Grupo_com: OUST ERAP PRIMER
back to home page grupo_com:

the best of Journ 109

SITEMAP | ABOUT US | ABOUT J 109 | LINKS | GUESTBOOK |



back to homepage

Read our works:

This is Jocelyn

DEBT PAPER

OUST ERAP PRIMER

JOCELYN'S AD

This is Rhea

OUST ERAP PRIMER

INSTRUCTIONAL MATERIAL

RHEA'S AD



E-mail

to us your comments and reactions to this piece.


grupo_com �

SIGAW NG BAYAN:
PATALSIKIN SI ERAP!

patalsikin si ERAP!

calendar
Ang Mahabang Labanan

Oktubre 04, 2000 Si Chavit Singson ay nagpasyang ilabas ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa jueteng at iba pang ilegal na gawain na kinasasangkutan ng dating Pangulong Estrada.
Octubre 05, 2000 Sa isang privelege speech, inakusahan ni Senate Minority Leader Teofisto Guingona, Jr. si Pangulong Joseph Estrada na tumangap ng P220M jueteng money galing kay Singson.
Oktubre 12, 2000 Nagresign ang ang dating Bise Presidente at kasalukuyang Presidente bilang Sekretarya ng Social Welfare.
Oktubre 17, 2000 Ipinasa sa Kongreso ang Impeachment Complaint laban kay Erap. Nagkaroon din ng prayer rally sa EDSA kung saan dumalo ang dating Pangulong Corazon Aquino at nagbigay ng mensahe kay Erap na may tatlong pagpipilian siya: magresayn, harapin ang impeachment case, o mag-leave of absence.
Oktubre 23, 2000 Lumitaw na may maraming mansion na nagkakahalaga ng milyones si Erap.
Nobyembre 4, 2000 Sa kaarawan ng dating Pangulong Carlos P. Garcia, nagrali sa EDSA ang ilang libong tao na pinagreresayn si Erap.
Nobyembre 11, 2000 Gumawa din ng prayer rally ang mga pro-Erap na pinamumunuan ng Bor. Mike Velarde ng El Shaddai sa Luneta.
Nobyembre 13, 2000 Na-impeach si Erap sa Kongreso at inindorso ang articles of impeachment sa Senado.
Disyembre 1, 2000 Humingi si Erap ng "not guilty" plea sa impeachment trial.
Disyembre 13, 2000 Nagtestify si Singson na tumatangap si Erap ng pera galing sa jueteng at galing sa excise tax returns ng tabako.
Disyembre 22, 2000 Nagtestify si Clarissa Ocampo, ang senior vice president ng Equitable - PCI Bank na si Estrada at si 'Jose Velarde' ay iisang tao.
Enero 16, 2001 Nagresayn si Senate President Aquilino Pimentel bilang pagprotesta sa pagkapanalo ng 11 na boto laban sa pagbukas ng sobreng naglalaman ng impormasyon ukol sa mga bank accounts na kinalalagyan ng P3.3B na pinagmamay-ari raw ni Erap. Ang taong bayan ay naglabasan sa kanilang mga pamamahay at nag-ingay sa kalye bilang protesta sa ginawa ng 11 na senador.
Enero 17, 2001 Nagresayn ang mga prosecutors sa impeachment court. Tuloy ang rali ng mga anti-Erap di lamang sa Edsa kung hindi rin sa iba't ibang mga syudad sa Pilipinas.
Enero 18, 2001 Ang mga anti-Erap na nagprotesta, na umabot sa 250,000 katao, ay gumawa ng human chain na naglakad mula Makati papuntang Edsa Shrine upang dumalo sa misa ni Cardinal Sin.
Enero 19, 2001 Sina Defense Secretary Orlando Mercado, Armed Forces Chief Angelo Reyes, Police Chief Panfilo Lacson at ang buong Armed Forces of the Philippines ay pumanig na sa mga anti-Erap at binigay ang kanilang suporta sa kung sino man ang dapat na mamuno (Gloria Macapagal-Arroyo). Marami ring mga miyembro ng cabinete at mga opisyal na nagresayn tulad nina Economic Planning Secretary Felipe Medalla, Finance Secretary Jose Pardo, Agrarian Reform Secretary Horacio Morales, Tourism Secretary Gemma Cruz-Araneta, Interior Secretary Alfredo Lim, Education Secretary Bro. Andrew Gonzales, Social Welfare Secretary Dulce Saguisag, Secretary for Flagship Projects Robert Aventajado, BIR Chief Dakila Fonacier, National Treasurer Leonor Briones at Presidential Liaison Jaime Policarpio. Nagpatawag din ng snap elections si Estrada na lalong kinagalit at lalong nagpadami sa mga tao sa Edsa.
Enero 20, 2001 Napatalsik na si Erap ng taong bayan at nanumpa na si Gloria Macapagal-Arroyo bilang constitutional successor sa Presidential position ni Erap sa harap ng libu-libong tao sa Edsa Shrine. Umalis si Erap sa Malacanang at umuwi sa bahay niya sa San Juan. Binalitang nagsi-alisan na rin patungo sa ibang bansa ang mga defense lawyers ni Erap.
Enero 22, 2001 Lumipat sa Malacanang ang bagong presidente na si Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang pamilya.

the President on trial

Page 1 | 2 | 3 | 4

Go up

Copyright � 2001. Jocelyn Dimaculangan and Rhea Adante. UP Diliman. All rights reserved.
Hosted by www.Geocities.ws

1