- Research and Extension
Production
- Link to the Aurora Province Website AURORA.PH
The
College Seal
- The College President
Dr. Benny A. Palma, College President,
1994-2001
- Staff
Profiles
- Groundbreaking
Ceremonies (1994)
- International
Volunteers
- International Scholars
|
ASCOT GROUNDBREAKING
CEREMONIES
- MAY 21, 1994
- SITIO DICALOYUNGAN, BRGY. ZABALI,
- BALER, AURORA
Symbolic Ritual: Building the House of the Intellect in
the Service of Aurora and the Nation
Concept and Script by:
- DR. DIONISIA A. ROLA
- Professor Emeritus
- University of the Philippines System
|
- Ang Araw na ito, ika dalawampu at isa ng Mayo
- Isang libo, siyam na raan at siyamnapu't apat - ay
makahulugan
- sa kasaysayan ng ating mahal na lalawigan,
- Aurora ang pangalan.
- Isang kasaysayang ang simula'y
- maririnig sa bagsak ng alon na mararahas sa bayan ng
Casiguran at sa
- hanging humahagibis sa kabundukan at
- kagubatan sa nayan ng Baler.
-
- Alon na walang sawa at mga bulubundukin na di-matahak
- Ang animo'y sagabal sa pag-unlad ng naunang dalawang bayang
ito,
- Sampu na rin ng anim pang bayan, Maria Aurora, Dipaculao at
Dingalan,
- San Luis, Dilasag at Dinalungan.
-
- Gayunpaman, hindi maparam-param ang pag-asa ng mga tao sa
Aurora,
- na ito ay may magandang kinabukasan.
- Hindi mapatpat ang pagsusumikap ng mga liderato nito
- na makamtan ang layuning dakila na mabigyan ang mga
mamamayan
- lalo na ang kabataan, ng masagana at mapayapang kinabukasan.
-
-
- Kaya nga't ang araw na ito ay lubhang
- makahulugan umagang glorioso sa ating kasaysayan
- Isang institusyon sa wakas ay maitatatag sa sinapupunan ng
dagat,
- sa lilim ng gubat.
- Ang bukod-tanging Kolehiyong ating pinakamimithi,
- Korona ng Bayan:
- Aurora State College of Technology
- ang kanyang pangalan.
-
- Kaya tayo ngayon ay nagtipon-tipon, mga lider ng Kongreso,
lalawigan at
- Ng walong bayan - mga embajadores at buong sambayanan,
- Ay upang bigyang-galang ang Poong Maykapal, na siyang simula
- At wakas ng katotohanan, kabutihan at kariktan.
- Sa kanya nanggagaling ang lahat ng mga biyaya,
- Kaya sumasamo tayong lahat
- Nawa ay kasihan ng walang hanggan ang bagong biyayang sa
atin ay ibinigay.
-
-
- Bilang halimbawa ng gawaing banal at nagbibigay-diin sa
tungkuling dapat
- Ang una pagtatanim ng mga punong kahoy na nagbibigay ng
pagkain,
- silungan, silid-tubig at alindog sa kapaligiran,
- Ito'y isang aksiyong dapat isagawa ng isa't isa.
- Hindi lamang ang pagtanim, kundi pag-aruga at pagkalinga
- Sa yama ng Aurora.
-
- Ngayon naman ay isasagawa ng mga iginagalang nating liderato
- Ng lalawigan ng aurora at ng mga pinuno ng kanyang walong
bayan
- Sampu ng mga mahal nating panauhin at embajadores ng
- European Economic Community, ng Espanya, Italia, at ng
Britania.
- At ng ating mahal na Representante
- na si Ginoong BENEDICTO MIRAN
- At ng ating pinakamamahal na pangulo ng Senado,
- si Senador EDGARDO J. ANGARA.
-
- Ngayong nabasbasan na ng banal na bendisyon
- Ang kaisa-isa nating kolehiyo,
- Pagtanim ng punong-kahoy na magbibigay lilim,
- Masasaksihan naman natin
- Ang isang katutubong simbulo
- Uklat sa imahinasyon ng lahing Pilipino.
-
- Ang Aurora State College of Technology
- Ay kakambal ng isang bahay, sampu ng lupang kinatatayuan -
- Isang tirahan, bantayog ng karunungan.
- Masidhi ang paniniwala ng ating mga pinuno
- na sa unang pagtuntong at paglipat
- Sa bahay-bakuran, ay kailangang may dala -
- Mga importanteng bagay.
-
- Ang una ay ilaw na pinang-galingan ng init at liwanag.
- Pang-sabog ng karimlan na ginagalawan, pang-tanglaw sa
landas
- na patutunguhan.
- Init na sagisag ng adhikaing sisimulan.
