Search
 
Philippine Collegian

Issue 21 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
21 Jan 1990
Anti-bases “welga” set
Members of UP Students Voice, a coalition of anti-bases organizations in Diliman, last week signed a manifesto calling for a bases-free Philippines and finalized plans for the “Welga ng mga Iskolar ng Bayan laban sa base militar” slated for January 30.
 
 
 
Last week
 
Editoryal
Chartering Disputes
Balita
Panukalang UP Charter, isasalang na sa bicam

Residents stop census

Groups oppose removal of ceiling on tuition increase

Partylist funds CSSP tambayan construction

Student march halted at centennial kick-off

Tungo sa Hinaharap: Ang SR sa hamon ng sentenaryo ng UP

Main Lib employee dies from fall

Dead body found in Arboretum

Narra catches fire

Angat o lagapak: Sipat sa pambansang ekonomiya sa 2008

Kultura

Closeted Resistance

Tingi-tinging Kapalaran

Lathalain
Soiled Programs

Tinig ng Pagtindig

Grapiks
Komiks : Buknoy # 10

Sipat : Pananghalian

Opinyon
It sort of hurts to remember your smile*

Shooting the President

Return to Sender

Time Check

 
Home
 
About
 
Downloads
 
Contact
 
Links
   
 

Ang mga petsang hindi ipinagdiriwang

Louise Vincent B. Amante
Philippine Collegian
Last updated January 23rd, 2008

Ganito tayong mga Filipino: masayahin, idinadaan sa biro ang mga problema, madaling pakisamahan. Sa alinmang pagtitipon, ilan ito sa mga lumalabas nating katangian. Mahilig din tayo sa mga selebrasyon. Bukod sa kaarawan, marami tayong pista sa ating kalendaryo. Halos araw-araw ay may pista sa buong kapuluan. Naeengganyo ang mga dayuhang turista sa ganitong mga pagdiriwang natin. Kaya naman napakapositibo ng ating imahe sa buong mundo.

Subalit, may mga panahong hindi ganito ang larawan ng isang Filipino, maging sa labas ng bansa.

Pinuri, bagaman tinuya rin, ng international community ang Edsa 2 sa muling pagpapaalis natin sa isang tiwaling pangulo. Sabihin man ng iba na mali ang pangyayaring ito noong Enero 16-21, 2001 dahil labag ito sa Konstitusyon, nakita ng taumbayan ang pang-oonse ng 11 senador nang tumutol ang mga itong buksan ang envelope ng Jose Velarde bank account. Kahit ang Korte Suprema’y nakita ang pagkawala ng mandato ni dating Pangulong Joseph Estrada nang mga panahong iyon kaya natanggal siya sa puwesto.

Subalit, ang Edsa 2 na naging pagpapaluklok kay Pangulong Gloria Arroyo ay hindi ipinagdiriwang ngayong taon. Ipinahayag ito ng Palasyo noong nakaraang linggo. Malayung-malayo ang senaryong ito sa magagarbong paggunita ng mga nakaraang taon. Na kaloob ng langit ang Edsa 2 para sa pagbabago ng bansa at upang pagpalain ang magiging bagong pinuno. Maaaring hindi na nga mahalagang ipagdiwang ito para sa administrasyong Arroyo sapagkat pinagkalooban na ng presidential pardon si Estrada. O kaya’y dahil sa “pagtitipid” ng pondo at upang hindi na muling masilip ang mga nabigong pangako ni Arroyo sa mga sektor at grupong kanyang kinonsulta na kabilang sa Edsa 2.

Kung tutuusi’y hindi malayo ang ganitong pagkakanulo ng kasalukuyang administrasyon sa demokrasyang hatid ng “milagrong Edsa.” Enero 22, 1987 nang magmartsa patungong Mendiola ang mga magsasaka para sa pagpapatupad ng repormang agraryo isang taon matapos ang Edsa 1. Nakaabang sa lugar ding iyon ang mga unipormado’t armadong pulis at militar. Ang utos sa kanila’y huwag palalapitin sa Malacañang ang mga magsasaka. Iginiit ng mga magsasaka na harapin sila ni Pangulong Cory Aquino, subalit ang humarap sa kanila’y mga punglo. Nagkagulo ang hanay ng mga magsasaka’t tuluy-tuloy pa rin silang pinaputukan ng mga pulis at militar. Labintatlong magsasaka ang namatay sa hibang na pamamaslang na iyon. Dinilig ng kanilang mga dugo ang Mendiola, at nagkalat ang mga plakard na iisa ang panawagan: Lupa, hindi bala.

