohanan. Sa Metro Manila, pumunta ang mga tao sa EDSA habang ang mga mamamayan sa Visayas at Mindanao ang nagdaos ng kani-kanilang mobilisasyon sa kanilang mga plaza.

Buong Pilipinas ang nawalan ng pagtitiwala sa impeachment trial dahil nakita nila na ang 11 na senador na ito pa rin ang boboto ng acquittal para sa Pangulo. Para sa kanila, nawalan ng kredibilidad ang Pangulong Estrada at ang buong impeachment court. Kung kaya't kailangan nang husgahan ng taong bayan si Pangulong Estrada. At ang hatol ng bayan: GUILTY!

Page 1 | 2 | 3

Go up

Copyright � 2001. Jocelyn Dimaculangan and Rhea Adante. UP Diliman. All rights reserved.
1
Hosted by www.Geocities.ws