Search
 
Philippine Collegian

Issue 20 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
21 Jan 1981
ML lifting a 'sham'
"The much dramatized lifting of martial law is a sham." This was unanimously expressed by some 500 students who joined the mass assembly and symposium held at the CAS second floor lobby last Jan. 15. Speakers from different sectors within and outside the university denounced the lifting of martial law and described it as "deceptive, and aiming to pacify national unrest by feigning reforms."
 
 
 
Last week
 
Editoryal
A season of struggle
Balita
Mendez's e-mail confirms SR link to hazing

Tuloy na tuloy pa rin (ba) ang Pasko

Militants call for GMA ouster

USC Chair is UPD's lone SR nominee

Farewell to a beloved artist and professor

Guro at rebolusyonaryo

Kultura
Ang Pasko ay sumabit
Lathalain
Gimik sa Aurora: Kalbaryo ng Bagong Magdalena

After School

Grapiks
Komiks : Buknoy # 9

Sipat : Waterworld

Opinyon
Sa iyo, sanggol, tatlong buwang gulang*

Letters Unsent

s
Return to Sender

Wretched

 
Home
 
About
 
Downloads
 
Contact
 
Links
   

Tungo sa Hinaharap: Ang SR sa hamon ng sentenaryo ng UP

Kristoffer Reyes
Philippine Collegian
Last updated January 14th, 2008

Inihalal na susunod na student regent si Shahana Abdulwahid, tagapangulo ng UPD University Student Council (USC), sa ginanap na General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Baguio noong Disyembre 21.

Nanalo si Abdulwahid matapos ang halos siyam na oras na paglalatag ng mga nominado ng kanilang mga tunguhin at pagsagot sa mga tanong ng GASC, na binubuo ng 54 konseho mula sa iba’t ibang yunit ng UP.

Nauna nang ipinahayag ni Abdulwahid na kung mahahalal siya bilang SR, ang tanging kinatawan ng mga mag-aaral sa Board of Regents, paiigtingin niya ang kampanya sa pagbawi sa tuition and other fee increases (TFI) at ipagpapatuloy ang paglaban para sa mas malaking pondo mula sa gobyerno para sa UP at sa edukasyon.

Kabilang sa mga nominado sina Jigs Tenorio mula sa UP Manila, Deo Onda mula sa UP Baguio at Eula Glongora mula sa UP Los Baños.

Kasalukuyang hinihintay ni Abdulwahid ang opisyal na pagtatalaga sa kanya bilang SR mula sa Malacañang.

Kaugnay nito, kinapanayam ng Philippine Collegian si Abdulwahid.

Anu-ano ang mga plano mo ngayong taon bilang student regent?
Nagkaroon na tayo ng initial talks with students regarding UP charter. Balak nating magkaroon ng caucuses ang UP units  para ma-consolidate ang plans para sa UP charter. Ito na kasi ang pinakamatinding isyu na kinakaharap ng UP sa ngayon.

Ano ang plano mo ukol sa pagbawi sa TFI?
Merong pending congressional inquiry [ukol sa pagbawi sa TFI] sa Lower House. Iyon pa rin ang ipu-push natin. Ang policy review, kailangan pa ring kinisin para mas lalo pang maipakita ang flaws ng TFI at STFAP (Socialized Tuition and Financial Assistance Program).

Ano ang masasabi mo sa pagdiriwang ng sentenaryo ng UP?
The centennial celebration must not only focus on the pride and excellence of the university in its alumni, but must also reaffirm the core principle to highlight the university’s role in retaining quest for social change and justice.

Ano ang iyong mga hakbangin sa paglaban para sa mas malaking pondo mula sa gobyerno para sa UP at iba pang sektor ng edukasyon?
The fight for greater state subsidy must be continued in line with the campaign to push for a democratic UP charter.

Ano ang gagawin ng Office of the Student Regent (OSR) upang labanan ang nakaambang demolisyon sa RIPADA?
Constant naman ang communication natin sa council doon, sa barangay at sa UP. Ang mahirap kasi ngayon, gumagawa na ng survey UPAO (Urban Poor Affairs Office) pero walang permission from UP. May letter mula kay (Quezon City Mayor Sonny) Belmonte na nagsasabing papasok na sila sa UP this January. Kapag papasok sila dito, kailangan muna nila (ng UPAO) ng permission [mula sa UP].

Ano ang palagay mo sa panunungkulan ni SR Terry Ridon?
May gains ang term ni Terry. Una, nagkaroon ng policy review, kasama ang mga students na gumawa noon. Hindi nawala ang mga course na wala masyadong enrolees. Nagkaroon din ng mga forum na ni-launch ni Terry at binuo niya ang SPARE. Ang kakulangan siguro, marami pang students na hindi pa nakakaalam kung ano ang mga issue natin. Kailangan din na closely coordinated siya with the student council, kasi may nature ang ilan sa kanila na walang pakialam. Sa palagay ko, matagumpay niyang ipinaglaban ang issues ng students, especially na nilabanan niya ang tuition increase. # Philippine Collegian

<< back to home

 
 
   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1