Enero rin, taong 1970, nang may ganito ring kahibangang bumalot sa lugar ding iyon. Mga kabataang aktibista naman ang pinuntirya ng Metrocom sa utos ni dating Pangulong Marcos na siguruhing ang demokrasya’y hindi mapupunta sa mga “lokal na Maoista.”

Mahaba ang gabing iyon ng Enero 30. Bukod sa truncheons, pinapuputukan ng mga pulis ang mga kabataang aktibista. Gumaganti naman sila ng molotov. Ilang ulit ding nagpasalin-salin sa kamay ng mga aktibista ang mga kalsadang malapit sa Malacañang at ang Mendiola. Tinawag nila ang mga iyon na liberated area. Subalit tila mga asong ulol ang mga pulis sa pagsuot sa mga eskinita’t sa paghahanap sa mga nagtatagong aktibista. Bugbog, tadyak, at palo ang natanggap ng mga kawawang aktibista, kasabay ang pang-aalipusta. Natapos ang gabing iyon na tinaguriang The Battle of Mendiola, at apat na kabataan ang namatay. Ito ang isa sa mga mitsa ng First Quarter Storm, na nagpasidhi sa damdaming makabayan ng maraming kabataang aktibista.

Ang mga pangyayaring ito ang pilit na binubura sa mga pahina ng kasaysayan, lalo na ng Malacañang na wala pa ring kakayahang papanagutin ang mga maysala. Hindi nila ipinagdiriwang ang mga ito nang may magarbong paghahanda, kundi sa paglalagay ng barbed wires, ng cargo vans, at sa pagtatalaga ng mga militar sa tulay ng Mendiola. Kailangang protektahan ang Malacañang sa mga naging biktima, na habang nasasaktan ay lalo pang tumatapang.# Philippine Collegian

<< back to home


Pipe Dreams

Piya C. Constantino
Philippine Collegian
Last updated January 23rd, 2008

I thought you would’ve grown your hair longer by now, or would have a few tattoos, maybe even a beer belly.

But I didn’t quite recognize you, after years of not seeing each other. I had braced myself for anything, but had not expected to see that you hadn’t changed at all -- clad still in your favorite and now faded yellow shirt, your hair tied back in a sloppy ponytail, wearing your silver bracelet with your name engraved on it, and holding on still to your old childhood dreams.

We had nothing else left in common but the past, so we pierced through the awkwardness with stories we both knew. Old, treasured secrets were finally conveyed, albeit without their previous significance. Ten years’ worth of overdue apologies were given, bringing back with them old, otherwise forgotten hurts I would rather not have remembered.

You were overflowing with enthusiasm. I was feigning indifference, unnerved by how little you’ve changed; how your aspirations remain the same even after a decade’s worth of frustrations. How, like a naïve schoolboy, you still dream of becoming a famous rock star, and of one day finding your mother who never once looked for you. How you still laugh and smile like a little boy confident that the world could never forsake him.

You have always been in love with what you can someday become, constantly moving that ‘someday’ further into the future every year you get older, refusing to let go of childish hopes even in the face of absurdity. And I, too, had once been in love with what you could someday have become, weaving my dreams along with yours. Then ‘someday’ came, and I moved on while you waited patiently still.

I remember how inanely jealous you were of the time I spent in school rather than with you, who refused to enter college. How you would sometimes wait for me after my classes, or else would tell me to go home directly afterwards to talk to you over the phone. How I eventually ran out of stories to share with you, and of stories with you in them, and started to move away.

I have long since learned to form and re-form ambitions depending on present circumstances; to hold on to nothing but the belief that any situation can be adapted to. I learned not to long for your presence, and adapted to being without the one person I knew would defend me even when we were both aware of how wrong I was.

You remarked at some point that that was perhaps your main role: being the one who never changes; who never quite moves on – the one you want to see only when you realize that everything has changed too much too soon. The one always left behind.

You kept asking me why I stopped caring, so I finally answered what you later said were the most honest yet hurtful words I had ever said to you:

I grew up. We all have to, eventually.# Philippine Collegian

<< back to home

   
   
   
   
   
   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1