- Liwanag na hihikayat at gagabay
- Sa isipan at pagkatao ng sinumang tatapak at papasok sa
pintuan
- Ang liwanag ay tanda ng mulat na kamalayan.
- Kasama sa pagpasok ang bigas at palay,
- Animo nagsasabing kolehiyo'y palabigasan -
- Walang pinipili, sa lahat, inilalaan.
- Mga perlas at gintong butil ng kasaysayan ng tao at
sambayanan.
- O sagot sa talinhaga ng siyensiya't matematika
- Bumubusog sa isipan - umuusbong
- MAalindog na karunungan.
-
- Pagmasdan ang palay
- Kapag meron nang uhay.
- Yumuyuko, di ba't halimbawa
- Na kapag marunong na'y nagpapakumbaba
- Lalo na kung hitik at hinog ang dala niyang bunga
- Lalong bumababa, para bang iniaalay
- Ang buong sarili sa kapakanan ng bayan.
-
-
- Kaugnay sa pasimula ang tubig.
- Daloy, tuloy-tuloy, pilit hinahanap ang dagat
- Upang muling pumaitaas sa anyo ng ulan at pumatak
- sa anumang uri ng kapaligiran.
- Sa ating bagong kolehiyo, pilit hahanapin ang katotohanan at
- Kahulugan ng buhay. Hamog na humahaplos sa bagong kamalayan,
- At pamatid-uhaw sa tuyot na isipan.
- Iyan ang tubig na nagbibigay-buhay, tubig sa ilalim ng lupa,
- Tubig sa gubat, tubig sa langit, tubig sa dagat -
- tubig ng karunungan para sa ating lahat.
-
-
- Ngayong nandiyan na lahat ng pangangailangan,
- Mayroon pang isa, di dapat kalimutan.
- Bagama't may apoy at ilaw, mga sangkap at tubig,
- Ano pa ba ang kailangan upang ang mga ito'y ating mabibili?
- Di ba suporta ng madla at saka salapi?
- Nararapat din kung gayon na ito'y ipasok,
- tugon sa pangangailangan ng Kolehiyo
- Sa patuloy niyang paglaki at pag-usbong.
-
- Kaya, mga Kasamahan, mahal na panauhin, mga bisig at lakas
- Gaby at tanglaw, buong lalawigan
- Ngayong ang simbulong ritwal ng pagtatatag ng Aurora State
College
- of Technology ay natapos na rin:
- Pakinggan natin ang mga sumusunod bilang pagpapatibay ng
kanilang
- Pagtulong sa Aurora State College of Technology.
- Karamiha'y tubong Aurora at piling-pili
- Ilaw at gabay ng mga estudyante;
- Pinangungunahan sila ng pinakaunang
- Presidente na sumagot sa panawagan
- Ng pangangailangan;
- Nilisan niya ang kanyang lalawigan at
- brilyanteng kinabukasan, bilang Director
- of Research and Development sa Aklan State College of
Agriculture.
- Dala-dala niya ang buong pamilya, at niyakap ng buong
- loob ang katungkulang inilatay sa kanyang
- balikat - Dr. BENNY A. PALMA
-
- (In unison President Palma, faculty and
- staff pledge their commitment.)
- Kasunod naman ay ang lideratong lokal, na
- Magkakasunod na magsasalita:
- Ang ating iginagalang na Gobernador, si Ginoong EDGARDO ONG,
- at ang minamahal nating Mayor na si Ginoong ARTURO J.
ANGARA.
-
- Hindi pa man, ay lubhang napakalaki na ang naitulong sa
Aurora State.
- Sila at ang kanilang staff ang naghalili sa pag-aasikaso sa
lahat
- ng pangangailangan ng Task Force tuwing
- nagbibiyahe dito mula sa Maynila - pasakay, pakain, patulog,
- at walang hupang pagtulong.
-
- Ang lideratong nasyonal ang siya namang susunod
- Ang kagalang-galang na representante natin sa Kongreso, si
Ginoong
- BENEDICTO MIRAN, at ang pinakamamahal nating Presidente ng
Senado
- na si Senador EDGARDO J. ANGARA.
-
- Walang tigil nilang iginiit na mapasa ang Republic Act. No.
7664
- na siyang pinagbatayan ng ating kolehiyo.
-
- (Congressman Miran makes his pledge)
-
- Si Senador Angara, higit sa lahat, ang nagpasulong
- sa pagdating ng araw na ito.
- Siya ang nag-kusang magkaroon kaagad ng tatlumpung milyong
piso
- ang Aurora State College upang makapagsimula na nga dito
- ang serbisyo akademiko.
-
- (Senate President Angara makes his pledge)
-
- Nagpapasalamat kami sa inyong kalahatan, lalo na sa
tumulong
- sa mga preparasyon para sa umagang ito!
- Return to Top
- Return to
Mainpage
|
|